Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 August 2014

Pikunang Non Grata

PATALASTAS: Para sa mga nadirect mula sa "Mga boss, pa-extend po!" Paumanhin kung nadala kayo sa maling link. Mababasa po ang naturang artikulo sa link na ito: http://theslickmastersfiles.blogspot.com/2014/08/mga-boss-pa-extend-po.html

***

08/22/2014 02:11:43 PM

Akalain mo, na-headline pa pala si Ramon Bautista noong nakaraang linggo? Nang dahil sa isang biro, dahil sa isang hipon, ay na-ban siya sa Davao. Ayan, na-persona non grata si Pogi.

What? Dahil lang sa isang biro, naging persona non grata siya? Tanginang kababawan yan oh.

Oo, alam ko, at nakakaurat lang. Ang babaw lang ng isyung 'to.

Ah, mababaw pala ha? Yan ang akala mo. Pero ano nga ba ang basehan nila kung bakit nabadtrip ang taga-Davao sa kanya?

(The video was already taken down by the user)

Ahh, ito pala. Ang dami raw kasing "hipon" sa Davao.

Ganun? Eh bakit pa sinakyan ng crowd ito kung OFFENSIVE naman pala ang binitawang salita ni Ramon Bautista? Ano 'to, gaguhan, na para kang tumikim ng durian tapos sinabi mong nasarapan pero pagkatapos nun ay nabadtrip ka dahil taliwas sa naunang wika mo ang talagang panlasa niya para sa'yo?

Kalokohan.

Ito ang problema: komedyante siya, at host sa isang sponsored event na naganap noong kasagsagan ng Kadayawan festival sa Davao City.

Pero sa kabilang banda kasi, nasa Davao siya, which means, bisita lamang siya. May nga nagsasabi rin na wala sa lugar siya magpatawa nun, kahit sabihin natin ang argumento na komedyante siya. Obviously, kung hindi mo alam na isa siyang ganun ay yan ay dahil sa ang alam mo lang ay ang mga bading na stand-up comedian na palagiang gig sa mga comedy bar at ultimo ang mga battle MC o rapper mula sa mga gaya ng FlipTop lang ang nalalaman mong pagpatawa.

At speaking of which... ito rin ang isa sa mga stereotype pagdating sa mga comedian: pag sikat gaya nila Vice Ganda, o Jose Manalo ang bumitaw, pustahan tayo, hahalakhak ang buong crowd niyan. Pero kung hindi mga sikat gaya ng taong 'to na si Ramon Bautista, o yung mga hindi talaga kilala ng marami gaya nung mga nasa stand-up comedian na lalake, o ultimo yung mga dating lalakeng miyembro ng palabas na Usapang Lalake, hindi ganun kaganda ang magiging reception ng audience sa mga biro nila.

Sa madaling sabi: masaydo tayong mapagdiskrimina sa mga komedyante. To tell you frankly, mas malakas bumitaw ng joke si RB kesa sa ibang komedyante sa mainstream ngayon. Base na yan sa minsang pag-attend ko sa ilang event na siya ang either tampok o panauhin. Oo, pagtambalin mo pa sila nila Stanley Chi, Papa Dan ng Barangay LS, Jun Sabayton, Lourd de Veyra, Angel “Erning” Rivero, mga host ng Boys Night Out, at ultimo ang yumaong Arvin “Tado” Jimenez. Actually, kahit dalawa lang sa mga nabanggit ang isama mo kay RB at tiyak lakas ng chemistry nila sa pagpapatawa.

At, may isa pang dahilan siguro: yan ay ang pag-generalize. Alam ko, minsan sa madalas, isa 'tong NO-NO pagdating sa pagbibigay ng hatol o sa laranagan ng pamamahayag. Sabagay, ang pagtawag nga naman kasi ng “hipon” ay maituturing na rin na isang akto ng hindi pagbigay-galang, eh lalo na kung bisita siya.

Pero.... nag-sorry naman siya. Hindi lang isang beses, kundi ilan pa.

(The video was already taken down by the user)

Tignan mo nga at nagpakita ng bayag na tumapak sa entablado sa kabila ng kalahating pagcheer at kalahating BOO na crowd para sabihin ang kanyang paghingi ng dispensa. At nagpakita ng sinseridad.

Hindi raw ito sapat, ayon kay Inday, ang dating mayor ng Davao, ang kanyang utol na si Vice Mayor Paolo Duterte, at ultimo ang erpat na si Mayor Rodrigo Duterte.


