Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 August 2014

Tirada Ni SlickMaster: Colored Traffic

8/10/2014 10:34:03 PM

Matrapik na naman last week. Sinabayn pa ng ulan ni habagat at ng Bagyong Jose.

O, ano namang bago rito? Eh kung tutuusin naman ay parte na ng ating sibilisasyon ang mabigat na trapiko ah.

Ito kasi yan: sinasabing ugat ng mas malalang sitwasyon ng trapiko ang isang kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi sila manghuhuli ng sasakyang out-of-line o yung tinatawag na ‘colorum.’ Ano, hindi nila huhuliin yung mga ganung klaseng sasakyan? Paano na lang ‘to, lalala pa lalo ang trapiko kung ganun? Eh samahan mo pa ng masamang panahon tapos may mga roadwork pa na ginagawa (yun pa ang nakakaasar. Bakit kung kelan tag-ulan, saka magbubungkal ng lupa ang mga ‘to? Bakit kung kelan maraming tao ang busya, saka nila ito gagawin? Bakit hidi noon na ang karamihan ay busy sa excursion trip?).

Kaya naman hindi lang mga motorista ang mainit ang ulo, kundi pati ang Metropolitan Manila Deelopment Authority.

Paliwanag naman ng LTRFB, ayon ito sa isa sa mga programa sa radyo na pinapakinggan ko, ay dahil karamihan raw sa mga colorum na motorista ay mga may hinahawakang negosyo. Maapektuhan raw niyo ang posibleng transportasyon at delivery ng mga produkto. Ganun? Marami raw maluugi,. Sabagay, isa ito samga epekto ng truck ban sa ilang lungsod sa Kamaynilaan.

Ganun? Oo, ganun nga.

Maapektuhan rin nito ang mga punapasadang sasakyan. Dahil pag kumaunti ang pumapasadang bus o jeep o UV express tapos maraing pasahero ang di makakasakay ng nasa oras, ayun lang, magiging epekto nito na pagiging late ng mga tao. Hmm, pero parang kumplikadong usapin na ito ah.

Tapos mas malaking abla pa pag hinuli ka ng enforcer. Siyempre, pepreno ang sasakyang sinakyan mo, di ka makakababa ng basta-basta. Ang saklap naman yata nun.

Aniya, parang palugit lamang ito para sa kanila. Dahil maraming proseso rin ang pagrehistro para mabigyan ng pahintulot ng pamahalaan ng bumiyahe. Samahan mo pa ng maraming bayaran/

Ganun ba?

Pero hindi ito bumenta sa Malakanyang. Dinefy nila ang ruling at pagkatapos ng lahat ng ito, kinatigan ng Presidential Palace ang MMDA. Ayon yan sa mga balita noong nakaraang Biyernes.

Sabagay, hindi nga naman kasi excuse ang ganyan. Yung iba nga, sumusunod sa tama eh. Kaya parang unfair nga naman ang datingan. Alam ko, marahas ang batas by nature. Pero yan talaga yan eh. May magagawa pa ba tayo? Tayo rin naman ang nagtatakda nito sa pamamagitan ng eleksyon. So nakita mo nasanga-sanga ang lahat ng ito?

At, teka. Since bago mag-weekend ay mukang nasolb na ang sigalot sa colorum, may painbago naman tayong problema: Alin? ito:

www.gmanetwork.com

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!