Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

07 August 2014

Alaala ng WOTL

06/16/14 10:10:59 AM

(As of the time na nailimbag ang post na ito, muling nagbabalik ang Word of the Lourd sa pamamagitan ng kanilang episode na SONA 2014)

Sometimes, memories can be a real bitch, ika nga niya.

Ewan ko. Siguro, noong panahon na nagba-bye na talaga ito sa ere (noong nakaraang Christmas at New Year holiday yun, to be exact), at marami ang nanlumo sa lungkot. At isa na dun ang inyong lingkod.

Oo nga naman. Bakit nagpaalam na sila sa ere? Sa panahon na mas kailangan ng tao ang mga palabas na nagbibigay ng isang malaking package ng aliw, kaalaman, opinyon sa nakararami, BAKIT?????!!!

Naalala ko nung 2012, gumawa ako ng isang draft na nagbibigay ng aking pananaw ukol sa interstitital na ito. Pero sa kasamaang palad, dala ng pagkasira ng aking compueter at pagkakandahalo ng mga scratch paper na parehong naglalaman ng mga “drafts” at literal na scratch paper, hindi ko na naiencode o ni naretrive ang mga ito.

Pero, dahil mahihilig rin sa throwback tribute na posts ang inyong lingkod, oo, maari ngang wala na ang eksaktong istruktura nun, pero hindi mananakaw ng pagkalimot ang ideyang nananalaytay pa rin sa utak ko (oo, kahit kung tutuusin ay paminsan-minsan, kinakalawang ito sa dami ng hanging pumapasok).

Masarap lang panoorin ang mga video nito sa YouTube channel nila, o unless kung may guts ka na magdownload nito sa Hard Disk mo (uy, bawal yan. Piracy yan, boy!). Pero maliban sa daan-daang episode nito, paano nga ba nagsimula ang Word of the Lourd?

Isa itong segment sa palabas nun ng channel 5 (karereformat pa lang nila nun sa pangalang TV5), na pinamagatang TEN—o The Evening News. Noong patapos pa lang ang taong 2008 nun to be exact, at ang pinakaunang segment dun ng then-baguhang segment host na si Lourd de Veyra ang ang 10 posibleng mangyari kay Jose Rizal kung nabubuhay pa siya sa kasalujkuyang panahon.

Mula nun, naging regular na segment ng Kapatid network ang WOTL. At kahit nawala na ang TEN nun, lumipat naman ito sa Sapul.

At noong Pebrero 2011, noong ni-launch ng TV5 ang AksyonTV, ang UHF sister channel ng naturang television network na nagke-cater ng mga programang pangbalitaan, at sports, nagbago din ang mukha ng Word of the Lourd. Yan na yung panahon na may ume-extra. Kadalasan ay kasama ni Lourd sa eksena ang dirketor nitong si Jun Sabayton. Minsa, si Bart, pati na si Alvin; at si Orestes. O minsan pa nga, ang mga chicks na sila Lia Cruz at Shawn Yao. Minsan nga, parang may caemo pa sila Claudine Trillo at MJ Marfori, at ang dating news anchor ng channel 5 at 41 na si Mike Templo.

Pero huwag na nating pagtuunan ng pansin ang cast. Doon tayo sa mga nilalaman. Mas tinutukan ng Word of the Lourd ang mga usaping panlipunan at samahan na rin ng mga talakayan sa kasaluyang isyu.

Pero kung mayroong hindi nagbago sa WOTL, yun ay ang manner ng komentaryo ni de Veyra—yan ay may halong komedya: wit and sarcasm kind of humor, ika nga. Samahan mo pa ng talaga namang personal na tirada sa mga... alam mo na, mgha kinaayawan niyang isyu. Well, wala tayong magagawa, kahit sumalungat ka pa. Personal na palabas na rin niya yan eh. Siya ang may utak sa paggawa niyan, at take note: opinyon niya yan at hindi nagrerflect sa kabuuan ng opinyon ng TV5 ukol sa mga paksang tinatalakay.

Matagal din sumahimpapawid ang pangalawang era ng WOTL, kahit na mas matagal pa rin kung tutuusin yung naunang henerasyon (halos 300 na episodes ang WOTL noong 2008-early 2011; samantalang 200+ noong 2011-hanggang katapusan ng 2013).

Pero, pagkatapos nun, maliban sa History ni Lourd, ay parang wala nang matinong interstitial ang channel 5 at 41(maiban sa Take Out, Kwentong Kanto at Mondo Manu; kaso paulit-ulit na rin lang naman yun eh tulad ng WOTL). Loop-back, ika nga, at hindi ko kinakastigo ang network, ha? In fact, mas okay nga ang mga ganitong klase ng palabas. Pero mas okay rin sana kung nagtuloy-tuloy pa rin ang mga shorts nila.

Pero katulad na lamang ng mga bagay sa mundo—buhay man ng tao, relasyon, at ultimo establisyamentyo—kung may simula, meron din naman itong katapusan. At aayon na rin yan sa dikta ng negosyo at kumpetisyon sa media. Oo, lahat naman ng palabas ay for business eh. Ano pa bang aasahan mo?

Well, kung nauurat ka na rin lang naman sa pagkamis sa kanila, hindi solusyon ang magwelga (i.e. “Makibaka! Ibalik ang WOTL!”) sa internet. Uso magplayback. Sariwain mo na lang habang andyan pa. Habang may internet ka pang ginagalawan. Tutal mahihilig naman tayo mag-throwback eh.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!