03 August 2014

Tirada Ni SlickMaster: Emotional SONA

8/3/2014 12:48:49 PM

Kakaiba raw ang State of the Nation Address  ni Pangulong Benigno Aquino noong nakaraang Lunes. Napakabihira ang mga parasaring, di tulad ng mga nakaraang SONA niya ah. 

Of course, andun pa rin ang mga kanyang ipinagmamalaking ginawa sa larangan ng imprastratktura, seguridad, disaster management, at iba pa.

Marami pa nag aw nagkatrabaho, napunan na rin daw ang kakulangan sa libro, upuan at klasrum sa kasagsagan ng Kto12, at ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o AFP (Armed Forces of the Philippines). May mga power plant na rin at iba pang energy resources sa hinaharap.

Aba, impressive din pala kahit papaano.

Pero kung may natirang tirada ang kuya mo, ito ay yung pagtawag niya sa kanyang mga kritiko na “anti-people,” o yung mga ayaw daw sa pagbabago.

Pero kakaiba talaga ang SONA ng Pangulo ngayong taon. Emosyonal eh. Tila nagpapahiwatig ng pagpili na rin sa susunod na mamumuno ng bansa. Tunog stratehiya ng pangangampanya rin, ano?

Ayon nga raw sa isang ininterview  sa isang artikulo ng GMA News, umaapela raw ang kuya mo na maniwala tayo sa ating mga sarili. Okay raw sana, kaso kung sa usapin lang naman ng korapsyon, wala naman talagang napaparusahan ng naayon sa batas.

Teka, kung exemption siguro dito, yun  ay nung naimpeach si Chief Justice Renato Corona.

Pero kahit mukha siyang propesyunal nun, nagpakita siya ng emosyon. Patunay lamang na tao rin siya. Well, walang masama dun.

Pero kung tatanungin ang mga analista sa mundo ng pulitika, paawa epek raw ito. Sabagay, ito ang patunay rin na emosyonal tayo bilang isang lahi. Madali tayong maawa. Malalambot. Ganun? Maliban na lang siguro kung nasa dugo mo na ang maging tulad ni Gru (yung amo ng mga minion sa isang cartoon movie series na Despicable Me).

Sa sorbang nagmamakawa, este, pagiging emosyonal raw niya, nakalimutan raw ang mga iba pang mahahalagang isyu gaya ng Freedom of Information bill (oo nga, ano? Noong 2010 – o yung panahon na kandidato pa lang siya sa pagiging pangulo – ay bukambibig niya ito; ngayon, anyare na nga ba?). Bagamat may mga statement na nagsasabing ipapasa niya raw ito bago matapos ang kanyang termino (oh, yun naman pala eh), Anti-Political Dynasty bill, at ang pagsasayaos ng tension sa pagitn natin at ng mga Intsik.

Ganun? Ang sa tingin ba ay magiging malambot ang mga Pinoy nito? Depende, siguro kung lovelife ang usapan.

Pero hindi lang ang kuya mo ang naging emosyonal. Pati na rin ang mga ate niya. Kaya nnga minsan naging headline ang balitang “Kris Aquino, napaiyak sa SONA ni PNoy.  Bakit kaya?!” Pero according na rin sa pamabsang bunso, nanaginip raw siya na possible raw mapatay ang Presidente. Ganun? May kwento pala ang bawat luha nila. Ganun?

Ibig sabihin may death threat? Kung aanalisahin ang mga huling kataga ni PNoy sa SONA, parang tunog-pahiwaitg raw ang datignan ah. Pero huwag naman sana at nawa’y sa kabila man ng kapalpakan (di man lahat) ng kanyang administrasyon ay matapos niya ito ng alive at kicking.

Hmmm... ayaw kong sabihing premonisyon ito. Basta, para sa ting mga boss niya, maging mapagmatayg na lamang tayo sa mga posibleng development ng ating bansa. Yun lang.

Pero, ‘wag din tayo maging masaydong magpadala sa emosyon. Alam ko, isa atyo sa mga emosyonal na tao sa mundo. Pero hindi excuse yan.

Sources:

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.