8/25/2014 4:08:40 PM
Ngayong natapos na ang Pinoy Big Brother, ano na? Tapos na
ang teleserye na pinag-aawayan ng tao. Ang programang ika nga ng kaibigan ko, “naghakot
ng mga tagahanga pero mas maraming hakot na mga hater.”
Ano na? Si Daniel Matsunaga na ang panalo. Isang
Brazilian-Japanese model na residente na rin ng Pilipinas noon pa bago pa silang
maging magkarelasyon ng kanyang ex-gelpren na si Heart Evangelista.
Ay, ganun? Di pa rin makaget over ‘tong mga mokong at loka na
‘to?
Scripted daw? Aba’y gago ka pala eh. Ano pang aasahan mo sa
mga palabas na ‘yan na gaya na lang din ng mga paborito mong teleserye? Wala
yang pinagkaiba, mag pare’t mare. Sa medaling sabi, para lang kayong nauto sa
isang pautot.
Ito na lang ang pinagtataka ko noong Linggo ng gabi, habang
nagsusulat sa isang raket ko, at sa isang tab naman ay nakabukas ang Twitter
(dahil malamang, hindi ako makapanood ng SmackDown dahil nakatutok sila sa “teleserye
ng totoong buhay.”)
Oo, ano na lamang ang mangyayari sa ‘yo matapos mapanood ang
Pinoy Big Brother All In kagabi? Oo, kayo lang, huwag n’yo kong idamay. HAHAHA! Narito ang anim na senaryo:
1 – Hindi makagetover yung mga fan ng mga 2nd 3rd at 4th
placer, dahil malamang, hindi naging big winner ang mga manok nila. Yung iba,
dyan, iiyak pa. Asus, sakit na ‘yan, senyales ng pagiging isang malandi at
siraulong fanboy o fan girl. Oo, sobrang siraulo lang, parang itong nagmiddle
finger sa harap ng camera, at live on national television pa yan ha?
2 – Makikipagtalo sa ibang mga kasama na fan (yung binanggit
ko sa nauna). Matik na yan. Initial reaction ng mga tipikal na Pinoy na naolats.
Parang nung eleksyon lang (“dinaya ako eh!”), o nung NBA Finals (“chamba lang
pagkapanalo ng Spurs niyo!”) o nung laban ni Pacquiao (“di ako kumbinbsido.
Bagal na n’ya eh.”), o nung PBA Finals (“Asus. Di lang nabantayan ng ni Paul Lee si James Yap. Chamba.”).
3 – Yung tsismisan nila ang magiging dahilan kung bakit
hindi produktibo ang araw nila bukas (ay, oo nga pala. Holiday pala bukas. Pero
alam rin ba nila kung bakit nga ba holday bukas? Malamang, hindi.)
4 – Yung tsismisan nila ang magiging dahilan kung bakit
ganyan ang topic nila sa eskwelahan at opisina. Kaya ang ending, walang natapos
na matino ang mga mokong at loka. Ano pa bang bago sa mga ‘to?
5 – Ubos ang load sa kaboboto. Magpapaload sa tropa dahil
ginamit ang load na pamboto sa halip na ipang-unli para itext ang kanilang anak/nanay/tatay/tropa/kapatid/boss,
at moreover, sa kanilang mga boypren/gelpren. Tsk, tsk, tsk. May gana ka pang
magtext samantalang nagugutom ka at walang pamasahe papuntang opisina o baon
papuntang eskwelahan? Tangina, tibay mo!
6 – At dahil ubos ang load, at magpapaload sila, mauubos rin
ang pera nila. Yan kasi, isang libo ang ginastos para iboto ang manok nilang housemate, tapos luhaan siya nung nalamang naevict lang pala (o naging
runner-up). Buti na lang, malapit na ang sahod, para sa mga a-30 ang payday. Eh
paano kung kada ika-5 o 20 ka? Tapos waldas na ang load mo sa pagboto sa
kanila? Hiya-hiya din pag may time. Tipid-tipid din pag sahuran. Budget-budget
din pag may anda.
At actually, sa panahon na pormal kong inilimbag ang post na ito, narito ang isang karagdagan:
7 – Isang linggo o isang buwan yan magiging tampulan ng mga palabas bilang panauhin. Matik na yan.
Sa pagtatapos ng PBB, marerealize mo lang na katiting lang
ang audience impact/voting. At yun lang ang parte niyo. Ngayon mo lang napansin kung
ano pa ang mas mahalaga sa buhay mo kesa sa manood ng PBB?
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
I totally agree. Those that I know who patronize this kind of entertainment are usually narrow minded and immature. I'm not generalizing but it's just base on my experience. :) Very nice article!
ReplyDeletethank you very much. same observation here.
Deleteyes,im aslo a fan o pbb,,,but take note,,pbb season1 lang, ime of NENE tamayo....sunod na pbb,puro kaek-ekan na,,pera na gagana para manalo talaga ang isang housemate...
DeleteNanood din naman ako ng ilan sa mga sinaunang edisyon ng PBB. Kaso kasi, the more it rolls on the next coming years and months, parang nakakadismaya na lang din ang mga makikita mo eh. As in maiisip ko na lang na parang 'OH, same another shit na naman ang palabas na ito.' Buti na lang I stopped myself from continuing the habit.
Delete#realtalk
Deletethe first PBB back in 2005 was great..but the succeeding ones were no longer good. halatang scripted at niluto na ang pagkuha ng mga contestants.
#RealTalk :D
ReplyDelete