Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

19 September 2014

Late Policy

9/16/2014 9:51:17 PM

(Sa panahon na sinulat ko ito ay nailift na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang modified truck ban sa naturang lungsod.)

Hay, naku talaga. Kahit kalian, since time immemorial, hindi tayo tinatatntanan ng problema sa lansangan.
Mantakin mo ha? Naging sakit ng ulo ng mga motorist sa North Luzon Expressway nung isang Biyernes ang sabay na implementasyon ng modified truck ban ng Maynila, tapos sinabayan pa ito ng buena manong pagpapatupad ng one truck lane policy sa mga piling pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Isipin mo na lang kung babyahe ka pa-Manila nun tapos ang daan mo ay sa NLEX-A. Bonifacio Avenue. Masyado mang exaggerated ang datingan ng mga ulat nun na inabot ng lagpas tatlong oras ang ilang mga tao sa biyahe na kokonsumo lang sana ng halos 30 minuto? Anak ng pating lang.

Hindi lang sa A. Bonifacio, ‘to. Pati na rin sa ibang thoroughfare. Dahil may modified na truck ban din sa mga gaya ng C5, ay good luck na lang kung makarating ka sa destinasyon mo nang bonggang-bongga.

Okay sana eh, yung mga dinadaanan ng trak na papuntang SLEX o Pasig gamit ang C5 ang nadamay sana eh.

Kaso, hindi eh. Mas matinding kalbaryo lang ang inaabot ng tao. Kaya nga naman maraming naghihimutok sa dis oras ng umaga.Kahit kasi agahan nila ang byahe, wala eh, nadadale pa rin.

Lalo na kung bumabawi ka sa mga linggong nagdaan pero nauuwi sa pamumutiktik na late ang attendance mo sa trabaho.

Nakakabagot talaga. Minsan, alas-6 pa lang ay aalis ng bahay para sa 1 oras na biyhae mo papunta sa opisina. Pero pagkatapos nun, ang isang oras na yan madadagdagan. Suwerte ka nga lang kung umabot ka sa grace period.

Malamang, maraming tao na ang nabadtrip dahil sa kaganapan na yan.Kung hindi lang siguro mainit masyado ay baka sa malamang naglalakad na lang tong mga ‘to sa halip na nakastuck sa kani-kanilang mga sinasakyan.

Kawawang kalbaryo, trapik na sa EDSA, trapik na MRT, at mas lalong tumindi pa trapik dahil sa truck ban.
Bakit nga ba nauwi tayo sa mala-lecheng solusyon na ito? Matapos ba ang lahat? Ano to, patunay lamang na masamang epekto ng pagiging siraulo natin sa manibela’t kalsada? O baka naman dahil sa jeskeng isyu ng port congestion niyan sa Manila Bay.

Speaking of which, kung tama ang mga inuulat, crowded na raw ang Port of Manila pagdating sa mga container nito. Kung ganun, bakit hindi masyado napapakinabangan ang mga gaya ng Port of Batangas at Subic Port, lalo na kung pabyaheng probinsya in the first place ang mga bagaheng sinasakay mula sa mga barko sa pantalan sa pamamagitan ng trucking?

Business na ang usapang ‘to ha? Nasamahan pa ng katiwalian.

Pero utang na loob, sa totoo lang, hindi nagging magandang solusyon ang 1 truck lane policy na ‘yan. Nagmukha lang isang moving barricade ang C5 dahil d’yan. Nakapansin ako minsan ng isang litrato na naglalarawan ng sitwasyon ng trapiko nun sa nasabing kalsada, at nadismaya lang ako: yung isang lane, walang dumadaan; tapos yung truck lane, ayun, dun nagkapila-pila ang mga (well) truck, kaya walang makasingit sa fast lane.

Mantakin mo ha? Minsan nga magpapang-abot na yung magkabilang buntot ng mga sasakyan samantalang iisang kalsada lang din ang tatawirin nila.

Hay, naku.

Kung malaki man ang lugi ng mga negosyo nito, eh din a rin kataka-taka: what more pa sa ganitong sitwasyon?

Ugh. Malabo na nga, malala pa.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!