06/23/14 02:38:46 PM
So, ayan na. May umaalingawngaw na isang hinang. Mainit raw
masyado. Baka naman pe-puwedeng magka-aircon sa kulungan nila.
Pero dahil lahat tayo may mahihilig umapila, baka naman
pwede na rin nating samahan ng stock ng sabong mabango (yung panligo, ayon sa
mga kapitbahay ko sa bukid), pagkain na may unlirice, wifi connection, saka
extended na visiting hours. Oo, kung manghihingi ka rin naman, sagarin mo na.
Ganun? Demanding ang datingan nila, eh no? Mas makapal pa ba
sa makakapal na mukha nila?
“Beggars can't be choosers, ika nga.” May kasabihan din na
“huwag kang choosy kung hindi ka naman yummy.” Ibig sabihin nito ay simple:
nasa kulungan ka, kaya magdusa ka! (Oo, alam ko. Tunog pelikula ni Sharon
Cuneta yan.)
Pero alam mo, ang sentimyento ni Sen. Bong Revilla na
humihingi ng aircon para sa kanyang detention facility ay malay mo,
sentimiyento rin ng libu-libong nakakulong sa kanilang mga respektibong piitan
sa alinmang isla at lupalop sa bansang Pilipinas. Oo, marami kayang naiintan,
at naartehan rins a kani-kanilang mga kulungan eh.
Sa kanilang banda, masasabi rin na “Putangina naman. Tama
lang yan sa inyo. Dapat nga sa impyerno na kayo eh; para at least mabilis
kayong mabubulok dun.” Lalo na kung nabiktima ka ng isa sa kanila.
Pero panibagong anggulo: kung sakaling maisakatuparan ito,
dalawang bagay lang nakikita ko. Una, dito magre-reflect kung gaano katindi ang
hustisya sa ating bansa—may pinapanigan, basta may pera ka; at pangalawa,
talaga namang mainit sa Pilipinas (obvious naman kasi eh. Kung mag-aaral ka ng
heograpiya, malalaman mo kayang malapit tayo sa Tropic of Cancer, kaya
maituturing na isang “tropical country” ang tinitirhan nating bansa.).
Saka isa pa pala: patunay lamang ito kung gaano kagarbo ang
buhay ng mga tulad nila (pero hindi naman lahat). Sagana sa kumportableng
lugar. At walang masama dun, lalo na kung wala ka naman talagang ginagawang
masama sa mata ng batas. Eh paano kung meron? Baka karma na yan.
Pero sa totoo lang, ano 'to? Ba't naman masyado silang pa-VIP?
Kung ganun lang din, eh di sana kahit yung mga nasa maximum security (at kahit
medium at yung mga nasa minimum na rin) ay sana tinatrato rin parang VIP.
Pero siyempre, dapat yung mga tao, in general, partikular
yung mga nasa labas ng rehas, ng dapat makaranas niyan noh. Unfair naman: kung
sino pa ang may ginawang katarantaduhan, sila pa ang mas may karapatan pa yata
sa lipunan kesa sa aming mga matitino?
Yan tuloy, naasar na ang lola mo. Naglabas ng sentimyento sa
media. Plano pa nga ata maghain ng panukala. Ginagawa kasing five star hotel
ang detention cell?
Ano ba yan.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!