8/31/2014
8:59:05 PM
Oo, alam
ko, natalo sila sa kanilang unang assignment sa FIBA World Cup, pero isa itong
mensahe sa mundo ng mundo ng basketball: eto na naman ang Pilipinas!
Hindi biro
ang 36 taon na sasalang ulit sa world basketball scene ang Pilipinas. Ilang
pagbabago sa pulitka at palakasan at mga samu’t saring heartbeak sa mga
competition at tune-up game ang ating sinukumra.
Ilang kritiko
at kritisismo rin ang kinalaban natin. Hindi tayo matangkad? Mabilis naman
tayo. Hindi tayo kasing talent? Yan ang akala n’yo. Hindi natin kaya ang loob.
Maabilidad naman tayo sa labas, at ulit, yan ang akala n'yo.
At ‘wag ka.
Parang nasa Mall of Asia Arena o Araneta Coliseum o sa ULTRA (PhilSports Arena)
ni Cuneta Astrodome ang atmosphere. Parang panay Pinoy fans lang yata ang laman
ng arena sa Sevilla. Asan ang Croatian crowd?
Ops, huwag
iismulin ang mga taga-Europeo dahil gaya ng mga Pinoy at mga US pag NBA Finals,
sila ay isa rin sa mga masusugid na tagahanga sa larangan ng sportsd. Hindi
lang sa football makikita yan.
Pero bakit
parang outnumbered pa sila samantalang malapit pa ang Croatia sa Spain kesa sa
Pilipinas? Basta, matuwa ka na lang na mas hamak na ang tindi talaga ng mga OFW
sa Pilipinas. Basta kababayan ang nasa entablado o hardcourt, suportado ka.
Oo, wag
iisumulin ang mga ismul na Pinoy basketbolista, boy. Kahit olats tayo sa
Croatia matapos ang 45 minuto ng paglalaro (81-78, overtime), huwag ka, parang
nanalo ang dating natin. Nagtrend sa social media ang Go Gilas. Tapos sa Spain
naman, parte ng mga trending nun ang Filipinas.
Natalo tayo
ng may nakasalalay ang ating pride. Natalo tayo sa isang close fight. Natalo
tayo nang hindi nilampaso ng kalaban sa huli. Oo, natambakan nga tayo ng 14 (o baka
nga ay 16) na puntos sa simula ng laro. Pero hindi lang sa effort ng naturalized
player na si Andray Blatche ang nagsalba sa Pilipinas para bumangon muli, kundi
sa mga manlalaro natin mismo na gaya nila Jeff Chan (sa isipan ko, parang
bumibira ang announcer na “JEFF CHAN, THREEEEEEEE!!!!” na tila maypagkawild
scream version (yung napapakinggan mo sa ibang grunge music) na may emphasis sa
duluhang bahagi ng huling letra) at Jayson Castro.
Oo, kahit
sa huling play ay may kontrobersiyal na kulay dahil hindi pumito ang referee (na
dumating sa punto na kahit yung ate ko na at mga tulad pa nilang madalang manood ng basketball ay
nagalit “anak na pating! Foul yan ah!”), pero at least mas maraming tao ang
naisip na kahit talo, hindi naman sa inaasahang blow-out fashion (sabagay, sino
ba naman ang gusto matalo ng mahigit 30 o 40 puntos, o kahit yung lampas 50
gaya ng ginawa ng USA sa Finland kanina).
Syempre,
kahit sino pa sa Gilas Pilipinas, mula kay Marc Pingirs hanggang kay Jimmy
Alapag, hanggang kay June Mar Fajardo, hindi makakaila ang tindi ng inambag
nila para sa larong ito. Grabe lang ang puso talaga na ipinakita nila.
Pero pagkatapos
nun, tapos na ba talaga ang lahat para sa Gilas Pilipinas?
Hindi.
Nagpapakilala pa lang tayo. Patunay lamang na hindi tayo whipping dog sa
basketball tulad ng mga nakalipas na taon na hindi tyao manalo-nalo sa Asya.
Hoy, mundo!
Mga pinoy kami.
At sa mga
susunod na laro, tingin ko asahan na natin ang ganito o mas higit pa na lebel
na paglalaro.
Author:
slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!