8/2/2014
3:35:33 PM
Okay. So ang
isang newsmaker ay nagging laman ng balita ngayon ano? Naging subject lang naman
siya ng isang kumakalat na sex scandal video sa social media.
Ang tanong:
eh ano naman ngayon?!
Parang
recurring post nlamang ito ng ilang tao na nagiging tampulan ng tukso. Oo,
araw-araw naman ay mag nagtatalik ah. Yun nga lang, iba-iba ang taong gumagawa
nito; at ang siste: ang iba, pinipili na irecord ito, tulad na lamang ng mga
personalidad na nagiging lamang ng mga balita (aba’y minsan pa nga ay
sinesensationalize pa ito ng media mismo at ginagawang headline sa
kani-kanilang mga newscast). At moreover, ng mga tulad ng newscaster-slash-host
Paolo Bediones.
Eh ano
naman ngayon kung may bagong sex scandal na umiikot sa sirkulasyon?
Parang mga
siraulo din kayo, ano? Masyado kayong nagpapanggap na inosente sa mga
bagay-bagay. Masyado kayong nagpapanggap na walang alam at mandidiri kapag
nakarinig ng salitang sex. Masyado tayong nagpapaka-curious sa isang bagay na
ghinagawa naman ng halos sinuman (sieympre, may kasamang diskresyon at
pribasiya na ‘yan).
Sa madaling
sabi, masyado tayong nagbibigay ng pamarisan sa mga bagay na hindi naman dapat
nating pamarisan in the first place.
At
pustahan, pag ganito ang usapan, pag may kumokontra tulad na lamang ng
siraulong ‘to na nagsusulat ay tahasan n’yo ring kinokontra. Walang kamalay-malay
na lumalabas sa mga kumag na ‘to ang kani-kanilang kahiporktiuhan.
Pero...
balik tayo sa pinag-uusapan: eh ano ngayon kung may bagong sex scandal?
Kung
papakinggan ang mga tsismis sa parehong mundo ng virtual at realidad, ayon ito
sa kanila ha? Magaling daw siya sa kama. Sayang nga lang kasi wala daw chemisty
nung babae. Ang siste pa daw: CARTOONS pa daw ang file name. Ngek. Ayos sa
pag-organisa ng file ha?
Pero may
piece of throwback lang, kung tama pa ang memorya ng inyong lingkod. Parang
minsan ay napag-usapan na rin ang isyu na ito nun sa palatuntunan ng palaging
kontrobersyal na DJ na si Mo Twister nun. Seryoso, nasa kolehiyo pa lang ako
nun eh. May tumawag diumano na
nagbrought up ng topic na yun. Pero sayang, di pa talamak ang pagkauso ang podcast
recording nun (kaya wag ka nang numasang amgresearch pa ukol dun).
Pero either
way: anong pake namin? Anong pakialam ng mundo? Porket adik sa kontrobersyal
ang isang radio DJ kaya ganun? Ironically, nakita ko lang din ang isyung ito sa
tweet din niya nung Linggo. Wow.
Asus. As if naman itong isang regalo t'wing Pasko no?
Sinasabing
mas nagtrend pa nga si Paolo Bediones, or sa mata ng mga cybermanyak — Paolo
Videones, nung Lunes kesa sa mga blow-by-blow account ng mga kaganapan noong
nakaraang State of the Nation Address. Ano nga ba patunay nun? Maliban sa
walang tiwala ang mga mamayan sa gobyerno?
Simple:
kung gaano tayo kamangmang pagdating sa usapin ng SEX. Hindi ito usapin ng
pagiging liberal at konserbatibo, ha? Masyado tayong mababaw at nagpapanggap na
walang kaalam-alam whereas in fact, isa rin ang sex sa pangangailangan natin
bilang tao at tinuturing natin ito bilang isang taboo (i-Google n’yo na lang
ang Hierarchy of Needs ni Abraham Maslow).
Inoobserbahan
ko na lang din ang reaksyon ng tao. Malamang na hindi nabigyan ng pansin ito sa
programa ni Paolo nun na Aksyon Tonite (or maybe mintis lang ako sa pag-ispat).
Pero kung development sa isyu lang naman ang anggulo, ay nangblackmail pa raw
sa kanya (and of course, foul na talaga yun).
Kaya naman
nagsumbong siya sa cybercrime division ng kapulisan para dito. Dito rin sana
papasok ang charge ng Cybercrime Act of 2012 (kaso, okay sana kung malinaw lang
ang e-libel probe). Kung maalala n’yo, ganito rin ang hakbang ni Chito Miranda.
Ngunit pagkamatay ng isyu nun (hay, salamat!) ay wala rin balita kung nadakip
ba ang siraulong nagkalat nun.
Ngayon,
kung sa usapin lang naman kung bakit ginagawa ito ng mga tao ang pagrecord ng
mga sexual intimacy scenes nila ng kani-kanilang mag partner, ke asawa man yan
o ex, e hindi ko rin alam. Basta, kahit sa totoo lang ay kontra ako sa mga
ganung kilos eh wala rin tayong magawa. Parang kasabihan lang na “walang
basagan ng trip.”
Sabagay,
pribadong bagay na rin kasi yan eh.
Ay, teka:
may bagong scandal ulit?
Oh,
talaga?!
Eh putangina,
ano naman ngayon?!
Author:
slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
Yea. Feeling ko kulang lang sa ano yung mga tao kaya ganyan. I don't care about it, I just pity them kasi kumalat ang isang personal video nila. Kudos on your post! Gab of www.taragumala.blogspot.com
ReplyDeleteAng tao kasi, gusto lagi nakakalamang sa iba. Yung pagkalat ng sex scandals na yan parang sinasabi mo na din na I'm better than this person kasi hindi ko yan ginawa. Or more or less dahil natural na chismoso tayong mga Pinoy.
ReplyDeleteAng mga iyan ay kulang sa pansin at wala sa sarili. Wala bang ibang topic sa mundo? Okay sa ibang araw na lang.
ReplyDeleteisa lang masasabi ko sa pumapansin sa mga video scandals. mabababaw.
ReplyDeletehahahaha! siguro dahil sa salitang "scandal" kaya maraming tao ang nagiging curious at nagkakandarapang mapanood yun.. i salute you! dahil lalaki ka pero iba ang naging pananaw mo sa ibang mga lalaki. hehehe
ReplyDelete