Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 September 2014

Showtime!

9/17/2014 10:59:12 PM

So may bagong development. Nakapagbail na sila. Ibig sabihin, nakalaya.

Eh ano naman ngayon, balik na naman ang sirkulasyon ng pangbalitaan sa isang mala-taeng isyu gaya nito? Teka,  don’t try to tell me naging parte na naman ng mga “sa ulo ng mga nagbabagang balita” ang item na ito.

Eh ano pa nga ba ang aasahan mo?  Nasa bansa ka na palaging gutom at uhaw sa kontrobersiya. Alam ko, nakakatangina lang din talaga.

Ang apoy ng kontrobersiya, hangga’t may baga pa, talaga naming maglalagablab pa. Gaya nito: Nakalaya ang minanamata ng karamihan na ungas na si Cedric Lee, at kasama na riyan si Zimmer Raz at Deniece Cornejo, matapos mapagbigyan ng korte ang peitsyon na makapagpiyansa sila.

Naging maingay muli ang balitang ito halos siyam na buwan ang nakalilipas, o nung pumutok ang isyu na binugbog ng tropa ni Cornejo at Lee ang TV actor at host na si Vhong Navarro. At apat na buwan matapos silang makulong sa Taguig dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Navarro laban sa kanila.

Ano ang presyo? Tumataginting na kalahating milyon lang naman.... bawat isa. Eh tatlo sila, kaya 1.5 million pesos lang naman ang kanilang binayaran. Nauna nga lang narelease sila Zimmer at Cedirc samantalang si Deniece naman ay nitong naakaraang Huwebes lamang.

Kaya ang resulta, nagmamaktol na naman ang karamihan: palitan na raw ang tagahatol o judge. Sigurado kayo? Baka kinulang kasi sa pangbayad yan.

Taray, so patunay lang ba na may presyo ang hustisya? Ewan ko. Reality is, pera-pera lang naman ‘yan eh. Pero tangina, anong bago sa ganitong isyu?

Ah, pera-pera ba ang hustisya, kahit si DOJ secretary Leila De Lim eh hindi agree sa naturang hatol. Naku, yung bossing na sa kagawaran ng hustisya na ‘yan ha?

Obviously, nadismaya talaga ang kampo ni Vhong Navarro dito. Ala naman magpapansit pa sila sa tuwa. Pinagmumukhang tanga na naman ng media ang mga tao.

Ang twist pa kamo: nagbitaw ng salita (maliban sa paratang kay Vhong na “serial rapist daw siya) ang negosyante — “It’s Showtime!” Ayon ito sa news report na kuha mismo ng GMA News. (Ops, walang halong network war yan ha?)

Hayop. Panalong soundbyte. Tinalo mo pa ang voiceover ng ABS-CBN sa pagtalak ah.

Kung titignan naman ang mga spot reports mula sa inyong paboritong tabloid, este, primetime newscast, isang palabirong Cedric Lee nga ang umappear sa inyong mga screen. Tila may halong sarcasm yung gesture niya dun ah.

So nakalaya na sila. Eh ano naman ngayon? Conspiracy theory ba ‘to, na daig pa ang mga bunganga nila Michael Cole at JBL? Nah.

Kung isa kang palabiro mag-isip at hahaluan mo nang kung anu-anong kulay ang mga pangyayayri, gaya ng mga ginagawa ng mga primetime news cast sa inyo, parang nangangamoy revenge to sa parte ng tatlong akusado. Naku, good luck na lang sa inyo tagasubaybay niyan.

Oo, kayo lang. Dadamay niyo pa kami.

Subalit sa kabilang banda, malamang, hindi pa matatapos-tapos ang teleseryeng ito. Pustahan, baka magbabye na sa ere ang Be Carefiul With My Heart e di pa lutas ang sigalot sa pagitan ng tatlong mokong na 'to.

Ay, mali ba ako. The other way around ba? Hmmm... malamang sa malamang.

So, laya na sila. Ano na pagkatapos nito? Babalik na ba tayo sa panahon na matino-tinopa  ang ating lipunan, pamahalaan at media?

Mali. Nagsisimula pa lang.

It’s showtime!

Author: slickmaster | © 2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!