Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

27 September 2014

"Wake Me Up When September Ends" Mo Mukha Mo

9/7/2014 1:03:57 PM

Alam ko, pamagat lamang ito ng “Wake me up when September Ends,” isang melodramang rock na kanta ng Green Day. Kung alam mo ang istorya nito, ayon sa bokalista nilang si Billy Joel Armstrong, September 1, 1982 namatay ang kanyang amang si Andy Armstrong sa sakit na cancer.

At pitong anyos lamang siya nun (kaya nga may line na ‘seven years has gone so fast’ dun. ‘di ba?). At sa panahong isinulat niya ito, noong 2002, ay dalawang dekada na mula noong nangyari ‘yun (para sa kaalaman mo ukol sa linyang ‘twenty years has gone so fast’).

Sinsasabing magiging parte sana ito ng compilation album na Sheenigans, pero sa halip na naipasama na lamang sa album na American Idiot na nirelease naman nila noong taong 2005.

Kaya nga naman may matinding sentimyento ang kantang ito sa mata ng magsing-irog at ng mga anti-Iraqi noon. Naging tribute pa para sa mga biktima ng Hurricane Katrina.

Sa madaling sabi, napakatindi ng sentimental factor.

Ngayon, ano ang konekyon ng kantang ito sa atin sa panahon ngayon?

Dami kasing nagdadrama pagpasok ng September eh.

Ano, gusto nila mag-October na kagad? Bastusan ba nang bwakanangina!

Wake me up when September Ends. Ano ka, wannabe version ni Aurora, ang sleeping Beauty o ng Pokemon na si Snorlax?

Wake me up when September ends. Ang drama naman masaydo ng buhay mo, ano? Ako ngang nagbirthday nung kasagsagan ng Bagyong Milenyo at ultimo ni Ondoy eh hindi naging nuknukan ng sobrang bitter (yung sakto, ayos lang. pero of course, lahat ng sobra ay talaga naming nakasasama, o minsan, nakamamatay).

Wake me up when September ends. Siguro bagsak ka nung midterms no at gusto mo na magdrop out sa klase?

Wake me up when September ends. Bakit, dahil yan ba ang buwan na sinagot mo ang loko-loko mong ex?

Wake me up when September ends. O wannebe emotera ka lang talaga? O nakikiuso ka lang sa mga nagpopost niyan noong Ausgust 31 at September 1?

Unless dinanas mo na ang pinakamasakit na karanasan sa buhay mo (ops, hindi counted ang first time na makipag-sex dito ha o ultimo yung paghugas ng ari mo pagkatapos kang tuliin?), ano ang karapatan mong magdrama ukol sa buwan ng September?

Oo. Tigilan mo nga yang drama mo. Yan ang napapala mo kapapakinig ng mga madadramang kanta eh.

Sources:

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

11 comments:

  1. Hahaha natawa naman ako pero tama ka. Mayron pa "(insert month) please be good to me".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa pa yun. Juice colored. Parang minsan, ang sarap barahin ng "Inaano ka ba ni (insert month here)?" Kala mo binully nang isang buong buwan ang dating eh.

      Delete
  2. Even Billy Joe got fed up with all the tweets telling him to wake up because September had ended. He tweeted back, "I'm awake already!" - Fred

    ReplyDelete
  3. LOL! mga tao ngaun sobrang EMO na.. buong buhay ikwekwento lahat sa fb

    ReplyDelete
  4. Hahaha..tama! may mga taong nakikiuso lang sa ka-emohan ng kanta, para may mai-post lang sa wall nila..Tsk tsk.

    ReplyDelete
  5. Huwag mo na lang pansinin...they're nothing but just copy and paste Pinoys.

    ReplyDelete
  6. Hahaha another funny entry! :)) Ang daming ganyan sa feed ko nung pasimula pa lang ang September, karamihan dahil sa stress sa trabaho ("hell month" daw kasi ang September).

    ReplyDelete
  7. yun pala ung history behind it. Lagi kasing may nagsstatus niyan every year pag simula ng september, walang minitis. siguradong may kahit isa akong kaibigan na magpopost ng kadramahan na yan.

    ReplyDelete
  8. Natawa naman ako sa post na ito. Akala ko ako lang ang may blog na Tagalo na walang kwenta ahaha biro lang. Astig na post and relate ako dyan!

    ReplyDelete
  9. Hahaha! True! Dami kong nakitang ganyang comment sa news feed ko nung nag umpisa ang September. Ngayong October na, ano naman kaya?

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!