Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

17 August 2014

#ChickenSad?!

8/17/2014 2:23:48 PM

Wala na sigurong mas sasaklap pa kesa sa isang sitwqasyong tulad nito:  wala sa menu nila ang inoorder mong pagkain. Nactually, mali pala: anudun nga sa listrahan nial, akso walang available dahil ubos ang stock. And dahilan kung bakit ubos ang stock? Walang nagdeliver. At bakit walang nagdeliver?

Nag-upgrade daw kasi ng sistema.

Kaya pala ang daming umaangal no? Kahit hiyaw nila ng “isa pa, isa pa, isa pang Chieckenjoy!” eh wala naman palang dumarating!

“Wala pa. Wala pa. Wala pang Chickenjoy!”

“Awww!”

“Ano, walang Chickenjoy?! Tanginaaaaa!”

www.pepper.ph
Damay pa ang spaghetti (Naku, hoy, walang ganyanan! Hindi pa kaya ng budget kong pumatol ng isang maliit na bilao ng Spag sa Amber’s), at yung iba pang produkto ng Jollibee.

Sa sobrang gipit lang sa kanilang delivery, nagsara na sila. At balita raw na habang sinuusulat ang npost na ito, ay dapat ngayong araw mismo ito magbubukas muli ang mga naapektuhang branch ng Jollibee.

Sa daming nabadtrip, dinaan nila sa social media ang himutok. What can you expect pa nga ba sa ngayon? Hindi naman lahat ay may diary o may kakwentuhan sa kani-kanilang mga bahay, opisina o eskwelahan? Kaya sa mga tulad na lamang ng Facebook, Twitter, Tumblr, Pinterest at sa kung saan-saan pang mga social networking website na lang sila naglalabas ng sama ng loob (di pwede sa banyo. Gutom nga eh, ‘di ba?).


Pero, ano nga ba uilt ng pinag-ugatan nito?

“Sir, may bagong system kasi sa ngayon.” Ops, ayon yan sa nakausap kong service crew noong isang Sabado (Agosto 9) ng hatinggabi sa isang branch nila sa Quezon City.

“Ganun, so, teka. Kailan expected na magiging maayos ulit ang lahat? I mean, made-deliver ang stock? As in “back to normal?” Tanong ko naman.

“Sir, hopefully next week.” Ang tangi nyang sambit. Kung di ka kumbinsido sa sinabi niya, eh alam ko ang dahlia na nasa likod ng lohika na yan: siyempre, para sa isang salesman tulad na lamang ng sales crew na ‘yun, ay gagawin niya ang lahat para mapanatag ang loob ng kanyang customer sa panahon na pumapalya ang kanilang produkto o serbisyo.

At ayon na rin yan sa opisyal ng Jolibee mismo na humarap sa media para sagutin ang mga himutok ng publiko.

At kung badtrip ka pa rin, tanungin mo na lang si Mayor Erap.

Oo nga naman, bakit yung McDo, meron? Hahahaha!

So, ano na? Linggo na, maayos na kaya sila ulit? May stock na ulit sila ng pagkain (pansin ko lang: matapos na maubusan ng spaghetti ay yung palabok naman ang out of stock sa kanila. Pati yung burger steak ata o ibang food product ba yun)? Bukas na kaya ayung ibang naapektuhan nito?

Kahit ialng araw lang kasi ay pustahan, malaki rin ang lugi sa part nila.

Pero anyway.

Oh, meron na raw ulit! Hay salamat!!!!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. Ilang milyon raw ang nawawala sa Jollibee dahil sa pagkakamaling ito. Di ko man dama ang pagkawala nito (wala naman kasi talaga dito sa kinalulugaran ko sa Indonesia), naiimadyin ko ang pagkahagom at pagkadismaya ng mga mahilig nito. Ang misis ko e gusto talaga rin ito at kapag umuuwi kami e lagi nyang hinahanap. Actually, hindi ko rin alam ang pinagkaiba nito sa KFC na mas gusto ko.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!