Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

25 September 2014

Another "Crime of Passion?"

9/21/2014 6:18:46 PM

Halos dalawang buwan matapos mapatay ang race car driver na si Enzo Pastor, isang pambihirang anggulo lamang ang nakikita ko kung pagbabasehan ang mga ulat. Isa itong crime of passion.


Parang yung mga tinalakay ko dati noong mga nakaraang taon na ang mga krimen ay nagaganap sa ngalan ng pag-ibig. Ang murder case na ito ay isa ngang crime of passion considering na ang nasasakdal na si Dahlia, asawa ni Enzo, ang mastermind na si Domingo "Sandy" de Guzman at ang gunman na si  PO2 Edgar Angel ay ang partner ng babeng Pastor.

Aba, parang dinaig pa nito ang magkahalong plot ng mga pelikulang No Other Woman at On The Job ha? No Other Woman, though sa kasong ito ay dalwang lalake ang sangkot, ay dahil sa isyu ng fidelity sa Pilipinas, particular na sa mga mag-asawa; at On The Job naman, dahil pinatunayan lamang nito na ang krimen, particular ang “pagpapatumba” ng tao, ay isang matindi, malaki at napakadilim na negosyo. Oo, sobrang dilim, daig pa nito ang tinatawag nilang “black market.” Samahan mo pa ng dahil na minsan ay dawit pa ang mga otoridad pagdating sa paggawa ngmga ganitong klaseng krimen.

Ay, oo nga pala. Sa huling eksena ng OTJ nun ay binaril ni Mario (ginampanan ni Joel Torre) ang “kumpare” daw na kinekerengkeng naman ang asawa niya (na ginampanan naman ni Angel Aquino) sa sarili nilang. Nagresulta ito sa isang madugong bahay sabay alis naman ni Mario o “Tatang” na para bang walang nangyari at sumakay sa itim na Pajero ni Pajero lady, isang “middleman” na ginampanan naman ng batikang actress na si Vivian Velez.

Literally, isa itong halimbawa ng corruption o katiwalian.

Bagamat may mga anggulo na hindi naman ito masamang anak ayon sa erpat ng Della (which is natural na self-defense naman bilang magulang sa kanyang anak maialis lang sa pangil ng matapang na hustisya), at kung anu-ano pa, parang ito lang ang nakikita kong bottomline: crime of passion, na nasaktuhan pa ng napapanahong palabas ng hindi pagiging tapat sa asawa at korpasyon sa otoridad.

Grabe lang, iba talaga nagagawa ng pag-ibig, eh no?

Ayon naman sa isang libro ni John Iremil  Teodoro na sobrang haba ng pamagat para i-cite pa dito (pasensya na, hindi ko kabisado yun eh), walang maling pag-ibig.pero may mali sa mga kilos na may kinalaman sa pag-ibig.

Actually, tama siya. Yan din ang paniniwala ko kahit sa crime of passion pa ang usapan. Minsan, gago lang din talaga ang mga tao na ginagamit ang salitang “mahal” bilang excuse sa mga katarantaduhang ginawa nila sa buhay gaya ng pagpatay ng tao sa pamamagitan ng organiasdong krimen, o biglaan man.

Hay naku.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!