Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

12 September 2014

No Blatche = No Gilas in Asiad?

09/11/14 03:21:54 PM

Wait. Dahil lang kay Andray Blatche, hindi na sasali sa Asian Games ang Gilas Pilipinas?

Ayos ah. Seryoso?!

Ayon yan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, ang grupo na nagpasimuno sa pagtaguyod sa ating national basketball team. Yan ay kung hindi nagwork-out ang kanilang apela sa Olympic Committe of Asia (OCA), ang organizer ng 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Pero ito ang problema: rules are definitely rules. Kahit sabihin pa natin na hindi sila nagpa-govern sa FIBA this time. Dahul kahit mataas ang saklaw ng International Basketball Fedetarion, eh hindi naman sila ang tahasang nag-oorganisa ng Asian Games sa ngayon, kundi ang OCA. Bakit? Dahil hindi lang naman basketball ang sport na kalahok sa Asia. Isa lang yan, o katiting sa mga sporting events na idadaos dun simula Setyembre 19.

At sa tingin ko, ito ang sakit nating mga Pilipino (well, kung generalization lang naman ang usapan, ha?) Masyado tayong umaapela. Masyado tayong mahihilig tumawad (samantalang hindi naman ito ukay-ukay).

May misunderstanding daw kasi sa rules. Yun na nga eh. Kaso, ano naman magagawa ng FIBA? Maliban sa patawan ng kung anumang parusa yan (ngunit duda ako sa aksyon na yun)?

Duda ako sa anggulong fair competiton dito. Dahil sa totoo lang din, hindi lang si Blatche ang disqualified sa torneo ng Asiad ngayon. Si Quincy Davis din, yung American player ng Chinese Taipei. Nagpanatualziednga siya, pero hindi pa rin umabot sa opisyal na listahan ng Taiwan sa Asiad. Ano ang dahilan? Eligibility issues din. In fact, mas masaklap ang sa kanya, dahil ilang buwan na lang siya short pa ma-meet ang three-year requirement.

No Blatche means No Gilas sa Asiad? Teka, parang mas outstanding pa nga laglaro ang RP nung sa panahon na nasa bench lang siya eh.

At come to think na nanalo minsan ang Pilipinas, at partida, disqualified na nun si Blatche dahil sa foul trouble.

At kung tutuusin, parang hindi nga typical na big man ang laro niya. Ibang-iba sa tipikal na istilo natin, na kung saan ang karamihan ng mga sentro at forward ay pumpoposte, loob man o labas. Siya? Parang point guard. Akala mo si Magic Johnson (at ang isa pang exemption sa rule na ito ay si Charles Barkley).

Ano 'to? Dahil galing NBA siya kaya naiiba ang istilo ng paglalaro niya kung ikukumpara sa atin?

Oo nga, pero tama na nga muna ang pagtatalo.

Sa kabilang banda kasi, hindi makakaila ang kontribusyon niya sa hardcourt. Tingin mo magiging ganito ka-close ang mga resulta ng Pilipinas kung hindi rin dahil sa kanya? Isa rin siya sa mga manlaalro na tila nagbuhat sa team sa kanyang mga balikat. At hindi rin biro yun.

Sa madaling sabi, sa ayaw man o sa gusto ang opinyon mo, hindi makakaila ang ambag niya.

Siguro, ito na lang: kung kaya pang iapela ang kaso niya, eh di go, pero ok kunng huwag na lang din.

Bakit kanyo? Uulitin ko, ang alintuntunin ay alintuntunin. Malabo ba? Sige, Inglisin natin: rules are rules. Parang Latinong kasabihan na “dura lex, sed lex.” Ibig sabihin, ang batas ay marahas, pero yan ay batas.

Oo, masasabing marahas ito sa parte natin dahil sa hindi nga siya mapapabulang sa maglalaro sa Asiad para sa Gilas Pilipinas. At ganun din ang kinasadlakan ng Chinese Taipei para kay Davis.

Pero yan ang rules nila. Yan ang batas. Wala tayong magagwa kundi sundin 'yan.

Ang pullout? Maaring magandang move. Pero duda ako eh. Para na rin natin kasing sinabi na bahag ang buntot, este, puso natin. Lumaban tayo kahit fouled out siya, at nanalo tayo, kahit isang panalo lang yun.

At kung kekwestiyunin pa ang pagkakaiba ng rules noon sa ngayon, malamang, mahaba-habang usapan pa yan.

Wala na eh. Andyan na eh, kahit kastiguhin pa natin ang argumento at alintuntunin na yan, mananatili pa rin yan. Either magpakita tayo ng Gilas sa Asiad, gaya ng pakikkidigma natin sa World Cup? O aatras na lang sa laban dahil sa kasamahan nating hindi kwalipikado.

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!