Bago kayo magsireact nang “Anaknangputanaman! Ang bababaw naman ng dahilan n'yo!” Aba, may Anti-Discrimination Oordinance sila. May Women Development Code pa. Kaya sa totoo lang, hindi ka pwedeng magbiro nang ganyang klaseng biro sa kanila. May kaakibat ito na mulang limang libong piso at pagkakakulong nang hanggang 15 araw.

Ganun? Yun naman pala eh.

Isa pa: kung aanalisahin ang paglabas nila ng statement na nagsasabing persona non grata si Bautista, tila pinapalaganap nito ang kutura ng sexism.

Ngunit sa kabilang banda, ano 'to? Masyadong sensitibo ang mga tao rito? O dahil nalalagay tayo sa panahon na “politically correct” na ang mga tao? Sa panahon kasi ngayon, magbitaw ka lang sa mga mala-Palito ang katawan na PAYAT at isa sa bawat isang daan katao dyan ay tiyak na isusumpa ka sa isipan pa lang niya at ipapakulam ka hanggang matuto kang lumuhod sa mga kumunoy niya.

Pero bakit ang RAPE joke ni Vice Ganda nun? Oh, ibang isyu pala yun. Mas sensitibo. Sorry naman.

Alam mo, as much as ina-admire ko ang matinding pag-implementa ng batas ng mga Duterte sa Davao, yun nga lang, kahit sabihin pa natin na mukhang mag balidong basehan sila, ay tingin ko, masyado namang marahas ito. Balat-sibuyas na move 'to. Kung kokontra man ang Commission of Human Rights (CHR) sa kada kilos ng Davao City government, siguro sa mga ganitong kaso lang sana (oo, siguro kung buhay tinangka at inutang, at pinairal ang kamay na bakal sa Davao, yun malamang, tama lang.).

Oh, okay, sabihin natin na mali talaga siya. At ganun ang impact. Bakit hindi lang siya pagmultahin, o parusahan sa ginawa niya? Nang ayon sa batas nila? Tutal multa at pagkakakulong din yun. Hindi ka naman siguro ia-assassinate ng Death squad, di ba?

Anyway, yan ang hatol nila. Wala tayong magagawa diyan. Tutal tinanggap lang naman ni RB ang naturang desisyon, yun na lang. Masyadong maikli ang buhay para madismaya nang sobra-sobra sa isang nuknukan ng babaw na isyu.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Follow SlickMaster on: TwitterInstagram, Facebook, Flickrand Tumblr.

22 comments:

  1. Well, that's what they've perceived about the joke. Maybe because it's true? Or, I think, Davao City officials must think of something in development not this nonsense matter.

    ReplyDelete
  2. Minsan talaga di mo maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng iba. Parang yung kay Vice Ganda lang dati at yung biro nya kay Jessica Soho. Even made national news. Kalokohan!

    ReplyDelete
  3. after hearing about the issue...initially i had the same reaction, mukhang over nmn ata...pwo after seeing the video and after reading the issues on Ramon Bautista online, some said that he is a comedian and the officials maybe just over reacting....ill leave that to the person to judge if it is over acting... i jas wana say hindi po kami makitid or oversensitive.. we just demand to be respected... Mr. Ramon Bautista should have known better... he is a comedian for how many years now, a UP PROFESSOR, an author, an internet sensation, a radio and tv personality... what i am trying to say is as a celebrity was he not taught to be responsible for what he will be doing or saying in public....and as a professional as a professor and comedian does he not know that as a rule of public speaking he should KNOW his audience first.. if his material will be accepted by his audiences....i have nothing against the man, its just that why in his right mind did he have to do that??? is it something deliberate???? a joke done in bad taste or not, he should consider na guest xa and not even invited by the city but paid by smart to appear and entertain.... kung kami kaya taga davao pupunta dadayo jan sa manila and sabihin namin tama nga dami nga mga bobo at masasama na tao dito.. alright, wen i say "bo" u say "Bo".... do you think you would still smile about it???? and d rin kya kau mgreact??? tanung q lng??? and to DJ MO if i go to ur house and tell you that you are a family of douchebag how do you think wud u react???

