8/7/2013 12:01:25 PM
Isa sa mga bagay na nakakamiss pakinggan sa madaling-araw ay
ang mga patola. Ops, hindi gulay na parte sa lyrics ng bahay-kubo ang tinutukoy
ko. Patola rin kasi ang isa sa mga tawag sa mga mahihilig pumatol sa kung
anu-ano. At ang isang Arnel Ignacio ay isa ring patola – mahihilig pumatol sa
mga napapanahong isyu nun.
Minsan ko lang hinangaan ang batikang host noong nasa Siyete
pa siya, sa programang K! The 1 Million Peso Videoke Challenge. At bandang 2000
na yata yun.
Fast forward tayo sa mga kakalipas na taon lang. Sa panahon
na maaga ako nagigising nun (mga alas-tres o alas-tres y medya lang naman) ay
naabutan ko ang tinig ng taong ito pati na rin ng mga kasamahan niya – ang
tropang patola. As in tropang may kumento sa mga balitang pinapatulan nila.
Mas napadalas pa nga ang pakikinig ko noong panahon na
hinahatid ko ang aking kapatid papunta sa kanyang trabaho nun. yung tipong
pagbalik mo na sa bahay, sa halip na matulog ka muli ay mapapabir ka na lang
muna ng kape at mag-aalmusal, sabay sa panonood ng kanyang programa sa
madaling-araw.
In fairness kay Arnelli ha? Kahit papaano ay may
kredibilidad ang kanyang mga sinasabi. Kunsabagay, naranasan na rin kasi niya
ang makilahok sa pulitika e – tumakbo man o nakaupo. Wala pa ito sa panahon na
nasangkot siya sa isang insidente sa kalye.
Halos isang taon rin siya nawala sa ere noong 2012 – akala
ko tahimik na ang gabi nun. may pumalit man, mas maingay pero mas nakakamiss pa
rin kasi ang pakinggan ang mga kumentaryo sa ganung oras e. Mas trip ko pa
makinig ng ganun kesa sa timeslot na nakipagsabayan ang bunso sa mga utol, si
Manong Ted, ang tandem ni Mike at Igan, at kahit yung kila Deo Macalma. Sa dami
kasi ng mga ‘to, hindi mo alam kung kanino ka papanig para makinig.
Bumalik naman siya sa pagiging radio anchor – yun nga lang,
ang dating 90 minutos na balitaktakan ay naging 60 na lamang. Parang bitin nga
palagi e. As in sobrang bitin.
Mabuti na lang kahit papaano ay may mga kasing-utak niya
kung makapaglahad. At least, may dahilan pa para buksan ko ang radyo ko.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!