Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

05 September 2014

Panalo!

09/05/14 03:14:57 PM

Photo credits: AFP/Inquirer Sports

Sa wakas, after 36 years, panalo ulit ang Pilipinas!

Talaga?

Wohoo!

Eh ano ngayon!

Hoy, 'wag ka ngang basag-trip!

Kagabi, nanalo ang Gilas Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang apat na dekada. Oo, kulang pa nga ang sinabi ng mga announcer na matapos ang 36 taon, dahil noong 1974, sa pamumuno ni Francis Arnaiz, Robert Jaworski, at William 'Bogs' Adornado, nakamit ng Pilipinas ang ika-13 pwesto (sa 14 na koponan na kalahok) matapos mag-uwi ng dalawng panlo sa kanilang partisipasyon sa World Basketball Championships.

Aba, pucha, dalawang panalo lang yung '74 eh. Dapat ba tayo maging proud? Ayan na naman tayo eh. Masaydo tayong mapagmataas. Kala n'yo ba basta-basta lang nila ibinuga ang dapat nilang ibuga?

Alam ko: kinapos tayo nang tatlo beses sa unang apat nating laro sa FIBA World Cup. Muntikan na, ika nga. Una, mula Croatia. Pangalawa, mula sa Argentina, at pangatlo, against Puerto Rico.

At sa mundo ngayon na kahit sino na lang ay instant sports analyst ay magsasabi: na sa unang laban pa lang ay kupal na ng referee dahil sa hindi pagtawag ng foul sa player na katapat ng tumira ng three-pointer na si Jayson Castro.

At sa nakalipas na dalawang laro, lagi silang nabibiktima ng second half collapse. Yung tipong lamang ka na sa halftime pero pagdating sa dulo, kinakapos sa opensa, o sumasablay sa depensa, kaya ayan, olats pa rin.

Oo, nagko-collapse sila pagdating sa huling dalawang quarters.

Eh how about sa larong ito vs. Senegal? Much better vesion nga lang ng laro nila vs. Croatia. Nalamangan sila, nakahabol sa gitna ng laro, naagaw ang kalamangan bago mag-halftime pa nga eh, at... dahil sa naghahabol din ang kalaban, malamang, nag-overtime.

Mukhang saklap pa nga dahil naheadbutt si Ranidel De Ocampo, injured si Marc Pingris, at fouled out pa sa extra session si Blatche.

Tapos, ayan na. Pumutok si Jimmy Alapag. Wag ka, foul-counted pa ang isa. Hindi na bago ang mga serye ng 3-point bomb ni Mighy Mouse. Dun pa nga lang sa PBA eh parang kadistansya niya si Gilbert Arenas kung tumikada eh.

Pero shit. Nakakakhanga naman yun. At least, hindi umaasa kay Andre Blatche, na kahit madalas ay high-point man para sa Gilas ay laging binabato ng pagiging feeling Kevin Durant niya sa mga play. Ayos lang naman sana yun, kaso bilang isang naturalized player at baguhan sa koponan, aba'y matuto ka rin naman magtiwala sa mga kakampi mo.

At ang mga madalang ginamit, bakit ngayon lang nagpakita ng gilas? Bakit hindi noong mga naunang laro? Well, wala na rin tayo magagawa. Tapos na. Saka isa pa, parte ng game plan nila yan. Hindi madali maging manlalaro o maging coach, ano?

At kahit sa mundo na lahat ay instant sports critic, hindi yan tatalab kay Jayson Castro. “Unless your opinion is important, we don't give a shit.”

Ayos. Angas.

Isang panalo lang tayo?

Eh ano pa gusto mo? Alaws? Wag kang umasa na dahil di porket second-finisher tayo sa FIBA last year ay kaya nating makakuha ng ganung kataas sa World Championships. Asa.

Ang mahalaga, nagawa nila ang kanilang makakaya para maitaguyod ang Pilipinas (Pinoy pride) at ibalik sa mapa ng mundo ng basketball ang Pilipinas. Hindi pa ba sapat yun? Masyado kasi tayong perfectionista eh.

Malay mo, mangyayari din yang pangarap mo (at kung tutuusin, pangarap rin nila at natin). Darating din tayo dyan. Sa ngayon, suporta ang isang malaking salamat sa Gilas Pilipinas!

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

2 comments:

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!