Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

11 August 2014

Tirada Ni SlickMaster: 50 Banned Shades?

8/10/2014 11:29:50 PM

Hindi ako fan ng librong ito. At kung sakali man na ipalabas rin ito sa Pilipinas, ay hindi ko rin ito mapanood (dahil malamang, hindi rin naman ako interesado). Pero para i-ban ang movie adaptation ng librong 50 Shades of Grey sa Pilipinas? Teka, malaking kalokohan yata ‘to ah.

Nagsulat ng liham ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)  na naglalayong i-ban ang naturang pelikula sa bansa. Nakatakdang ipalabas ang 50 Shades of Grey sa darating na Valentines Day sa 2015.

Ganun ba? Oo, ganun nga.

Pero, ano bang basehan para iban ito sa Pilipinas? Morality issues ba? Ito rin kasi ang kadalasang ground kung bakit nakikialam ang simbahan sa estado, kahit sa kabila pa ito ng katotohanan na mayroon tayong tinatawag na separation of the church and the state.

At, oo, maaring maituturing na rin na pakikialam ito ng simbahan dahil ang MTRCB ay kabilang sa mga ahensya ng gobyerno. Oo, kahit artista pa ang ilan sa mga board member nito.

Pero kung morality lang naman ang usapan, aba, mararami pang palabas ang dapat i-ban. Tulad na lamang ng mga paborito niyong teleserye. Oo, morality issues pala ha? Eh kelan pa naging katanggap-tanggap sa mata ng lipunan at simbahan ag mga isyu ng pakikiapid, diborsyo at ultimo ang relasyong homosexual? Kung morality lang ang usapan ay dapat may bayag ang CBCP para i-ban ang mga ganung klaseng palabas.
Yun nga lang ang problema, either ubos ang programming content ng mga istasyon nito o magpapakasasa na lang atyo sa balita at yung mga programang sobrang boring. Siyempre, ayaw din naman natin ng ganun.

At kung ipapaban nila sakali ang 50 shades of grey, abay magingfair din naman sila sa mga local na palabas nag naglalayon ng ganyan. At hindi excuse riyan ang sabihing teka ‘nawala naman ang mga pelikulang may kinalaman sa sex sa ating bansa ah.’ Yan ang akala mo. Maaring wala nga, pero tignin mo ba ay mapipigilan mo ang tao sa pagcrave sa mga ganitong bagay? Tandaan, moderno ang internet, kaya mas modern rin ang paglaganap ng porn.

At oo, speaking of which, yan ang isa sa mga dahilan kung bakit marami rin ang nagpapahayag ng kanilang disdain sa pelikulang yan. Nagmukha lang daw na porn yun tapos may kwento. Sino nga ba naman ang gagawa ng ganung sexual activity sa kanilang partner? Hmmm. Parang ganun ang dating sa akin ah.

Ah, basta, kung morality issues lang naman, aba, mas okay pang i-ban ang mga jeskeng teleserye kesa sa pelikulang 50 shades of grey, no.

Alam mo, buti na lang, hindi ito ginawa ng MTRCB. At least, patunay na above ang batas sa lahat, kahit simbahan pa ang katapat.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!