16 August 2014

To Upload or Not to Upload?

8/10/2014 11:47:55 PM

Ito ang gumimbal sa mundo ng pelikula noong nakaraang weekend. Ang mga pelikulang parte ng Cinemalaya 2012 at 2013 ay inupload sa website nito.

Pero bakit nga ba nagmumukmok ang mga filmmaker dito?

Unauthorized daw kasi. Hindi ito nagbigay ng pahintulot o pasintabi man lang sa mga taong gumawa nito.

Yun lang ba? Hmmm…

Kung sasang-ayunin ang nabasa kong post sa isang group sa Facebook, ito pala ang dahilan kung bakit sa pagtatapos ng Cinemalaya screening sa TriNoma noong nakaraang Sabado ay mararaming tao sa mall na yun ang tila nabadtrip. Akala ko pa naman ay nahihintay lang ang mga ito para sa Last Movie Filming (LMF) ng mga pelikulang Guardians of the Galaxy at Lucy.

Sumabog ang balita mula sa isang post ng film critic na si Phil Dy sa pammagitan ng kanyang Twitter, na sinundan naman ng samu’t saring rant mula sa mga filmmaker na nagparticipate rito. At dyan naging mainit ang pangalang Cinemalaya sa social media. Gumamit pa nga sila ng hashtag na #Cinemadaya.


Digital Spy
Sa kainitan ng gabi, naglabas naman ng statement ang Cinemalaya foundation. Aniya sinasabi nila na ang kanilang website personnel ang nag-upload ng video sa kanyang YouTube channel. At naka-embed ito sa opisyal website ng CineMalaya.

Ito pa ang problema: may ‘watch now’ section sila roon. So, ano ang kinakalabasan nito, na hindi informed ang mga lumahok ukol rito? O sadyang mautak rin ang naturang babae na gumawa nito?

Photo credits: Twitter/Kicker Daily

Ito pa: hindi nila alam na nangyari yun? Ang dating tuloy ay parang naghugas-kamay sila sa pangyayari. Madaling humatol na ‘pucha, tatanga-tanga naman itong grupong ito. Hindi niyo namalayan yan?’ pero dapat siguro ay maliban sa paumanhin ay mas karapat-dapat na eksplanasyon ang sabihin nila sa mga tao. Oo, nakakadismaya talaga.

Pero sa kabilang banda, ay baka naman napag-utusan lamang siya. Kawawa naman yung babaeng intern na yun na pinangalanan din sa social media. Pustahan kung may matinding bumira pa at nasaktuhan yun, tiyak na magiging target pa yun ng internet memes at cyber bullying. Kahit sa totoo lang din ay mali ang ginawa niya.

Interaksyon
Kaya sa totoo lang, hindi lang ang intern na yun ang dapat maging accountable, kundi pati na rin ang mga superior niya. Parang laglagan ang datingan kasi kung siya lang ang sisishin. Mabuti sana kung sa personal consumption talaga yan (bagay na may pagkaevient na rin kasi nga sa kanyang personal YouTube account ito nakadownload).

Maaling sabihin na “aba, siraulo pala tong mga filmmaker na ‘to eh. Gusto niyong makilala ang obra niyo pero ayaw niyo naman ipaupload sa internet.” Oo, madalingsabihin yan, lalo na kung isa ka lang hangal, este, hamak na manunood tapos umaasa palagi sa pirate at libre. Alam ko, mahal ang sine. Pero tol, kung alam mo lang kung gaano kagastos ang pagagawa ng mga ganyang bagay, baka sakali pang maintindihan mo kung bakit ganun na lamang ang presyo nila.

Sa madaling sabi, kung hindi mo kasinglebel ang utak ng isang manlilikha, wala kang karapatan na husgahan ang mga sinabi nila. Dahil malamang, wala ka ngang alam.

Sa totoo lang, isa ang pelikula sa mga larawan ng mga nagigipit sa realidad ng mundo ngayon: ang isa ay gusto magpakita ng sining sa pamamangitan nito, ang isa naman ay para may mabawi ang kanilang pinagpaguran. Art and business mixture, ika nga.

Pag binigyan mo kasi ng libreng access yan, d’yan rin titra ang pamimirata, ayon naman kay Direk Joey Reyes, isa sa mga jury member ng patimpalak. At malamang, hidni pwede yan para a parehong producer, director, writer, actor at sa lahat ng nagpagod para lang sa mga indie film na ginawa.

Ngunit may dahilan kung bakit nangyari ang isaknadalong yun, ayon sa chairman na si Tonyboy Cojuangco. Yan ay sa kabila ng katotohanang narrating na nila ang target nila na magkaroon ng malaki-laking audience (92,000 to be exact).

Pero nanatiling matindi ang panig ng mga filmmaker. Violation pa nga raw itong maituturing kung tatanungin ang director-producer na si Hannah Espia.

Kung si La Aunor, na best actress sa kanayang pag-arte sa “Hustisya,” naman ang tatanungin, “Unang-una dapat magpaalam muna sila siguro sa mga director. Lalong-lalo na sila ang mga nagpagod diyan. At siyempre, ‘yung mga producers. Kasi para bang hindi naman sa iyo…pinalabas ninyo nang walang paalam at hindi tama.” 

Maaring patay na ang isyung ito kasunod ng pagtatapos ng Cinemalaya X, pero dapat hindi mamatay ang diskusyon rito. Tama sila Cojuangco, at ultimong si Michael Tuviera: dapat may dayalogong mananaig para maisaayos ang dapat maisaayos.

Dahil sayang naman kung hindi mapaplantsa ang gusot na ito. Sila, ang mga independent film makers, na nga lang ang tanging pag-asa para mabuhay pa ng husto ang Philippine Cinema.

Sources:

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!

Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.