06/17/14 01:38:23 PM
It's been a very long while mula noong una akong nagsulat ng
“snappy answers” para sa mga katakut-takot pero nakakatarantadong lovelife at
pormahan questions. Well, parang yung MAD Magazine lang e no?
Una kong sinulat ang ganung artikulo noong Oktubre 2012, sa
panahon na pinuputakte ako ng mga tanong ukol sa pormahan, at yan nga lang ang
aking mga naging sagot.
Ngayon, hindi lang pang-pormahan ito. May pang-break-up pa!
Oo nga naman kasi. Gusto mong manahimik panadalian. Gusto
mong magpahinga muna mula sa buhay pag-ibig na paboritong topic n'yong
magbabarkada. Gutso mong makalimot sa kanya, sa mga alaala n'yong dalawa, at
iwan ang lahat sa alabok ng pagkalimot.
Pero ayan na naman ang barkada mo na may adhikain na “'tol,
andito lang kami pag may problema ka. Basta, sagot mo nga lang ang pang-shot
natin ha?” Tapos sa kalagitnaan ng inuman, bigla na lang susulpot ang usapan ng
break-up.
Ang mga tanong: Una, paano mo iiwasan ang topic na ito; at
pangalawa, paano mo babasagin ang trip ng mga taong nagbabato ng pambasag-trip
na tanong sa 'yo?
Sa totoo lang, wala sa akin ang solusyon, kundi nasa sa'yo
(at laging tatandaan: kapag sinabing “nasa kamay mo ang solusyon,” ibig sabihin
din nun ay “nasa sa 'yo din ang problemang pinoproblema mo.”) . Pipiliin mo
kung sasagot ka ba o hindi. Ganun kasimple.
Pero dahil malakas ka kasi sa akin (Yun oh! Nakanantoots!),
sige na nga: pagbibigyan kita! (best said with no emotions na akala mo ay
naghihiganting bida o kontrabida sa paborito mong teleserye.)
Siya: Tol, break na kayo ni (the name of girl was withed
alinsunod sa media ethics standards na tinatago palagi ang identity ng mga
kababihan)?
Ako: Oo.
S: Bakit?
A: Ang dami mo namang tanong! (best said with the words
“Putangina naman oh!” in before this statement)
(maari ring)
Nung nanliligaw ako, hindi maubos-ubos yang tinatanong n'yo.
Ngayon na wala na kami, wala pa rin kayong pinagbago!
***
S: Bakit nga ba kayo nagbreak?
A: At bakit n'yo ba kailangang alamin? Kulit ah!
(maari ring)
Ano kami, salamin, o pigura't basong babasagin?
***
S: Sayang naman, naghiwalay kayo.
A: Mas sayang talaga kung makikipatol pa kayo sa usapan.
(o maari ring)
Akalain n'yo, nanghihinayang pala kayo sa amin?
***
S: Anong dahilan (ng hiwalayan niyo)?
A: Isang siklong paulit-ulit na pakikialam ng mga taong
nakapaligid sa amin tulad niyo.
***
S: Paano na lamang ang mga pangarap niyong dalawa sa
hinaharap?
A: Pwede namang hatiin yun, 'di ba? Ang sa kanya ay sa
kanya, at ang akin ay sa akin. At teka, may hinaharap ba siya?
***
S: Balita namin, may third party sa hiwalayan niyo ah.
A: Meron nga.
S: Hala! Sinong naging 3rd party? Chicks ba?
A: Hindi siya chicks.
S: Eh sino yung (third party na yun)?
A: Kayo. Mga usisero't usisera kayo eh!
***
S: Di bale, makakahanap ka ng iba niyan.
A: Oo, makakahanap talaga ako ng iba, tapos hahanap din ako
ng ibang kaibigan—yung hindi papakialaman ang lovelife ko!
***
S: Sayang naman. Three years din yun ah.
