At last, peace na sila. Sino? Yung
dalawang nagkabanggan nang dahil sa isang biro. Isang biro na naging
ugat ng kontrobersiya na nagdulot sa pagbasang sa kanya bilang
persona non grata,
Tama, sila Ramon Bautista at Davao City
Mayor Rodrigo Duterte.
Sino ang naghudyat nito? Si Gang Badoy,
ang founder ng Rock Ed Philippines. Ibinalita nya sa kanyang Facebook
account ang mga nangyari.
Sinabi rin ng matandang alkalde na
hindi absolute ang resoluyon ng City council ukol rito.
Pero kontra naman ang anak niya.
Naku, eh paano ito?
Basta, para sa akin, sila ang mga tunay
na lalake. Bakit kanyo? Ano o anu-ano ang ipinakita ng mga ito?
Una, sa hanay ni Ramon Bautista, natuto
siyang magpakumbaba. Umamin sa kanyang pagkakamali. Hindi madali para
sa isang tipikal na tao ang ginawa niya lalo na't natural na sa atin,
partikular sa mga lalake (na laging namumuhay sa ideya ng machismo),
ang pagiging ma-pride.
At sa side naman ni Rodrigo Duterte,
natutuong magpatawad sa kabila ng katigasan ng loob. Inacknowlegde
niya si Bautista at ang kanyang effort. Patunay lamang na kahit ang
pinakamaangas na tao ay emosyonal din.
Yan ang respeto. Yan ang mga tunay na
lalake.
Teka, may bago na namang isyu, at sangkot na naman si Mayor? Nah. Sa ibang post na nating pag-usapan yan.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!