9/28/2014 5:11:03 AM
Sa totoo lang, parte na ng basketball ang away.
Oo nga, ang laban noong nakaraang Lunes sa NCAA. Mapua Institute of Technology versus Emilio Agunaldo College.
Kalahating minuto na lamang ang natitira sa laro noong
nangyari ito, ang isa sa mga pinakamasahol na free-for-all fight hindi lamang
sa kasaysayan ng college basketball, kundi sa pangkalahatang aspeto ng
basketball sa Pilipinas.
Dahil diyan ay halos lahat ng manlalaro ng parehong koponan ng
Cardinals (Mapua) at Generals (EAC) ay ejected sa larong ito. Damay-damay na,
pati mga opisyales ng team nila. Ang saklap pa naman pag nasabihan kang “OUT OF
THE PLAYING COURT” ng public address game announcer ng arena. Para kang
sinampal ng dalawang kamay tapos sabay pang kaliwa’t kanan pa ang tama.
Ngunit siyempre, pag ilang beses ka nang naeeject gaya ni
Rasheed Wallace, pagtatawanan mo na lang at iisipin mong kupal ang mga referee
na iyun.
Sumatutal, 18 manlalaro ang napatawan ng hatol, mula isa
hanggang limang laro sila suspendido. Ang mga opisyales naman na humawak ng
larong ito, indefinitely ang judgment sa kanila ng Management Committee.
Saklap naman nun para kila ref. Eh hindi kaya basta-basta
maawat ang mga manlalaro na sobra-sobra nang itinatago ang kulo sa kanilang
katawan. Ang problema kasi sa sports, aprang alak lang: kailangan ng disiplina.
Kung ang kasabihan sa alak ay “idertesto ang nainom sa iytan at huwag sa utak,”
sa basketball naman ay “mag-focus ka sa kung paano ka mananalo sa laro at tiisin
mo kung ano man ang sakit na nararamdaman ng katawan mo, ke sadya man yan ng
kalaban mo o hindi.” Pero siyempre, kelan pa naging fair sa palakasan ang
manakit? Maliban na lang kung combat sport ang nilalaro mo.
Ika nga nila, pucha kung ‘di mo kayang tiisin na masaktan sa
basketball, mag-chess ka na lang! Dahil malamang, may contact din sa
basketball, kaya nga may naiinjured din dito, ‘di ba?
Ngunit, paano nga ba nagsimula ang rebolusyon, este,
kaguluhang ito?
Ah, dahil sa binalikat ng isang taga-EAC yung manlalaro sa
Mapua. Tapos hindi tinawagan ni ref. Non-call ba. Pucha, unsportsmanlike foul
na nga dapat yun eh. Tapos di pa tinawagan. Oh, come on, ref!
At dahil wala naman yata magagawa kung magrereklamo ka sa
ref (dahil malamang mate-technical ka lang, tapos pag hindi ka pa nagtanda sa
hatol niya, ituturo niya ang senyas papuntang locker room), e di, let’s get
ready to rumble na lang.
Sino may kasalanan dito? Yung mga nagsapakan ba? Yung coach nila
kung sadya ang dirty game plan (pero tangina, set aside natin ‘to dahil sa
mabigat na aksuasyon yan ay sa malamang, walang may gusting gumawa ng ganyang
motibo), o yung opsiyales na hindi tinawagan ang akto na nagtrigger sa ganitong
klaseng akterkasyon?
Kung tutuusin, hindi na bago ang mga away sa basketball.
Last year nga ay may nagsapakan rin sa PBA eh: si Pingris saka si Nabong. Noong
mga nakaraang taon, si Wynnie Arboleda na nasa Air21 nun ay sinugod ang fan ng
Smart Gilas Pilipinas (tapos mga bata pa ang lineup ni Rajko Toroman nun), nung
ABC-5 pa ang TV5, sinipa ni James Yap ang import ng Talk ‘N Text sabay
kumaripas ng takbo. Noong 2005 naman, nagpang-abot sa hardcourt sila Enrico
Villanueva at Joseph Yeo noong idinaos ang Dream Game ng Ateneo vs. La Salle.
At kung anu-ano pang serye ng basketbrawl pa ang naganap nun.
Sa mga fans, isa itong form ng entertainment. Pero kung sa
mindset ka ng matinong nilalalang, alam mong hindi na ito parte ng laro.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!