Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

20 August 2014

Diskaril!

8/19/2014 7:28:33 PM

newsinfo.inquirer.net
Nagkaaberya na naman ang mga tren nung nakaraang linggo. Akalain mo, inararo ang Taft Avenue station?!


Sa isang hindi inaasahang sitwasyon, nagkakaroon ng mga serye ng depektibong tren ang Megatren, o MRT line 3 sa pagitang ng Magallanes at Taft Avenue stations nopng nakaraang Miyerkules, dahilan para magkaroon ng traffic sa bandang Taft Rotonda sa Pasay City, naging instant viewing venue ang lugar ng pinangyarihan, at uminit ang ulo ng mga netizens sa social media.

Ang resulta kasi ay 37 katao ang sugatan, karamihan diyan (kung hindi lahat) ay pasahero ng depektibong tren.

Sino ba naman ang hindi mababadtrip sa ganun? May mga buhay na napurnada nang dahil sa tila kapabayaan ng tren.

Ayon sa mga ulat, sa Magallanes ay hindi na umaandar ang naturangs asakayan, at kailangan pang itulak ito ng papaating na tren para makatakbo muli sa destinasyon. Subalit napaulat rin na kumalas ito, dahilan para umusad nang husto ang tren hanggang sa mabangga nito ang pinakaduluhang bahagi ng riles, sumalop sa poste at mabangga ang isang SUV at ang nakaparadang motorsiklo.

Ano pa bang bago? Samantalang noong mga nakarang buwan ay may seyre na ito ng mga problemang teknikal, kaya napupurnada ang biyahe at serbisyo nila. Minsan, kalahati lang ng kabuuang ruta ang nasususpinde.

At mantakin mo, noong nakaraang mga araw lang, may aberya na naman sa MRT!

At yun pa ang mas masaklap. Traffic na sa baba, nagbreakdown pa ang linya sa itaas. Saan ka lulugar?
Kaya nga naman noong mga nakaraang buwan din ay kaliwa’t kanan ang mga rant ng mga tao pagdating sa MRT. Naging viral ang isa na may hashtag na #MRT Bulok.

Eh paano nga naman hindi mababadtrip ang tao kung una sobrang haba ng pila (tignan mo na lamang yung sa Quezon Avenue kung saan’y umaabot sa compound ng ABS-CBN ang pila). At oo nga pala, bakit nga ba kayo magtatiyagang maghintay sa ganung kalayo at ganung katinding oras (sabihin natin na bente hanggang trenta  minutos yun), sa isang biyahe na aabutin ka lamang ng kinse hanggang bente minutos? Tangina, halos isang oras din ang nasayang sa ‘yo no!

At pangalawa, sobrang siksikan na sa tren. Siyempre, konektado yan sa nauna. Puno ang platform, which means mahaba ang pila sa ticketing at entrance.

Sinasabing walang maintenance ang MRT dahilan sa kakulangan ng pondo. Naku, yan na nga ba sinsabi ko eh. Sabagay, malulugi ka nga naman kung may sinusutentuhan ka pa kada pasahero; pero hindi kaya sa mga ganitong proyekto sana napunta ang buwis na binabayaran natin at hindi sa mga ungas sa lipunan at mga bogus na NGO. Kaya sa totoo lang, hindi na maituturing na isang balidong excuse yan.

Dapat nga ay walong taon ay nagkakaroon ito ng masinsinang check-up. Eh kung -tutuusin kaya ay mahigit isa’t kalahating dekada  na rin nag-ooperate ang MRT. Tapos wala pa silang maintenance? Patay tayo d’yan.

Matapos ito, magkakaroon pa kaya sila ng lakas ng loob na magtaas ng singil sa pamasahe? Duda ako. Dahil kung sinasabi na isa sa mga pinakakailangan ng estado ay ang sistema ng transportasyon, tiyak bagsak na tayo.

Yung Northrail nga, ninakaw yung riles eh. Tapos hindi pa tinuloy ang proyekto na muling buhayin ito. Mabuti pa nga ang LRT-2.

Matapos ang lahat ng imbestigasyon, sinasabing ‘human error’ ang dahilan. Aba, hindi na kataka-taka ito.
Ito ang mas nakakapagtataka: sinasabing safe pa raw ang MRT. Well, safe sana talaga. As long as kaya niyong isikumra ang reality check sa mga tren ngayon. Kung kelangan naman kasi na mairehablitate yan, ganun sana.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!