Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

22 September 2014

May Bagong iPhone! E Ano Ngayon?!

9/21/2014 12:37:47 PM

May bago nang iPhone. iPhone6 (at 6 Plus) ang tawag (bagay na talaga naming obvious).

Eh kaso... ano naman ngayon?

Malamang, marami na naman ang makikiuso nito. Parang ganito: marami ang mag-aasam na bibili nito (walang masama dun, libre lang naman mangarap eh). Yun nga lang. Dahil maraming mag-aasam, marami rin ang magpapakadesperado’t desperada para magkaroon lang ng iPhone.

Bakit, ano bang meron ang iPhone na wala sa ibang mga klase ng telepono sa panahon ngayon, partikular sa mga smartphone. At teka, ibig bang sabihin nito – na hindi puwede sa mga tulad naming mangmang o bobo ang mga ‘smartphone?’

Malamang, oo kung bibira ka sa mga tropa mo ang ganitong kaklase ng joke. (Tangina, corny mo!) At lalo na siguro kung sasabihin mo na ‘pag smartphone ba, bawal sa Globe? Pati sa Verizon, TMobile, Sun, Addict Mobile, TM at kung anu-ano pang network?

Sige na nga, pucha, balik na tayo sa medyo seryosong usapan.

Dahil nga maraming desperadong bibili ng iPhone6, malamang, marami naman dyan ang uutang, at isasangla ang mga luma nilang telepono. Mas masaklap, marmai ring kakapit sa patalim (ay, ewan ko na lang kung magawa ninyo yun).

At kapag may bago kang iPhone, sikat ka. Diyos ka. Ikaw na, ika nga ni Boy Abunda. Nakapagpapataas ito ng social status ng isang tao. Oo, kahit ikaw pa ay isang informal settler na dinaig mo pa ang mga middle class dahil may cable at aircon ka pa sa bahay, basta may iPhone ka, tangina lang pare, big time ka!

May bagong iPhone! Eh ano ngayon?!

Sinasabing astig ang specifications nito. iOs 8 ang operating system, A8 ang microprocessor at may maarming maavail mula 16Gb hanggang 128GB.

Ahhh. Yun lang. Talaga lang ha? Kumpara nga natin siya sa ibang astig din na telepono gaya ng Samsung Galaxy Q4, LG G3 at iba pa.

bgr.com

Ito pa: ikumpara natin siya sa Nexus. Aba, parang throwback Thursday lang ang peg ah.



Isa pa. Ayos ang frame nito. Gawa sa aluminium. (eh ano pa bang bago?)

May bagong iPhone. Eh ano ngayon? Yung presyo niya lang naman ay tumataginginting na nobenta mil. Ok, para sa mga hindi makaintidi, ninety thousand pesos lang naman. O ito, mas madali = P 90,000.
Ayos, ‘di ba? Nobenta mil para sa isang telepono? Mabuti sana kung marunong makuntento ang tao.

Ngunit sa panahon ngayon na ang mga modernong bagay ay nagiging sandigan ng pagiging “cool” ng isang tao, malamang, everything has a price. Wala ka nga lang kapangyarihan ni Ted Debiase na may karapatang magsabing “name your price.”

Tapos, pag sa sumunod na taon, may bagong ilalabas na iPhone, yung iba na nagwaldas nang bonggang-bongga para sa iPhone7, partikular yung mga taong gahaman sa pagkakaroon ng mga gadget, ay magmumukhang tanga at magrarant na naman sa Facebook ng “punyeta. May bago na namang iPhone! Nagmukhang luma na naman itong iPhone 6 + kahit 90K ang kanyang price!”

Kaya yung iba ay siyempre mag-aasam na naman muli na bumuli ng panibago apra masabing “in” sila.
Well, wala sanang masama dun. Yun nga lang kasi. Kung maruno kang makuntento sa mga bagay-bagay, mas magiging masaya pa ang buhay mo sa halip na idinidikta mo ang sarili mong kasiyahan sa mga bagay-bagay na kaya namang nakawin sa iyo ng tao.

Isipin mo ‘to: bumili ka ng ganyang telepono sa ganyang halaga, tapos nung sumunod na araw ay ninakaw lang sa iyo yan ng snatcher o holdaper, e para ka ring nagwaldas ng halaga ng buhay mo. Malamang, ang hirap kitain ng 90K pesos no.

Saka isa pa: kung wala ka naman talagang K na magkaiPhone, matuto ka munang mag-iPon. In short, wag kang sumunod sa uso. Hindi lahat babagay sa iyo.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!