Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 August 2014

Heroic Holiday Galore

8/25/2014 2:56:19 PM

Ngayon, ika-25 ng Agosto, ay ang National Heroes’ Day. Noong nakaraang Agosto 21, ay ang idineklarang Ninoy Aquino Day. At noong a-19 naman ay araw ng kapangakan ni Manuel Quezon.

Ngayon, bakit ito ang nilalahad at tinatalakay ko? Ewan ko. Napansin ko lang kasi, na dalawang araw ang baksyon ng mga tao ngayon. Halos long weekend kung tutuusin, at kung nagtatrabaho ka pa o nag-aaral sa alinmang opisina o paaralan sa Lungsod Quezon ay malamang, wala rin kayong pasok nun.

Imagine mo: tatlong araw ang holiday sa pitong araw na timespan. Ayos, di ba? Parang every other day lang ang pasok mo. Wasak, pare.

Pero ang tanong: alam niyo nga ba talaga kung bakit holiday sa mga araw na yah, maliban sa kani-kanilang mga pamagat?

Pustahan, pag tinanong mo ang karamihan sa mga Pinoy kung sino si Manuel Quezon, baka ang isagot lang ay yung “may-ari ng Kyusi,” o di naman kaya’y “yung tao sa bente pesos na papel (sopistikado na siya kung sasabihin niyang “bill”).”

Ano ‘to? Nakalimutan na nila ang taong tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”?!

Pag sinabi namang Ninoy Aquino, karaniwang pagkakakilanlan: erpat ni Noynoy/Kris, asawa ni Cory, yung kalaban ni Macoy, yung nasa limangdaang pisong bill.

Bihira lang ang sabihing senador siya, nag-expose ng Jabidah massacre, pinakabatang pulitko noon sa Tarlac, isang mamahayag noong Korean War.

Ngunit, ito pa ang isa pang problema: bakit side lang ni Aquino ang mas kinikilala ng tao? Parang di naman yata patas, ano po? Kapag sinabi kasing Marcos, Marital Law at corrupt kagad ang naiisip ng marami. Masyado rin yatang namumutiktik sa pagiging bias paminsan-minsan ang kasaysayan.

Pero mas pag-usapan natin ang ngayon. National Heroes’ Day. Ang araw na nagbubuklod sa mga bayaning nakilala natin sa mga heritage sites at libro ng Sibika/HEKASI/Araling Panlipunan/o simplehan lang natin: History.

Ang tanong: ano nga ba ang pagkakaalam n’yo sa salitang BAYANI? Bida sa pelikulang malasci-fi at aksyon? Mga nagbibuwis na buhay? Mga OFW? Ewan.

Kung bata ang tatanungin, baka yung mga bida sa pelikula ang sagot. Yan kasi ang napapala kapag mga ganung klaseng palatuntunan at  cartoons ang pinapanood sa halip na yung dating programa nila na Bayani.
Mga nagbibuwis na buhay? Maaring makonsidera pa ’to, actually. Dahil para naman sa ngalan ng sagisag ng ating bansa ang kanilang ipinaglalaban. Hindi biro yan ha?

E mga OFW? Dahil ba sa kanilang ambag sa ekonomiya? Hindi lang siguro, maraming pinagdadaanan ang mga OFW, kaya tila ganun na lang din ang bansag sa kanila.

Ngayong National Heroes Day, sino o sinu-sino ang mga bayani mo? Yung mga nakikibaka ba para maiwaksi ang katiwalian? Yung mga taong nagbibigay malasakit para sa komunidad mo? Mga taong nagbigay ba ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng musika at palakasan?

Sa totoo lang, lahat tayo ay bayai sa kaniya-kaniyang mga pamamaraan. Hindi lang siguro natin sila nabbigyang pansin.

Oo, lahat tayong mga Pilipino ay bayani.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!