Matapos ang apat na dekada, nasa
pangmundong entablado na naman ng basketball ang Pilipinas.
Ngayon, ano na? Patunay nga ba ito na
kaya na nga bang makipagsabayan ang Pilipinas sa buong mundo? Maari
naman, siyempre.
Isipin mo, 1986 pa dapat kasali ang RP
sa prestihiyosong World Basketball Championships, subalit dahil sa
sigalot sa pulitika, hindi ito naisakatuparan. So, kasalanan pa ba ng
gulo ng Snap Elections at People Power ang naunsyaming tiyansa? Hindi
ko masasabi. (Dahil malamang, hindi pa naman ako tao nun.)
Fast-forward sa kasalukuyan. Sa
panahong na tila bumaba ang antas ng galing ang Pilipinas sa basketball, tinalo pa ng China, Korea, Lebanon, Iran at iba pa, pagdating sa paunahang basketbolistang makarating sa NBA.
Maaring yan ang nakikita mo ngayon,
pero hindi ibig sabibhin niyan ay simula't sapul ay kulelat talaga
ang Pinoy pagdating sa basketball (at ang argumentong “eh kasi ang
liliit natin pagdating sa height” ay isang obvious na hindi
balidong dahilan).
Kung matututo kang gumamit ng mga gaya
ng Google, Wikipedia, atbp. (ibig sabihin, mag-research), baka
magulat ka kung malaman mong minsan nasa pangatlong pwesto ang
Pilipinas pagdating sa Basketball World Cup, tapos ika-limang pwesto
sa Olympics, ang pinakamataas na posisyon na narating ng isang bansa
galing sa Asya, ang pinakamalaking kontinente sa mundo.
Pero bakit nga ba dumausdos ang RP mula
noong nakalipas na dekada? Samu't saring isyu sa pulitika at larangan
ng palakasan ang naging tanging dahilan. Minsan kaya ay nasuspinde na
tayo mula sa pakikihati sa mga kumpetisyon sa FIBA. Nailift lamang
ito noong nakaraang dekada.
Mula roon ay nabuo ang Gilas Pilipinas.
At pagkatapos ng halos kalahating-dekada ay masasabing kakaiba na rin
ang improvement nito. Hindi madaling magtaguyod ng koponan na
isasabak mo sa palaruang pang-mundo sa lalong madaling panahon. Pero
hindi maituturing na tsamba ang lahat. Oo, baguhan nga, pero nagawa
namang maging dominate sa Asya, kasunod lamang sa kampeon ng
kontinente, ang Iran.
Bagamat sa totoo lang din, hindi
masasabing pwoerhouse ang Pilipinas pagdating sa world basketball.
Marami pa rin silang kakaining bigas. Di hamak na nagpatindi pa ang
ibang bansa ng lineup. May mga iba pa nga d'yan na may mga manlalaro
sa gaya ng Euroleage, ABL, CBA at ultimong NBA.
Ano na lang ba ang ipanlalaban ng Pinas
kung kulang sa height? May PUSO, naaalala mo? Ang sandata ng mga
Nationals sa 2013 FIBA Asian Championship last year? Kalimuta ang
homecourt advantage. Tignan mo ngang nagawa pa nating ma-stun ang
China sa kadulu-duluhang oras ng FIBA Asia Cup sa kanilang bayan?
Bagamat masasabi ko na hanggang sa
Round of 16 tayo mas makalas ang tiyansa. At sa pagbabago ng format ng
torneo sa mga susunod na taon, hangga't may pusong lalaban sa
Pilipinas, nasa mapa pa rin tayo ng mundo ng basketball.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!