A: Hindi rin, kesa naman sa mga relasyon niyo na buwan lang
tumagal no.
(o pwede ring)
Three years lang yun! E kung ikukumpara mo sa tulad niyong
habang-panahon na pangungulit sa akin ukol sa isyu na yan.
***
S: There's a lot of fish in the sea. Just keep fishing.
A: Eh tao ang hinahanap ko, hindi isda! Hindi tilapia, galunggong
o dilis! Ke sa tong mga kasuap ko ngayon ay parang mga janitor fish!
***
S: Paano ka magmu-move on niyan?
A: Ano kala mo sa akin, bed-ridden na pasyente?!
Handicapped!?
(o maari ring)
Ang pagmu-move on, isinasagawa, hindi pinaplano. Hindi to
parang showbiz tulad ng mga tinatanong n'yo ha!
***
S: Ayaw daw ng parents niya sa 'yo.
A: Oo, kasi may mga tao sa paligid ko na pakilamero sa amin
na tulad niyo eh.
***
S: Ang dami niyo namang hindi pagkakaunawaan.
A: Oo. Irreconcilable differences nga, at isa na kayo dun.
(o pwede ring)
Eh pano kami hindi magkakaunawaan? Date lang namin dalawa
ang gusto namin, tapos umaapela kayo ng “Wag. Group date na lang kasama kami!”
***
S: Ba't kasi yan pa ang syinota mo? Tignan mo, iiyak ka lang
dyan!
A: Eh ba't ba kasi kayo yung nakikialam! Kayo ba yung
nagmamahal?
***
S: Tol, baka naman gusto mong ikwento mo yung breakup niyo
ni....
A: Sige, pero sa isang kundisyon: ibe-break ko din yang mga
bungo n'yo muna. Puwede?
(o pwede ring)
A: Kung gusto n'yong makarinig ng break-up story, tutukan mo
na lang yung update sa showbiz, lalo na yung kila Kris Aquino at Herbert
Bautista!
Hay naku. Pag-ibig nga naman, ano? Ke naging masaya ka dahil
sinagot ka niya, pinag-uusapan. Pero kapag hiwalay na kayo, nagiging hot topic
pa rin ito. Iniisip mo pa ring takasan ang lahat?
Pwede pa rin naman eh. Tama lang yan.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
Need to be flexible ika nga...kahit pa sa inuman or anumang okasyon. That's the life of sikat na katulad mo. don't be disappointed kung may tanong sa inuman, 'yan ay para may mapag-usapan lang...just to pass the time. So, kung may tanong, ibig sabihin, sikat ka. Kelangan artistahin din ang sagot mo para in ka...hindi yung may kimkim deep inside. Hindi naman nila kasalanan na nag-break up ka...so, kung walang break up, sana, hindi ka na tinatanong. So, tagay lang....
ReplyDeleteHaha the most annoying part of a breakup (or any "stage" of a relationship actually) is the usisero/usiseras. Lalo na kung galing sa family, as in mga lola lola. Funny entry. :))
ReplyDeleteUsapang break up. Kapag break up ang issue lahat ata makikichismis lalo na sa school. Hindi ka titigilan ng mga tropa mo at kaklase sa pagtanong hangga't di mo sinasagot. May araw din na bigla nilang isusulpot yung gantong topic. haha. Minsan ang hirap iwasan.
ReplyDeletemerong mga tanong nag-iimbita ng mga ganyang klase ng sagot sa kanilang klase ng mga tanong.
ReplyDeleteWhat happened to minding your own business? Pero lahat din naman kasi nagbibigay ng hint dahil gusto din nilang pag-usapan ang mga personal na nangyayari sa kanila.
ReplyDeleteHehehe. Nice! Buti na lang wala naman yata akong mga kaibigang ganyan kakulit. :)
ReplyDeleteHahaha. Natawa ako dito ah! May isasagot na ako sa ganyang klaseng tanong nila... hahaha!
ReplyDelete