Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

29 September 2014

Quit the "Blame Game!"

9/28/2014 12:53:45 PM

(Sa panahon na nailimbag ang artikulong ito ay nakatikim ng panalo ang Pilipinas sa kamay ng Kazahkstan, subalit sa kabila ng natamong tagumpay ay hindi aabante ang Pilipinas sa semifinals dahil sa isang komplikadong usapin ng quotient system. Kasunod nito, olats ang Gilas as China, at naisalba ang ika-pitong puwesto matapos talunin ang Mongolia.)

Alam ko. Hindi ito ang inaasahan nating mga Pilipino pagdating sa Asian Games considering na kahit papaano ay nakarating tayo sa FIBA World Cup.

Pero dahil sa mga nangyari sa nakaraang Asian Games, mukhang hindi tumugma sa inaasahan natin ang mga resulta sa mga kaganapan sa basketball. Isipin mo, isang beses lang tayo nanalo sa mga kalabang bansa: sa India.

Samantalang noong nakaraang taon ay halos lahat (maliban sa dalawang) laro ay napanalunan natin, samantalang mas mataas na antas ng laro ang FIBA Asia Championships kung ikukumpara sa Asian games.

Noong nakaraang Huwebes, natalo tayo sa kamay ng Iran, bagay na kung tutuusin ay hindi sana kataka-taka. Pero sa totoo lang, lamang tayo sa ilang nalalabing bahagi ng laro, pero naungusan tayo sa huli.

So, blame game na naman ba?

Noong Biyernes, olats ulit tayo, at sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kamay naman ng mga taga-Qatar. Bagay na nagtrigger ng mas higit na kontrobersiya sa mga nakalipas na kaganapan sa Philippine basketball: nagwalk-out si Marcus Douthit, at sa sobrang panggagalaiti ni Coach Chot Reyes ay tinawag niyang “quitter” ang kanyang naturalized player.

Bagay naman na nakapagbigay ng init ng ulo (ops, ulo sa taas, ha?) sa mga fans, na tila hindi na kinaya ang pagkairita sa national head coach.

Hindi raw napakapropesyonal na aksyon yun. Lalo na ang pagiging “disciplinary” action nito na ibangko siya sa laban noong nakaraang Sabado vs. Korea.

Pero, kailangan nga bang manisi?

Eh naolats pa tayo. Nagrally ang Korea at ayan nanalo sila. Hindi ito pagbabalik ng curse of Korea, kundi pagtutuloy. Dahil after 44 years ay olats pa rin ang RP vs. Korea pagdating sa Asian Games. Pero hindi historical facts ang usapan dito at bagkus ay ang gawi kung paano naattain ng Korea ang kumbinsidong resulta. Hindi lang homecourt advantage.

Rally na naman ang pagkapanalo ng kalaban. Anyare sa tinatawag nilang Pinoy Pride? Anyare sa pangako nilang mag-uuwi ng ginto ang Pilipinas sa Asian games? Oo, naalala kong binitawan din yan ng GP matapos ang kanilang performance sa World Cup.

Anyare?!

So... kailangan bang manisi ulit?

Kasalanan ba talaga ni Douthit ‘to? Kailangan ba niyang gawin ang mga istilo ng paglalaro na gaya sa mga import sa PBA (sila ang inaasahang magcontribute?) para maging okay sa kanya? Kaya ba ang pagkakawalk-out ni Douthit ay senyales ng kanyang pagkakawalang-gana sa paglalaro?

O baka naman sinasabing “wala na siyang ‘passion’ sa laro” dahil sa pinalitan siya ng pwesto ni Andray Blatche samantalanag ilang taon nang parte ng koponan si Douthit?

Sa kabilang banda, kahit punan pa ng kritisismo ang aksyon ni Chot Reyes, na sinasabing dapat raw ay palitan na siya ni Tim Cone (yung coach na nakagrandslam para sa San Mig Super Coffee Mixers sa PBA) biang head coach, ay hindi nadali ang trabahong ginagawa niya. Hindi madali mag-decide, lalo na kung nauwi ang lahat sa last resort na ilagay si Marcus Douthit sa lineup dahil sa eligibility at residency issues.

Yun nga lang kasi, bakit ganun ang mga play sa panahong nagpapakadesperado ang parehong koponan?  Nalamangan pa tuloy tayo.

Hindi kasi basta-basta yan, kahit magbato pa tayo ng ad hominem na tirada na “eh pucha, kayo na lang kaya mag-coach tutal ang dai niyong alam eh!” Hindi madali magexeute ng play lalo na kung sa metal na asepto ng basketball. Hindi lang kasi sa mga katawan ng tao at diskarte nakasalalay ang pagiging panalo ng isang coach. Dahil nabanggit ko ang diskarte, parang mind games din yan. Nakaisa ka sa kalaban mo, expect mo na mag-aadjust sila para makaganti at higit sa lahat ay ungusan ka.

Alam ko, kinokondena ko pa rin ang pagkabangko ni Douthit sa isang crucial game nila. Bagay na masasabi kong pumalpak si Reyes. Pero naiintindihan ko rin kung gaano ‘to kahirap sa parte niya.

Sana nga lang ay mas okay pa kung pinag-usapan na lamang ang mga bagay-bagay sa labas ng torneo sa halip na may mangyaring hindi kanais-nais sa kasagsagan nito. Saka patawan ng sanction pag natapos na ang lahat. Hindi magandaang kahihinatnan eh. Yan tuloy, natalo pa tayo.

Pero nangyari na eh. Hayaan mo na lang. Move on na.

Tama na ang sisihan.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. TBH, never ko po silang sinuportahan for some reasons. Masyadong mataas kasi ang expectation ng mga Pinoy sa kanila, kawalan ng cooperation ng ilang executives from our local basketball, init ng ulo ni coach, etc. Sa totoo lang, hindi lang naman basketball ang dapat nating pagtuunan ng pansin para sa mga kababayan nating todo-effort sa pagre-represent ng bansa natin eh. There are more athletes who are deserved to be celebrated eh. May mga athletes tayo na recently ay nakapag-uwi rin naman ng Bronze at Silver sa Asian Game recently. So the exact word for this ay: makuntento.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!