Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 September 2014

Tirada Ni Slick Master: MRT Challenge

9/7/2014 8:07:51 PM

Maraming tumatawag sa kanila. Maraming naghahamon. Sumabay lamang sa usong Ice Bucket Challenge.

Ano ito?  MRT Challenge lang naman.

Oo, sa ngalan ng pakikisama o pakikiramay o pag-alam sa tunay an estado ng mass transportation system, sumakay sa agos ang ilang kilalang pulitiko para sakyan ang bumibiyaheng tren, partikular na ang MRT Line 3, na binabagtas ang kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (o sa madaling sabi ay EDSA) mula North Avenue hanggang Taft Avenue.

Sa serye ng mga di kanais-nais na pangyayari, kabilang na ang pagkalagapak ng MRT lagpas sa South terminal point nito sa Pasay city? Oo naman, nang sa ganun ay malaman nila kung ano isa sa mga tipikal na kalbaryo ni Juan dela Cruz sa araw-araw na lumilipas.

Isipin mo, sa ilang istasyon ay mula kalahati hanggang isang oras kang nakapila sa inspection. Tapos syempre, crowded pa ang platform sa itaas (o sa ibaba, in case na mala-subway ang peg ng MRT station), so malamang may pila na naman yan. Tapos puno pa ang tren na sasakyan mo. Kaya good luck nga naman sa ‘yo ‘di ba? Kung hindi ka banaman malate sa trabaho mo, kung hindi ka papasukin sa opisina ng inaaplyan mo dahil sa nalate ka sa takdang oras ng interview n'yo? Kung hindi ka naman sampalin ng jowa mo dahil nalate kayo sa date n'yo? (Ha? Date sa rush hour? Ayos ah!), at kung anu-ano pang kunsumisyon.

Pero sumakay nga sila. Kaso ito problema: dahil prominenteng pigura sila, malamang sinusundan din sila ng media. Maiiwasan ba nila ito? Sana. Kasi kahit sa kalinis-linisan man ang intensyon nila na makasakay, mukhang hindi maganda ang magiging kalalabasan. 

Buti pa ang mga artista nun na gaya nila Kris Aquino at Anne Curtis na sila na lang mismo ang nagbalita gamit ang kani-kanilang mga social networking account.

Ngunit sa kabila man ng pagpapansin ng media sa kanila, dapat nga ba nilang sakyan ito? Sa ngalan ng pakikialam talaga sa mga mamamayan, oo. Wag na lang siguro nilang pansinin ang mga akusaysyon ng “pucha, pakitang tao.”

Saka isa pa: mas okay siguro kung gagawin nila 'to ng rush hour. At least, dun mo talaga makikita ang talaga namang pangyayari. Alam nila kung anu-ano na lamang ang himutok ng mga 'to mula sa katsismisan sa kanto hanggang sa social media.

Pero siyempre, mas okay kung ang mangyayari ay walang pa-pogi sa camera at hayaan na ang mga ordinaryong mananakay rin ang makapansin. Saka isa pa: mas okay siguro kung hindi sila sa unahan nakasakay (dahil alam ko na doon yung parte ng mga VIP — para sa mga buntis at may kapansanan, at mga babae rin . Try nila sa likod, o sa gitna tutal 3-coach naman ang nilalaman ng isang MRT train eh.

Kung gusto nila ma-assess kung ano ang problema ng MRT, na obvious naman ay inuulan ng sandamukal na suliranin at batikos mula sa passenger capacity ng mga tren nito hanggang sa sistema ng linya sa mga istayon hanggang sa iba pang mga bagay mna may kinalaman sa maintenance o teknikalidad, aba, gawin na nila habang may panahon no. Dahil hindi lang kawawa ang mga laspag na riles, bagon, at sistema nito, dahil mas kawawa lalo yung mga mamamayan na sumasakay rito.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!