Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

23 September 2014

Pambansang Photobomb?!

9/21/2014 7:06:22 PM

Photo credits: EDWIN BACASMAS, Inquirer

Ang photobomb ay ang isang tao o bagay na nakakasira o agaw ng atensyon mula sa subject ng litrat mismo. Sa terminolohiya ng mga taga-akedemiya, isa itong “distracting element.” Pero dahil nga nasa modernong panahon tayo kung saan ang selfie ay tumutukoy sa isang self-portrait na litrato, ang photobomb naman ay counterpart ng distracting element na ito.

Ito nga lang: ang isang ginagawang condominium sa Rizal Park ay nabansagang “pambansang photobomb” dahil sa nakatirik ang naturang ‘distracting element’ na ito sa pambansang parke ng Pilipinas — ang Luneta o ang tinatawag na “Rizal Park.”

Malamang, dahil kung magpapakuha ka ng litrato sa bantayog ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, ay isa nga naman malaking istorbo ang gusaling ito. Hindi na kailangan pang i-feature sa section ng FHM na “Who the Hell Are You?” dahil nagiging laman na ito ng mga balita. Actually, ilang buwan na ang nakalipas.

Oo, naalala ko ito. Noong 2012 pa nga yata naging mainit ang balitang ito dahil sa adbokasiya ni Carlos Celdran, isang tourist guide at kung hindi ako nagkakamali ay isa ring tourism czar sa naturang lungsod.

Una, hindi ito nagkaroon ng permit na itayo sa naturang lugar. Pero noong nagkataon ay pinahintulutan ito ng lungsod ng Maynila. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ito napagbigyan?

Maraming trabaho ang ibibigay nito. Posibleng maganda sa negosyo at ekonomiya ng Pilipinas yun. Sabagay, sa larangan naman ng business, ang alinmang nakapagbibigay ng pera, kahit minsan ay sa alanganin at pangit na pamamaraan ay maganda na sa mata nila.

Pero ito ang problema, ang heritage view ng Rizal Park ay talaga namang nasira. Parang hindi napapahalagahan ang mga itinuturuing na mahahalagang lugar na may kinalaman sa ating kultura. At sino bang meron maliban sa mga tao sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Historical Institute (NHI), at mga grupo na ang adhikain sa buhay ay pahalagahan ang mga lugar na nagpapaalala sa atn ng ating kasaysayan at kultura?

May batas ba na naglalayon na ipagbawal ang pagpapatayo ng mga alinmang estbalisyamentong nakaiistorbo sa mga tinuturing na sagradong lugar ng bansa (at hindi simbahan, mosque, templo o basta ang relihiyosong aspeto ang tinutukoy ko ha?). Kasi kung mayroon, e di dapat noon pa man ay hindi na binigyan ng permit na itayo ito.

Kung seryoso ang parehong gobyerno ng lungsod ng Maynila at ang pambansang pamahalaan para maipanatili ang gandang itsura ng Rizal Park ay dapat gayahin nila ang ibang bansa kung paano nila pinanatili ang kaaya-ayang tignang mga national park. Saan sa mga gaya ng Washington, at Beijing ka nakakita ng mga malaphotobomb na bahay o establisyamento? Wala ‘di ba?

Sabagay, ultimo nga mga maliliit na parke dito sa Pilipinas ay ginagawang tirahan (as in bahay) ng mga tao, particular na yung mga kapus-palad sa buhay. As in yung mga tinuturing nilang mga informal settler (of course, ang pinakapangunahing argumento dito ay wala naming may gusto na tumira sila dun; at wala sanang masama dun).

Minsan nga, ginagawa pa ngang “tirahan” ito ng mga magsyota. As in parausan . pagsapit ng dilim. Daig poa nila ang mga kawatang nagtatago sa dilim para makapambiktima at manamang sa kapwa.

Ang isyu ng pagiging pamasang photobomb ng Torre De Manila ay repleksyon lamang kung paano nating pinahahalagahan ang ating mga parke, at particular, ang ating kutura, o sagisag ng ating bansa, ang mga bagay na nagsisilbing alaala natin.

Sa simpleng pagba-vandal nga lang ng mga pader ay naglalarawan kung gaano tayo kabalaura bilang isang sibilisasyon sa panahon ngayon. Oy, wag kayong magalit, dahil para tayong mga hipokrtiong pinipilit itago ang mga kagaguhan natin sa buhay. Para tayong mga tipikal na tsinoy sa panahon ngayon, ayon yan sa isang librong binasa ko ukol sa kanilang lahi na namuhay sa ating bansa. Mga walang pakialam sa mga pangyayayri sa ating bansa. Mga wala bang pagpapahalaga.

Daig pa nga tayo ng mga mestisong tsinoy na ilustradong gaya ng ating pambansang bayani na si Rizal, dahil kahit hindi siya full-blooded na Pinoy ay nagging makabayan siya. Samantalang tayong mga indo saka panahunan nila ay… wala! At kung tutuusin, walang kinalaman ditto ang estado ng buhay natin.

Nakakaawa nga lang. ang mga negosyante, kahit sa pangit na pamamaraan ay gagawa ng paraan para kumita lang at wala silang pakialam sa aesthetic values ng isang heritage site gaya ng Rizal Park.

Nakadidismaya nga lang talaga.

Author: slicknaster | ©2014 september twenty-eight productions

1 comment:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!