Maliban sa Philipine Dragon boat team,
sa Gilas Pilipinas at sa mga matitibay na atleta sa nakalipas, ito
ang mas astig na dapat nating bigyan ng pansin: si Gab Moreno.
Ang 16 anyos na archer na galing sa
kanyang eskwelahan na De la Salle univeristy (no wonder why they were
called Archers sa UAAP in the first place), ay nakakuha ng gintong
medalya sa Nanjing Youth Olympic Games noong nakaraang linggo. Astig,
'di ba?
Sinasabing ito ang kauna-unahang
gintong medalya ng Pinas pagdating sa alinamng Olympic events, at
halos dalawang dekada, o mula pa noong 1994 Summer Olympic Games sa
Atlanta, USA noong nakuha ni Onyok Velasco ang pilak mula sa kanyang
laban sa boxing.
Isa rin si Onyok sa mga kamuntikan nang
nakakuha ng ginto sa alinmang paligsahan sa Olympics. Naalala ko lang
ang iba noong ako'y dumalo sa isang presentasyon noong Araw ng
Kasarinlan kung saan pinarangalan ang ilang atleta sa mga nakalipas
na dekada ukol sa tagumpay na kanilang tinatamasan nun sa
kani-kanilang mga karera sa sports.
Pero sa kabilang anggulo, sinsasabi na
technically, hindi nakaginto ang Pinas dahil sa mixed team event ito.
Ayon ito sa tropa ko na analista sa sports
So ibig sabihin, alaw pa ring gold ang
Pinas pagkatapos nito? Ganun?
Oo, ganun nga. Maaring tunog-teknikal
'to. Pero, alam mo: dapat matuwa pa rin tayo matapos ang lahat. Hindi
biro para sa isang atleta, sa kahit saang larangan ng laro at sa kung
saang bansa ka pa nakadestino, ang magkaroon ng medalya — lalo na
pag ginto ang usapan.
Ang tanong: suportado ba naman ng
goberyno si Moreno pagkatapos ng lahat na ito? Ewan ko lang kung may
hero’s welcome na idinaos.
Basta, tol, mabuhay ka! Magsisilbing
inspirasyon ang natamo ng atletng ito para sa iab pang mga nag-aasam
na magbigay ng karangalan para sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng
sports.
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!