Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

30 August 2014

Tirada Ni SlickMaster: Buwan ng Wika

8/25/2014 4:45:04 PM

Ngayong buwan ay ang buwan ng Wika. Buwan rin ng Pagbasa at Kasaysayan. Kaya malamang ang mga eskwelahan ay mas madalas gamitin ang wiking Filipino, o Tagalog, kung ikaw ay isang hamak na makaluma.

Pero, ano nga ba signipikasyon nito sa atin sa panahon ngayon? Eh kung tutuusin, mas trip pa ng mga Pinoy na mag-Ingles para feeling matalino sila. Sa mga pormal na usapan, telebisyon man o entablado ay mahahalata mo na ang mga yan.

Buwan ng wika. Kaya nga naman matindi ang kampanya ng Department of Education (DepEd) para ipakalat at maging parte ng kamalayan ng tao ang wika sa mas malalimang perspektibo. Parang ang mga ito.



(Photo credits: Twitter/DepEd)

Actually, sa mata ng marami, mababaw na problema lang yan.

Ito ang malalim na suliranin: planong tanggalin sa curriculum ng kolehiyo ang lengwahe. Ano, tangina, seryoso? Pero pumutok na ang balitang ‘to noon pang Araw ng Kasarinlan. Wow, the irony, ‘di ba?
Kung tutuusin, sa mga ganitong isyu na lang ba lumalabas ang kamalayan at pakialam natin? Duda ako. Pustahan: twing Agosto lang magkukunwaring matalinhaga ang mga Pinoy (yung mga nasa itaas) pagdating sa pagsasalita ng wikang Filipino.

At may saysay nga ba ang kasaysayan? Maliban sa pakikinig ng mga programa mula sa mga gaya ni Professor Danton Remoto? Nakakapanduda pa rin, maliban na lamang kung isa kang masugid na tagapagtaguyod at tagahanga ng pagpapahalaga sa ating kultura.

At sa pagbabasa? Dyan tayo tiyak na kulang. Hindi naman siguro halata ‘to di ba? Mas nakakatawa pa nga (at sa parehong panahon ay nakakadismaya rin) kung mapapansin kung gaano tayo kaangas makipagtalo kahit hindi pa natin nababasa ang artikulong pinagtatalunan natin.

Masyadong mayaman ang literatura natin kahit bago pa dumating ang mga pop-literary works na nanggaling sa mga website gaya ng Wattpad. Ang problema lang: kulang tayo sa pag-unawa at pagbibigay pugay sa kanila.

Sana nga lang, hindi lang twing Agosto tayo nagpapaka-Pinoy. Dahil ang sagwa lang tignan kung ganun. Masyadong hipokrito ang datingan. At hindi ko tinutukoy rito ang pagsusuot ng Barong Tagalog, ha?

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!