7/15/2014
10:50:29 PM
Ayan na.
Lumabas na ang desisyon ng Korte Suprema; aniya, “unconstitutional” daw ang
Disbursement Acceleration Program fund o sa madaling sabi, ang DAP. At 13-0
yan, isang bonggang-bonggang unanimous decision, na kala mo ay sa mga laban sa
UFC at boxing mo lang maririnig ang katagang yan.
O tapos,
ano na? Unconstitutional pala yan eh!
Kung
susundin ang ginawa sa Priority Development Assistance Fund, o PDAF, ay dapat
i-scrap na rin ito: tanggalin na sa budget ng bansa.
Yan ay kung
hindi magpapatalo ang executive government sa desisyon ng SC. Ngunit, yun
lang—sa isang mala-State of the Nation Address (SONA) speech kagabi, ay tila
kinalaban pa ni Pangulong Noynoy Aquino ang Supreme Court sa salita nito. So,
pa’no na yan? Mukhang magkakandaleche-leche pa yata ang isyung yan ah. Kung si
Senator Osmena ang tatanungin, maaring magkaroon ng isang masalimuot na senaryo
na kung tawagin ay “constitutional crisis.”
Pero, ano
pa nga ba ang problema sa DAP, maliban sa sinasabi na ang ponding yan ay isa
rin sa mga ugat ng katiwalian sa ating bansa sa kasalukuyan? Ewan.
Dahil sa
pera lang ba nagiging corrupt ang isang tao sa pamahalaan? Parang may
pagka-illogical rin kung isisisi sa material na bagay ang lahat ng kagaguhan
eh. Sa totoo lang, hindi ang pera ang ugat ng lahat ng kasamaan, kundi ang
labis na pagmamahal rito.
Ngunit sa
kabilang banda kasi, patunay rin lang yan na kung gaano dyino-Diyos ng tao ang
mga makamundo’t makapangyarihang bagay tulad na lamang ng salapi sa ngalan ng
DAP, at yung PDAF, o sabihin na lang natin na “pork barrel.”
Ano kaya
kinakatwiran ng kuya mo, kaya tila nagmumukha siyang stubborn sa mata ng
nakararami? Oo, as in parang ang tigas ng ulo niya na sinusuway ang tawag sa
utos na ‘yan ng kan’yang mga boss?
Dahil magagamit na emergency fund raw ito? Kung ganun, nagamit ba ito sa panahon ng kalamidad
noong nakaraang taon gaya ng lindol sa Visayas at ang pagtama ng super-bagyong
Yolanda sa ating bansa? At pati na rin noong Habagat sa Luzon? Kung hindi, eh
ano pa nga ba ang pinaglalaban niya kung ganun? Naalala ko lang na isa yun sa
argumento niya noong minsa’y pinutakte na ang DAP na ‘yan.
Sa isang
anggulo, masyado nga ba tayong mapagpuna, kaya ang mga bagay-bagay na
magsisilbi sanang pakinabang sa atin ay tinitignan na rin natin ng masama? Alam
ko, pera yan; at marami na ang patunay sa isang antigong kasabihan na binanggit
ko sa mga naunang talata ng artikulong ito; pero… parang masaydo naman tayo
naggeneralize o nagstereotype.
Na parang
ganito: sabihin na natin na, okay, maganda naman ang hangarin ni PNoy kaya niya
itinatag ang DAP.
Pero
sabagay rin kasi, unconstitutional na eh, sabi ng isang sangay ng pamahalaan
natin. That already said enough. Sapat na preba na ‘yan, kaya nga nag-alburoto
ang mga tao kay Secretary Abad ng Department of Budget and Management, ‘di ba?
Pero sa
akto ng disagreement ng pangulo, tila kinakalaban niya ang paahalaan niya.
Kahit sabihin pa natin na sa lahat ng tatlong sangay ng gobyerno natin, ang
huradikatura ang tila pinakamahina pagdating sa pag-exercise ng kapangyarihan.
Naku,
mahaba-habang dayalogo at debate na naman ito panigurado.
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!