Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

04 September 2014

Tirada Ni SlickMaster: Ice Bucket Challenge

8/25/2014 1:33:18 PM

Anong meron sa mundo ngayon? Nagsisibasaan yata sila. Naghahagisan ng mga nakapanlalamig na yelo sa kanilang mga katawan. Mapa-artista man o atleta, o kahit yung mga nasa pulitika pa.

At in fairness, mas mukha pa ngang hot yung ilang chikas na nakisali sa trend na ito, ha?

"Ice Bucket Challenge" daw. Aba, panibagong pautot na naman ‘to?

Hindi ah. For charity daw ito.

Talaga?

Oo. Itanong mo na lang kay Dean Ambrose.

Ambrose (to Seth Rollins): "WHAT? It's for Charity?"

Kung tatanungin ang paborito mong best friend na Wikipedia (na laging pinupunan ang utak mo at nililigtas ka sa pagiging ignorante), ang ice bucket challenge, o ang ALS Ice Bucket Challenge, ay isang aktibidad na pagtatapon ng bucket ng ice water (parang ang awkward lang kapag sinabi kong “ice tubig”) sa ulunan niya.

Ito ay ginagawa lang naman nila para magraise ng awareness para sa sakit na amyotrophic lateral sclerosis. Ano ang amyotrophic lateral sclerosis? Isang sakit sautak, apektado ang motor neurons mo. Basta, i-Google mo na lang.

Naging viral ito sa social media matapos itong patulan at pausuhin ng ilang personalidad sa samu’t saring larangan sa Estados Unidos. At lumalawak na ang implunwensya nito hanggang sa ibang bansa at kahit sa Pilipinas.

Sa hamong ito, kukunan ng video ang taong tatapunan ng ice bucket tapos hahamunin ang tatlo pang tao na kilala niya. At may 24 oras ang mga ito para sumagot. Kung hindi? Aba’y magbibigay lang naman sila ng donasyon. (As in pera yan ha?)

Okay sana ang ganitong panukala. Walang masama, lalo na’t summer sa Amerika, kaya naman saktong panabla sa naglalagablab na init ang Ice Bucket Challenge.

Pero pag sa Pilipinas ang usapan, alam ko, may mga araw na mainit talaga? Pagkatapos ng pagpatol nyo d’yan, ano na lamang ang mangyayari? Sisiupunin dhil sa lamig na dala ng tubig at ng yelo? Magkakatrangkaso? (Yan ay kung hindi ka marunong mag-alaga sa sarili mong katawan.) O maging isa ka na namang famehwore sa social media, gaya ng nagmiddle finger sa live airing ng PBB Big Night?

O dahil pagtatapon lang ng ice bucket ang alam mo? Tama yung Ang Poet N’yo eh. Hamon kayo ng hamon, hindi naman kayo nagdodonate.

Eat Bulaga Facebook page
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

1 comment:

  1. RULES
    Within 24 hours of being challenged, participants have to record a video of themselves in continuous footage. First, they are to announce their acceptance of the challenge followed by pouring ice into a bucket of water. Then, the bucket is to be lifted and poured over the participant's head. Then the participant can call out a challenge to other people.

    Whether people choose to donate, perform the challenge, or do both varies. In one version of the challenge, the participant is expected to donate $10 if they have poured the ice water over their head or donate $100 if they have not. In another version, dumping the ice water over the participant's head is done in lieu of any donation, which has led to some criticisms of the challenge being a form of "slacktivism". Individual videos have included the participant saying that they will be making a donation along with performing the challenge.

    source: wikipedia

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!