    For me the officials acted as they are supposed to, they care for the people, yes ung mga tao dun nksabay sa hipon chant(that shows na hndi kmi pikon, if we were kinuyog na sana c RB..)..nksabay sila because it was for fun...pwo db sam1 shud draw the line kung wat is below the belt or not...db ang lasing totoma pa rin yan kahit lasing na lasing na??? db ung mga taong ngmmlasakit ang ngpptigil and um.aky sa kanila and reminding them not to dirve home pwa la dsgrasya....its like that ung duterte siblings as officials of the city lang nmn ang ngmalasakit na wag nmn gnyan ang bant ni RB, and former mayor SARAH duterte as a woman got offended sa banat ni RB, alangan nmn ipgtempla pa nya gatas c RB, so she suggested sa city council na ideclare c RB na persona non grata, and by deliberation ng city council(and kht ikaw) u sed na mern basehan kaya n.approve.. lahat un na.aayon sa batas... Kung kayo sa tingin nyo walang gnwa na msama c RB kc biro lng nmn un (trabaho nya),hndi aq kkontra dun....pwo 4me la din nmn msma sa gnwa ng dvo officials for they are jas doing their job as officials... jan q nkkta na ung officials nmn d2 hndi lng puro ppogi, ngmmalasakit din cla sa kpakanan ng kanilang nsasakupan..kung OA man sa tingin nu, nsa sa inyo na un pwo para sa akin sapat lng nmn..para hndi tularan ng iba

    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm not from Davao, but I agree with you...RESPECT is the word.

      Delete
  4. Sana naorient man lang nila yung comedyante sa mga do's and don'ts na ipinapatupad sa lugar. Hindi naman mababanggit nung komdyante ang biro tungkol sa hipon kung nde xa nagresearch, meaning part na un ng kultura ng Davao. At saka ang pagkagalit ng mga taga Davao ay pagpapahayag ng kanilang pagrecognize sa salitang "HIPON", aminado sila na sila ay mga "HIPON" kaya apektado sila sa isang biro. Mababa lang siguro ang tingin nila kay Ramon Bautista kaya mas pinagtuunan nila ng pansin ang pagpataw ng Persona non Grata sa Komedyante. Ganun sila kabilis magtakwil ng isang bisita lalo na kung nabayaran nila. Bilang host comedian may talent fee ka, binabayaran ka sa iyong pagpapatawa at iba pang talento. Nais man patawanin ni Ramon ang mga bisita sa paraang akala nya ay makakaganda ay hindi ito inabot ng isip at pag- unawa ng mga feminista. Minsan kasi nasa level of maturity rin ng isang tao kung paano mo maiintindihan ang mga jokes. Sana lang magsilbi itong aral sa lahat. Sa mga artista/ komedyante, hostspulitiko, mga manonood. At the end of the day, dapat naman talaga nagbibigayan nalang kayo kasi may mga panahon na kailangan nyo ang isa't- isa lalo na sa panahon ng eleksyon diba? Kaya dapat mag isip isip din bago magbiro at magalit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anonymous, wag ka na pumunta ng Dabaw nang di ka bibitayin ng DDS sa komento mo.

      Delete
  5. bakit ano ba si ramon basura ? ay este bautista pala para magbiro ng ganun ng wala sa lugar ? kahit gano pa kahaba ang opinion nyo eh kasalanan nya naman talaga ng magbiro siya ng ganun ng wala sa lugar eh problema nya na yun . kahit ako kung ang biro nya eh kung nakakasakit na hindi na joke tawag dyan discrimination . mga tagalog talaga feeling nila alam na nila lahat palibhasa puro naman mga takot :) puro kayo about sa pulitiko pinagmamalaki nyong mga pulitiko sa manynila eh mga wala namang silbi kayo na lang din mga tga manila ang nagsasabing puro corrupt gobyerno eh kasalanan nyo kasi binoto nyo mga bobo talaga kayong mga tagalog kahit kelan mga walang utak wala sa lugar ang mga opinyon mga walang common sense . Well Good Luck tulad nga ng sabi nyo kanya kanyang opinyon lang yan :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Easy boy! Hehehe! Actually, he's got the point ^ pero, baka nalalayo na ang usapan ah.

