Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 August 2014

Death and Depression

8/19/2014 8:15:52 AM

Last week, ito ang gumalantang sa atin: ang pagkamatay ng komedyanteng si Robin Williams. 63 anyos lamang siya. Kasabay rin nito ang pagkadakip sa isa sa mga pinakawanted sa bansa na si Jovito Palparan.

Pero ito ang mas pag-usapan natin. Aniya, nag-suicide si Williams. Nakatali sa kanyang leeg ang kanyang sinturon. As in nagpatiwakal.

Nagtataka ka: sino mag-aakala na gagawin niya yun sa kabila ng kasikatang tinatamasa niya noong nakaraang dekada? Aminin: kahit hindi ka aware o di mo siya gaano kilala, unless isa kang batang 2000s, ay at least may isang pelikula kang naalala na kasama siya o isang character sa mga pelikula na ginampanan n’ya (which sa opinyon ko ay ang boses n’ya bilang Genie sa Aladdin at ang Bicentennial Man ang mas naaalala ko).

Ngayon, sa mga pelikula na lamang naaala ang kanyang antics sa pagpapatawa na nagsimulang umubsong bilang stand-up at TV comedian noong 70s.

Nakakapanlumo mang isipin na “hindi kailanman naging mabuti ang pagtangka sa sariling buhay,” ito naman ang mas mas masaklap na katotohanan: “kung sino pa ang mga taong nagbibigay-saya, tuwa, o tawa sa ating buhay, ay ang siya pang mas may dinarasan na kalungkutan.”

Oo, minsan, lubos-lubos pa.

Sinasabing depresyon ang naging isang malaking factor kung bakit nagawa yun ni Williams, bagamat may mga ulat din na nagsasabing may Parkinson’s disease rin siya.

Sa totoo lang, pinapatotoo lang nito ang isang kasabihan sa realidad na minsan, kung sino pa ang mga sikat, sino pa ang astig sa ating mga mata, o ang mga iniidolo natin, at sila pa ang mga mas may higit na dinaranas at problema kesa sa ating mga ‘ordinaryong’ mortal.

Hindi lahat ng mga artista ay superhero. Hindi lahat ng mag ‘superstar’ ay superstar talaga. At higit sa lahat, kahit gaano sila katindi bilang komedyante, tao pa rin sila tulad natin.

Isa sa mga matitinding sitwasyon na maaring kasadlakan ng tao ay ang depresyon. Wala itong pinipiling tao. Hindi ito kailangan ng alinmang kumplikasyon o sintomas para masabing depressed ka. At napapabago nito ang pananaw mo bilang tao.

Hindi mo pwedeng isama sa argument rito ang “eh hindi naman kasi nagdadasal yan o nagsisimba eh.” Tol, hindi lahat may relihiyong pinaniniwalaan, at hindi lahat ay naniniwala sa Diyos.

Marami nga lang itong factor kung bakit nade-depress ang isang tao: stress, problema sa pinansyal, karera (career; trabaho), relasyon sa pamilya, kaibigan, iba pang kaanak, at/o ultimo sa personal at romantikong partner.

Bagamat may mga antas rin ito, pero ang mas pinakamasaklap, at sana naman ay wag mong maranasan — ang parte ng suicidal. Isipin mo, pito sa sampung kataong nagpapakamatay ay dahil sa depresyon.

Maliban sa depression, ayon sa artikulo ng The DailyPedia, ay ang mga gaya ng personality disorder, bipolar, drug o alcohol use, schizophrenia, at sakit sa pagkakaroon ng post-trauma ang iba pang sanhi kung bakit isa sa bawat apat na katao ay nagpapatiwakal at ninanais na tapusin ang sariling buhay, at karamihan, lalake at nasa edad 45-54 anyos.

Pagkatapos nito, ano na? Ano ang maaring matutunan natin sa pagkamatay ni Robin Williams, gayun dins a iba pang mga kaso ng suicide na naulat sa nakaraan?

Katulad ng sinabi ko kanina: “Kung sino pa ang pinakamasyahing tao na nakilala natin ay ang siya pang may dinaranas na kalungkutan.” Idagag mo rin diyan ang katotohana na “kahit gaano pa kasikat sa buong mundo ang idol mo, tao pa rin siya na gaya mo.”

At ito pa: “mas masaklap pa ang madepress ka kesa magka-cancer.” Of course, medyo malalim ‘to.
Kaya kung may kakilala ka na alam mong may sobra-sobra na ang dinaranas na kaulungkutan (as in legit talaga; yung iba kasi depressed kuno lang eh), na kahit tinatago pa n’ya sa pamamagitan ng pagpapatawa o pagchi-cheer-up sa ‘yo sa inyong madramang usapan, wag mong sayangin ang oras na kasama mo siya, o sila (kung marami man).

Ang isang tawa o ultimo ang isang ngiti ay isa sa mga pamamaraan para maging maganda ang buhay. Wag mong ipagkait yan sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Maraming nangangailangan niyan.

Oo, kahit yung ultimong bumu-bully sa ‘yo.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

8 comments:

  1. I agree, sometimes a random smile or a hug from a close friend does the trick.

    ReplyDelete
  2. Mahirap po talaga kalaban yung depresyon. Kadalasan sa mga bansang Japan, China, at korea kapag nadedepress nagsuicide sila. Sariling pagiisip mo po kasi ang kalaban mo. Nakakalungkot nga yung pagkamatay ni Robin Williams kasi hindi inaasahan ng tao na gagawin niya yung ganong bagay.

    ReplyDelete
  3. Depression really is an illness that if cannot be stopped will result to a more complicated situation. Thus, if could not be avoided, taking own's life or making trouble with somebody or anybody.

    ReplyDelete
  4. Kakalungkot naman ang pangyayaring ito. isa si Robin Williams sa mga iniidolo kong komedyante..:( Tama ka, minsan talaga, nagkukubli sa likod ng mga ngiti ng mga komedyante ang kanilang totoong nararamdamang depresyon. But still, naniniwala pa rin ako na "Laughter is the best medicine". kaya ngumiti lang tayong lahat at gawing magaan ang ating buhay..:)

    ReplyDelete
  5. Depression is a pit that is hard to get out of, specially on your own. The people with biggest smiles can be the ones with most demons to fight. It is really sad that he was not able to find hope, but sadder that he never found the courage to ask for help. I agree with the writer. Be kind to the people around you, you'll never know their battle.

    ReplyDelete
  6. Ang hirap labanan ang sakit na depression. Kaya dapat lagi tayo andyan para sa mga kaibigan at kapamilya natin upang maiwasan ang sakit at hindi mauwi sa kamatayan.

    ReplyDelete
  7. Hindi kasi talaga dapat ipa-sawalang bahala ang depresyon. Palibhasa kasi sa karamihan, hindi totoong sakit ang depresyon, sana matutuhan nating makita ang mga sign, para maagapan ang extreme measures tulad ng suicide.

    P.S. Nalungkot ako talaga nung namatay si Robin Williams. paborito kong pelikula niya yung Mrs. Doubtfire.

    ReplyDelete
  8. usually mga komidyante talaga ang mga pinakamalungkot sa totoong buhay. tatay ko na depressed di na nun nakakatulog, dun nag start ang madaming sakit, nagka Alzheimer's disease

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!