Okay na sana eh. Kaso... ang selfie,
ipagbabawal na?
Weh? Talaga?
Ayon yan sa isang panukalang batas sa
Kongreso.
Aba, seryoso?
Anak ng pating, oo nga!
Sino bang inutil ang nakaisip niyan?
Aba, itanong mo na lang sa mga paborito mong congressman. Wag lang sa
katoto nila sa katiwalian dahil tiyak na sasabihin lang nil ay “hindi
ko po alam.”
Anti-selfie bill? Aba, pasuo ampucha.
Okay sana eh. Tutal marami namang ogag,
ay... sorry, mga gago na mahihilig magselfie sa mga lugar,
partikular sa pampubulikong lugar at lalo na sa mga pook na hindi
pwedeng kuhaan ng litrato, (kung maalala ko dati, may batas nun na
nagbabawal kumuha ng picture sa mga istasyon ng LRT/MRT, bagamat
siyempre, dahil likas na pasaway tayong mg Pilipino, ay hindi
nasusunod ito at bagkus, nakakalusot pa as long as hindi pumipito
ang gwardya ng “foul” este, “Hoy! Putanginamo. Bawal yan!”)
Kaso marami pang panukala ang mas dapat
bigyang pansin. Bakit ang mga kababawan pang nauuso sa social media?
Saka isa pa: sa dinami-rami ng mga panukala at batas sa Pilipinas,
iilan lang sa mga ito ang naiimplementa? Ano 'to, patunay lamang kung
anong klaseng pulitika meron tayo sa Pilipinas?
Para na rin kasing sakit ito eh.
Dumarami. Nagiging isang epidemya. Sabagay, nakakaleche lang din
pansinin kasi. Kung hindi ka ba naman mabuburat kung mapapansin mo na
marami palang tao ang kumukuha ng litrato sa paligid mo at nadadamay
ka pa. Minsan nga, paglingon mo lang sa isang banda ay bigla na lang
magpa-flash ang camera nila at presto, nakunan ka pa. Worst kung
nakangiti ka nun. Paepal ang datingan.
Oo, sa madaling sabi, nagmumukha ka
pang photobomb at kung mamalas-malasin pa, mailalagay ka sa isang
column ng isang sikat na men's magazine kung saan tinatampok ang mga
ganito.
Oo nga naman kasi. Di ba, dapat may pagka-pribado pa rin ang pagseselfie na yan?
O baka naman pakana ng media ito, na nauwi sa matinding misinterpretation, kaya pinupuna nang husto ang panukalang ito? Ay ewan.
Okay sana eh. Kaso pustahan tayo: kung
mas maraming magagalit dyan, yun ay yung mga naristic na tao.
Butthurt sila? Ewan ko. Yan kasi napapala niyo pag nilulubos niyo ang
prebilehiyong mag-selfie. Mga abusado! At hindi excuse dito ang
argumentong “eh nasa henerasyon na tayo kung saan ay narcistic na
ang tao.”
Umayos nga kayo. Tsk!
Pero may kasabihan: “walang basagan
ng trip.” Ngunit, di kaya binabasag rin ang trip mo kung bigla kang
makukunan ng litrato (o sa mas kolokyal na termino, madadawit o
masasabit), ng tao (o kung maramihian, mga taong) nagseselfie?
Mas nakakahiya yata kung mas gwapo o
maganda pa yung nahagip (o sige na nga, yung photobomb), kesa sa mga
taong gumagawa mismo. Parang... ehem, ang inyong lingod.
Uulitin ko, okay na sana eh. Kaso
marami pang problema ang Pilipinas kesa sa punahin ang mga
nagseselfie.
Umayos nga kayo! Oo, pareho kayo!
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!