8/25/2014 3:28:10 PM
Sinasabing "safe" and "pleasant" raw sumakay sa LRT. Yan ay sa kabila ng
isang nakatatakot na insidente sa sa MRT Taft Station halos dalawang lingo na
ang nakalipas.
Oh, talaga lang ah?
Ayon yan kay Department of Transportation and Communications
secretary Jun Abaya. Sumakay siya minsan sa MRT at ayon sa kanya, safe raw ito.
Ligtas raw para sakyan.
At pleasant pa.
At pleasant pa.
Sabagay, human error kasi ang diagnosis sa isang insidente
na kung saan ay nasira ang tren sa Magallanes station tapos pinatulak sa isang
paparating na tren pero hindi umayon ang plano at sa halip ay napadausdos ito
papunta sa Taft Staion kung saan ay bumangga ito sa barricade at may sinalpok
na mga sasakyan. So, literal na nadiskaril din siya.
Pero… safe and pleasant pa rin daw siya. Ini-insist ba? Ewan.
Tangina, safe and pleasant pa ba ‘yun matapos ang insidente na nanakit ng
mahigit 30 buhay? Lokohan yata ‘to eh.
Subalit, totoo rin ang sinabi niyang “kailangan na ng MRT
ang upgrade.” Naku, harujusku, since time immemorial pa yata ang usapan ng pag-upgrade
nito. Naungusan na ng moernisasyon sa LRT 1, at kahit mas primitibo pa sa edad
ang LRT 2, aba’y di hamak na mas okay naman yung tren na 'yun, no.
Ultimong PNR nga pinabayaan eh. Kelan lang naibalik ang
Bicol Express (ay. nasuspinde nga pala muli yun, ano)? A may plano pa nga ba silang buhayin ang North Rail, ang
pinakamahabang linya ng tren nun kasama ang biyaheng Bicol? Nakakapanghinayag
lang kasi kung mapapansin mo na lamang na ang dating latagan ng riles sa mga
lalawigan sa Sentral at Norte ay nauuwi na lamang sa pagiging isang rough road
o eskinita na may mga bahayang kahilera.
Pero… safe and pleasant pa rin daw ang MRT. Since 2008 yata ay hindi na
naglevel up ang MRT. At matatandaang samu’t sariling aberya ang naganap sa mga
nakalipas na mga buwan, bagay na tiyak na ikinadismaya ng mga tao. Kaya nga
nauso ang #MRTBulok.
Pero… safe and pleasant pa rin daw ang MRT.
Ahoy, talaga lang ah? Teka, di ba minsan lang siya nakasakay
nun? Eh kung gawin niyang madalas? Oo, mayroon ngang panukala nun na dapat ang
mga opisyales ng pamahalaan, sa halip na sumakay sa mga pribado’t galante
nilang convoy ay dapat matuto silang sumakay sa mass transportation system na
kanilang itinatag ngaya ng MRT.
Oo, dapat ganun. Bakit? Dahil tayong mga mamayan ang boss
nila. Plain and fucking simple!
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight
productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!