9/7/2014
5:49:48 PM
Maiba
naman. Buti na lang, sa panahon na ipapaskil ko ay Biyernes. Buti na lang,
Sabado bukas, ika nga ng kanta nila. (dahil actually sa panahong sinusulat ko,
ang araw kahapon ay Sabado.)
Sabado, isa
sa dalawang bagong kanta nila. Yung isa ay pinamagatang 1995.
Oo,
nagreunion nga ang isa sa mga paborito mong banda noong dekada ’90. Ang magkakatropang
Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro at Raimund Marasigan, o sa madaling
sabi, ang Eraserheads.
Hindi lang ito
reunion tour na naganap noong 2008 at 2009 ha? Nagsasma-sama muli sila para
tumugtog sa isang event ng Esquire Magazine nitong nakaraang Seytembre a-4
lamang.
“Buti na
lang, Sabado bukas.” Parang isang mensahe na hindi lang sa pagtakas mula sa
isang nakakastress na linggo sa trabaho.
Pero sa
malalimang perspektibo, parang literal na pagtakas sa realidad na dala ng
kahapon ang kantang ito. Oo, pwedeng lumabas, humanap ng gagawin, at di na kailangan
pang mastress sa kakaisip.
Oo,
kalimutan ang lahat. Maging masaya sa kabila ng lahat. Kahit sa medyo pagkamellow
ng tunog na ito. Ayo slang. Astig nga eh.
Ngunit kung nmay downside man dito: yun ay ang katotohanan na iba na ang tunog ng Eraserheads pag tumugtog sila ngayon. Napansin ko lang, kala ko nga tunod ng mga OPM rock nung nakaraang dekada 'to eh.
Pero ganun talaga, nag-eevolve ang musika. As time goes by (naks, English!) magbabago talaga ang alinmang mga bagay-bagay sa p[aligid natin, mula sa panlasa sa musika hanggang sa pagagawa ng tunog.
Ngunit kung nmay downside man dito: yun ay ang katotohanan na iba na ang tunog ng Eraserheads pag tumugtog sila ngayon. Napansin ko lang, kala ko nga tunod ng mga OPM rock nung nakaraang dekada 'to eh.
Pero ganun talaga, nag-eevolve ang musika. As time goes by (naks, English!) magbabago talaga ang alinmang mga bagay-bagay sa p[aligid natin, mula sa panlasa sa musika hanggang sa pagagawa ng tunog.
Buti na
lang, Sabado bukas. Alam ko, yan ang nais mong sabihin. Aminin.
Kung gusto
niyo mapakinggan ang kanilang kanta, aba, huwag kang umasa sa YouTube lang.
Bumili ka ng kopya ng magasin nila at andun ang CD na naglalaman ng dalawang
kanta. Oo ang 1995 at Sabado.
P.S. Para sa kamangmangan, este, kaalaman ng mga taong nagmamaang-mnaangan kung sino ba ang mga ‘to (yan kasi napapala n’yo kung makamundong pop music lang alam n’yo eh), ang Eraserheads ay isa sa mga tanyag na OPM rock band na namayagpag sa panahong hindi pa nauuso ang YouTube at internet streaming sites. Oo, mula noong 1989 nga hanggang 2002. Ang music video nola na Ang Huling El Bimbo ay nanalo sa MTV Video Music Awards noon taong 1997.
Sila ang nagdala ng mga underground college rock sa madla, kasabay ang pag-usbong ng samu’t saring mga tema sa genre gaya ng Parokya Ni Edgar, Rivermaya at Yano.
Noong nakaraang mga buwan ay nagperform rin sila sa Dubai at London.
Ay, buti na
lang... Sabado bukas.
Author:
slickmaster | ©2014 sweptember twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!