Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

08 September 2014

Next Destination?

9/7/2014 8:04:17 PM

Ito ang tanong: saan na pupunta si Paul Lee ngayon? Oo, saan na siya kakampi?

Matapos kasi ang season na ito ay nagpahayag na ang star guard ng Rain or Shine Elasto Painters, isa sa mga pinakatanyag na koponan sa Philippine Basketball Association nitong nakaraang season, na gusto na niyang mangibang team. As in magdedmand siya ng trade.

Hmmm, mukhang isang mainit na pangalan 'to ngayong off-season ah. Halos kalebel niya ang pagdraft ni Manny Pacquiao sa kanyang sarili sa katatapos lang na PBA Rookie Draft.

Saan kaya siya mapupunta? Pustahan, karamihan sa mga PBA fans ang magsasabing Ginebra. Bakit kanyo? Dahil majority sa mga fan population ng PBA ngayon ay nasa Ginebra. Kung may kalapit na poryento o hati o ranggo sa kanila, yan ay ang GrandSlam-winner na San Mig Super Coffee Mixers. Pero duda ako na posible siya dun mapunta.

Ito ang senaryo: paano kung hindi mag-resign ng kontrata si Lee sa Rain or Shine o sa kahit saan pang team sa PBA ngayon? Aba, 12 na ang miyembro ng PBA ngayon, wala pa siya dun mapusuan ni isa man lang?

Posibe raw sa China siya maglaro.

Ha? Bakit?

Dahil sa surname niya?

Anak ng pating na dahilan na yan oh.

Inaalukan kasi siya ayon sa mga bali-balita. May isang koponan sa Chinese Basketball Association na nag-aalok sa kanyang serbisyo roon.

Hmm, interesanteng development. Mula Tondo, papuntang UE, hanggang Rain or Shine... ano ang next destination?

Hayaan na lang natin siguro sila mag-usap ni coach Yeng Guiao, tutal sa puntong ito, pansamantala ay tapos ang kanyang partisipasyon sa FIBA World Cup; bagamat ay maghahanda pa sila para sa darating na Asian Games.

At ayon sa Rivals magazine, mananatili si Paul Lee sa koponan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!