8/10/2014
12:07:58 PM
Isang balita ang binitawan ng isang malaking newscast nitong nakaraang lingo: Mommy Dionesia, may boyfriend na!
ANTARAY!!!!!
Eh ano na ngayon? Magbubunyi na ba ang Pilipinas pagkatapos nito? Magkakalaban na ba ni Pacquiao si Mayweather pagkatapos nito?
Inamin yan
ni Pacquiao sa isang ulat. Ayos din eh no? Talagang kailangang i-build up
masyado ang balitang ito? Sabagay, kasi isang prominenteng pigura na si
Pacquiao, ang ibig sabihin lamang nito ay alinmang salita ang kanyang winiwika
sa media, mababaw man ito o malalim, ay tiyak na magiging big deal para sa
“fourth estate.” Yan ang tunay na role ng media paminsan-minsan.
At kung
prangkahan lang naman ang usapan, bits lang ito ng isang interview program.
Katiting, o kapiranggot. Ayos din sa marketing eh no? Para maengganyo na manood
ng programang yun? Bakit, ganyan na ba kadesperado ang ibang programa sa
telebisyon, gagawa ng mala-teaser na report para panoorin ng tao ang naturang
programa? Kung tutuusin ang mas may higit na karapatan sa ganyan ay yung mga
news program na umeere sa dis oras ng gabi. Pero what if kung sa hapon ka
nakatoka? Di ka naman siguro mababasagang ‘flop,’ di ba?
Okay,
nagsiwalat ang anak, tinanggi naman ng ina. Ngayon, sino nagsasabi ng totoo,
ang isang boksingero na pinipikot ng ibang pulitiko para dominantehin ang mundo,
o yung nanay na OA kung makareact sa TV nung naolats ang kanyang manoy, este,
Manny? Nagawa pang sumbatan siya sa national television gamit ang dayalekto
niya at relihiyosong motibo? Pucha, wala namang gamitan ng relihiyon, utang na
loob!
Pero alam nyo naman, uso ang pagsisinungaling sa pag-ibig kaya umamin din ang lola mo.
Pero alam nyo naman, uso ang pagsisinungaling sa pag-ibig kaya umamin din ang lola mo.
At juice colored naman, ay sorry, jusko naman, kalian ba titigil ang mainstream media sa pagiging a la Keeping Up with the Kardashians sa isang nanay ng boksingero? Mula sa mga laban ni Pacman hanggang sa pagkanta ng Riking Bul, este, Wrecking Ball. Naknampucha. Nakakatawa nga, pero sa parehong pagkakataon, nakakapanakit na rin.
Pero, ano
nga bang pakialam ng mundo kung magkaboyfriend naman si Mommy Dionesia? Normal
na lang naman yata yan sapanahon ngayon, ‘di ba? Considering na nagkaron ng
dalawang asawa si Mommy D sa kanyang nakaraang lovelife.
Ano ‘to? Isiniwalat ang mga ulat para lang masabing informed tayo, at sa parehong pagkakataon ay may mapagtsismisan tayo? At kaakibat pala nun–para laitin ang sinumang lalakeng yun na cougar o gold-digger?

Eh kung hayaan na lang natin na magmahalan silang dalawa?
Oo, alam kong normal ang magmahal. Pero hindi normal ang ganitong balita bilang parte ng roster ng national headlines. Ibalato na lang dapat yan sa mga showbiz beat reporter. Ay, teka, showbiz nga rin pala ang laman ng mga headline ngayon no? Kaya kahit parang ang dating ay sinapaw o inagaw ang scoop na ‘yan ay parang okay lang?

Ayayay…
what’s happening to the world?!
Author:
slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!