Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

06 September 2014

#100HappyDays Only?!

06/16/14 10:34:37 AM

“Life is too short to limit your happiness to only a hundred days.”


Masyado na naman tayo nagpapadala sa pautot ng social media. Ano? Hashtag-100 Happy Days (#100HappyDays) ba kamo?

Hindi naman sa pambabasag ng trip ha? Pero oo nga naman, bakit lilimitahan mo lang ang sariling kasayahan mo sa loob ng 100 days? Ano 'to, mas optimistic version ng dating palabas na “100 Days to Heaven” ng channel 2? (Na may malutong na linya na “Kuha Mo?”)

Paano yung natitirang 265 (o in case ng leap year, 266) days mo sa bawat taon? Malungkot? Para mo na ring sinabi kung gaano kamiserbale ang sitwasyon ng buhay mo sa loob ng isang rebolusyon.

Na parang 100 days ka lang magsasaya dahil may jowa ka, at pagkatapos nun ay awayang galore na naman hanggang sa hahantong ito sa hiwalayan at ikaw naman ay maglulupasay ng napakahabang taon sa relasyon na tila saglit lang naman ang itinakdang panahon,

Na parang 100 days ka lang magsasaya dahil may trabaho ka, pero pagkatapos nun, nag-resign ka bigla at magiging palamuning nganga sa kanto.

Na parang 100 days ka lang magpapapansit dahil may pera ka. Pero pagkatapos nun ay magiging national anthem mo ang kanta nila Wally at Jose na “Kalabit Penge.”

Na parang 100 days ka lang magpapakasaya. At pagkatapos nun, ay kakantahin mo na lang ang huling stanza ng kantang “Esem” ng bandang Yano sa loob ng mahaba-habang panahon. (O kung gusto mong isagad, sige pati yung chorus na rin nang dalawang beses, tapos yung outro o extro nun. Tapos repeat til fade ang peg mo nun, 'di ba?)

100 Happy Days? Seryoso ka? As in 100 araw ka lang ngingiti na parang inspired ka palagi habang nakikinig ng kantang Happy nila Alexa, Squareheads, at ni Pharrell?

As in 100 days ka lang ba magiging masaya na kakain nang bonggang-bongga, manunuood ng sine, magpapakaaliw sa mga comedy bar at sitcoms, at pupunan ang sarili ng good vibes?

Ano? Hanggang 100 days lang ba ang hapiness mo? Kawawa ka naman, hijo at hija.

Sa totoo lang, tama ang kasabihang “happiness is a choice,” o kung masyado kang particular, “beong happy is a choice.” (Teka, tangina, pareho lang yun ah?! Eh wala tayong magagawa kung may maarte pa na dyan na magsasabi ng “Mali ka naman sa qinuote mo, SlickMaster eh!”).

Meaning, nasa sa ating desisyon o choice sa buhay kung magiging maligaya ba tayo o hindi. Kung pipiliin ba natin ang happiness kesa sa sadness, at kung hahayaan ba natin na pansamantala lang ang kasayahan nating natamo o hindi. Kung habang-buhay ba tayong magpapakulong sa miserable, o hahayaang lumaya para sa ikasasaya natin.

Sa madaling sabi, unlimited ang happiness dapat nating mga tao. Hindi pwedeng maging malungkot tayo panghabang-buhay (okay lang magluksa, kung may ipagluluksa naman dapat. Pero naku naman 'tol. Wag mong hahayaang hanggang dun lang ang magiging mitsa ng buhay mo. Sige ka. Nakamamatay ang depresyon).

At hindi ko tinutkoy ang jeskeng expression naq YOLO dito ha? Iba yun.

At paano pa kung naputol ang #100HappyDays mo, at nakalimutan mong bilangin pa? Uulit ka ng ganun? O tatamarin na lang? Good luck!

#100HappyDays pa kayong nalalaman dyan?!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!