      Delete
    2. Mas malala ka pa kay Ramon Bautista kung sino ka mang hinayupak ka, ikaw direktahan ka magsalita ng bobo~ mga Duterte pinagmamalaki nyo na binoto namamakyu sa harap ng medya at nananampal ng Sheriff? Oh anong klaseng kabobohan yan? Kahunghangan, at ang gobyerno ng Maynila ay di lang Gobyerno ng Maynila kundi Gobyerno ng Pilipinas anong pinagsasabi sabi mo jan, yung Presidente at mga Senador na naluklok eh binoto din ng mga taga ibang lugar halatang taga Davao/Bavao ka kasing baho ng Durian yang klase ng pag-iisip mo

      Delete
    3. Aha! Lumalabas na merong pinaghuhugutan itong si Anonymous. Mukang me problema sya sa mga Tagalog. Hindi naman opinyon ng mga Tagalog iyong biro ni Ramon Bautista, idadamay pa ang iba.

      Delete
  6. Idinamay mo pa mga Tagalog. Idinamay mo pa ang mga taga Maynila... masyado ka na malayo sa isyu... para kang yung mga politiko sa Davao. Sinasabi nilang nilabag ang Anti-Discrimination Ordinance, pero yung parusa ay wala doon sa ordinansa. Nilabag nila ang sariling batas nila. Yan ba ang pinagtatanggol mong politiko? Di kayang sundin ang sariling batas na pinapairal nila? Pffft.

    ReplyDelete
  7. Simple lang naman yan...
    WALA PONG SINABI SI RB NA "HIPON" ANG MGA TAGA-DAVAO...
    hahahaha *caps lock para intense*
    hindi po ba totoong madaming hipon diyan?
    actually, isa sa source ng income ng Davao is marketing ng seafoods right?
    kahit sa apology niya...
    nag sorry siya dahil sinabi nyang "madaming hipon", pero wala syang sinabi na "hipon ang mga taga-Davao"
    Mga makikitid lang talaga utak ng mga nag-react...tinamaan kasi...:/
    Tangina din kasi niyan ni Duterte, dinadaan lahat sa takot...
    pag laban sa kanila, matic titirahin...
    hahahahaha
    tapos i-e-elect na presidente?
    wew
    GG Philippines...xD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun na nga... Puro mangmang kasi mga nagre-react. Eh totoo naman yung sinasabi ni rb. Nagiging jole lang sya dahil sa 2nd meaning.

      Delete
  8. Maaaring over-reaction nga ang pagbigay ng persona non grata status kay Ramon Bautista. Oo, hindi nga tamang magbiro ng ganoon sa isang pampublikong event, pero sa totoo lang, mas malala pa kung makapanlait ang mga nasa comedy bar, pero hinahayaan natin, kasi pumunta tayo sa comedy bar para mapatawa, mapikon man o hindi.

    Nakakaloka yung mga komento sa post na ito. pati ba naman mga Tagalog ininsulto.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay, naku. Senyales yan ng isang tipikal na Pinoy pag nasa digmaan ng mga salita sa internet. Pag di makuha ang punto, lalabas sa isyu, magkakapersonalan. Ayayayyyy.

      Delete
  9. May kaibigan akong komedyante sa bar. Sabi niya sa akin e nagpapanggap syang bading para kapag nang-ookray raw sya e hindi sya madaling kapikunan, lalo na ng mga lalaki. Naalala ko lang dahil sa sinabi mo yungkol ke Vice Ganda. Alam kong yung antas ng kasikatan ang ibig mong sabihin at hindi ang sexual orientation -naalala ko laang.

    ReplyDelete
  10. magaling mag-komento ang sumulat nito :)

    ReplyDelete
  11. I think there wasn't any pun intended, after all, he is a comedian. It's just that there are people who are overly sensitive. They should watch stand comedy in youtube, they'd be surprised! These things are normal. If you can't take it then don't watch or don't invite them over.

    ReplyDelete
  12. Ang hirap magbigay ng comment dito. Mahirap din magbigay ng isang opinyon sa tao lalo na't hindi mo alam kung ok lang ba sa kanila yun o hindi. Iba't iba ang pagkakaintindi ng tao sa mga bagay bagay. May nagsabi nga sa akin na "Think thrice before saying a word." Ang hirap talaga magbitaw ng salita lalo na kung biro to.

    ReplyDelete
  13. Nga pala, pinatawad na ni Duterte (mismo) si Ramon Bautista matapos niyang humingi ng tawad. Simple laang, 'di ba? Nakapikon sa kagustuhang makapagpatawa (na siyang dahilan ng kanyang pagpunta sa Davao dahil trabaho ito) at humingi na ng dispensa.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!