8/25/2014 11:46:17 AM
One more term pa daw para kay Pangulong Benigno Simeon
Aquino III.
Pucha, seryoso? Parang nasa computer shop lang ah. Pag
natapos na ang oras, “Ate/Koya, pa-extend po!”
Ewan ko kung sinong inutil angnagpanukala ng ganyan. Saka sa
kasalukuyang era, labag sa konstitusyon ang magkaroon ng dalawang terminong
panunugkulan ang pangulo ng ating estado, ‘di ba?
Eh teka lang, kaso paano si dating pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo? Di ba, two terms ‘din yun dahil una, tinuloy lang naman niya
ang termino ni Erap tapos nahalal siya?
Pero paano naman kung nanalo si Erap noong 2010 elections?
Counted na two terms na ‘yun, ‘di ba?
Pero one more term para kay PNoy? Eh kung hayaan na lang
natin na magtrabaho siya sa nalalapit na dalawang taon ng kanyang panunugkulan.
Mas okay pa siguro yun. Yan kasi problema sa atin. Panay reklamo tayo. Oo, wala
sanang masama dun lalo na kung nagbabayad tayo ng buwis. Pero minsan naman,
hihiling ako ng dalawang bagay: una, ilagay natin ang mga rant natin sa tamang
forum at pangalawa, sumundo naman tayo sa batas trapiko. Oo, alam ko, tayo ang
boss niya. Pero wag din tayong umabuso. Parang mga gago lang din kasi eh.
One more term? Alam ba ng mga to ang pinagsasabi nila? Kayo
kaya ang maging president ng Pilipinas? Di na nga tayo nakukunteto sa pamahala
niya tapos isa pang termino? Eh kung hayaan na lang natin na magtrabaho siya?
Yan rin kasi problema sa atin eh: gusto natin, agaran ang pagbabago. Mabuti
sana kung life-and-death matter ang usapan na ito. Kaso, sa kasamaang palad,
hindi.
Pero wag ka, ultimo ang Kuya mo ay bukas sa ganyang usapin.
Ayon na rin yan sa usapin ng pagaamyenda sa ating konstitusyon. Sabagay, halos
tatlong dekada na rin nating ginagamit ang ating Saligang-Batas. Pero ang
tnaong, nasusunod ba naman ang mga alintuntunin dito? Hindi lahat.
Pero para sabhin na i-extend ang pangulo? Di ba parang
nisang sinpleng hakbang na rin yan ng pagiging gahaman sa kapangyarihan?
Mantaking mo, ano nga ba ang nangyari sa nakalipas na apat na taon? Oo, may naimpeach
nga, pero ang tanong, nalinis ba ang hanay ng korapsyon? Duda ako, dahil may
lumabas pang mga baho pagkatapos nito, at mas malala pa. Tignan mo na nga lang
ang mga ungas ngayon. Oo, naaresto nga pero wag ka, daig pa ang five-star hotel
sa kanilang mga pasilidad. Hoy, hindi kami nagbabayad ng buwis para sa mga
hindot na ‘to no!
Marami naming achievement kung tutuusin, ito nga lang ang
problema: ang katiwalian ay mukha lang maliit na problema pero marami ang
sangay kaya lumalaki.
May cybercrime law nga, pero nano nangyari sa Freedom of
Informatuion bill? May RH Bill nga, pero hindi na naimplementa,
unconstitutional daw kasi.
Saka ang Disbursement Acceleration Program o DAP, UNCONSTI
sabi ng SC. Pero nabadtrip ang executive. Marunong ba kayong gumalang sa
huradikatura at mga desisyon nito? Kaya nagkakandaleche-leche lipunan natin eh.
Isang bagay lang masasabi ko: oo, sang-ayon ako sa pagbabago
ng ating saligang-batas, pero hindi sa pagpapalawig ng termino ng pangulo.
Siguro, ang dapat nating hanapin ay yung mga tao na hahalili sa pwesto nya na karapat-dapat na tumabasan o higitan pa lalo ang kanyang natamasan. Yun na lang.
Ah, may angal pa? Oo, baka naman pwedeng hair extension raw, tulad nito?
Photo credits: Facebook |
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!