Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 August 2014

Suporta

8/28/2014 9:46:23 PM

Suporta. Yan ang kailnagn ng tao para magawa niya ang kanyang hangarin.

Suporta. Yan ang kailangan ng tao para mamoitvate siya.

Suporta. Kailangan para sa ikauunlad ng industriyang ginagalawan.

Suporta. Kailangan mo, kailangan ko. Kailangan nating lahat. Aminin man natin yan, o tahasan pang  i-deny.

Suporta. Parang utak. At para ring puso.


Ang mga tao, partikular ang mga estudyante, atleta, artista, manlilikha, at ultimo ang pamahalaan ay kailangan ng suporta. Ke words of encouragement man yan, o pinansyal na tulong o “donasyon.” Dahil kung walang suporta, parang lantang gulay na lamang tayo. Hindi tayo motivated na tao. Baka iba pa dyan, nade-depress dahil sa lubusang kahinaan sa emosyonal na aspeto. At isa sa mga posibleng resulta ng depresyon ay... kamatayan. (Kailangan pa ba nating magbigay ng halimbawa?)

At tingin ko, kailangan ng Pilipinas ng suporta. At hindi lang ito tungkol sa mga adbokasiya ko sa buhay ang tinutukoy ko, (na isa sa mga palagian kong ideolohiya, suporta para sa local hip-hop at rock music, ibang sports na tulad ng professional wrestling, at iba pang makabuluhang bagay sa ating buhay), o ni ang problema sa ating pamahalaan (i.e. palpak na MRT, traffic system, judicial system, etc.).

Ito ang tinutukoy ko. Ang basketball. Alam ko, lagi na tayo lagpak sa sport na ‘yan. Baka nalilimutan mo, na minsan na naging Powerhouse ang Pilipinas pagdating sa basketball (yan ang napapala kasi pag pumapatol ka sa kababawan at katarantaduhan ng ibang tao imbes na pakainin mo ang utak mo ng kaalaman at kamalayan sa internet).

Ang ibang sport sa atin, nag-excel na. Ang Philippine Dragon Boat, sa kabila ng hindi pagsuporta ng PSC sa kanila ay nakahakot pa ng katakot-takot na numero ng mga medalya sa isang kumpetisyon nun sa Estados Unidos. Pati rin ang boxing, maliban pa kay Manny Pacquiao. Ang mixed martial arts ay sumisikat na rin dahil sa dumarami na rin ang mga Pinoy na nahihilig at nagsasanay rito. At ang football, kahit sa kabila ng kontrobersya at mga Fil-foreign na players, at least may recognition na sa kanila.

Bakit hindi ang basketball, na tila nakaranas ng resurgence muli matapos ang ilang beses na pagrebuild sa Gilas Pilipinas. Yan ay matapos ang paglift ng suspension ng FIBA sa atin ilang taon na ang nakararaan.
Tama na ang pamumulitika (putangina, walang maitutulong sa buhay natin yan).

Alam ko, reality-wise, hindi kaya maging kampeon sa buong mundo ang Pilipinas dahil maraming tinik sa lalamunan ang daraan nito. At sa mga nakalipas na mga laro ay natalo pa sila sa mga tune-up games nila.
Alam ko, kulang talaga tayo sa big man considering na by nature eh maliliit lang naman talaga tayo.

Alam ko, maraming kahinaan ang magsisilabasan na repleksyon rin ng kahinaan ng ating lipunan (p.s. wag lang isisi sa tinawag mong ‘gobyerno’ ang lahat dahil tayo mismo ang bumuo sa kanila).

Alam ko, hindi ganun katindi ang ating ibubuga.

Pero andyan na tayo sa FIBA World Cup eh. Kala mo madaling makapasok ang isang bansa sa ganyan? Tatlo o apat na dekada rin ang hinintay natin para dito.

Manalo, matalo, tara... suporta lang, mga tol.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!