10/09/2014 11:50:58 AM
Sorry sa mga fans ng dalawang kilalang
squad, ha? Alam ko, nagkaroon kayo ng panahon na kayo ang nasa itaas
ng mundo ng UAAP basketball. Ngunit sa puntong ito, maiba naman ang
ihip ng hangin.
Ito lang yata ang pinakakakaibang UAAP
finals na nasaksihan ng inyong lingkod. Walang Ateneo o ni La Salle
sa Finals. Sa madaling sabi, walang pamilyar na koponan, o mas
pamilyar na rivialry ang naging dominante sa duluhang bahagi ng
season na ito.
Sa madaling sabi, kakaiba, mas astig.
Walang labanan ng mga konyo at konya. Pero yun nga lang, sana pumatok
pa rin ang ratings nito sa ABS-CBN Sports channel nila. Dahil ito
lang ang problema: kadalasan sa mga eskwelahan sa UAAP ay nasa hanay
ng mga upper middle class, kung hindi man literal na elitsta.
Oo nga no? Magiging less commercialized
ba ang UAAP Finals ngayon dahil walang ADMU o DLSU sa ngayon? Sa
panahon na over-commercialized ang coverage ng UAAP (as in kada
replay sequence na lang may sponsor na product, na mas nagmumukha pa
silang telemarketer kesa sa pagiging sportscaster (alam ko, business
din nila kumita eh. Kaso overrated na ang datingan eh).
Nasilat kasi sila ng kani-kanilang mga
kalaban noong semi-finals. Isang malaking upset yun noong Miyerkules.
Close fight pareho. Ang pinagkaiba lang, dumaan sa literal na butas
ng karayom ang NU matapos silatin ang Ateneo, para makapasok sa
finals sa unang pagkakataon noong 1970. At partida, twice-to-beat
advantage ang mga Agila.
Sobrang kakaiba lang. Ang FEU, matapos
manalo ng kameponato noong 2005 ay tinalo ang mga Green Archer sa
ikalawang final four contest nito. Kamuntikan pa silang maechapwera
kung hindi lang sa twice-to-beat advantage nila. At dahil nadethrone
na ang defending champion, wala na sa Taft o sa Katipunan ang
mag-aangkin ng kampeonato.
Asan na ang posibleng titlist nito?
Andun sa kalye ng Jhocson. Kung hindi dun, e di sa Morayta. Sa
madaling sabi, naging isang instant Battle of Sampaloc ang naging
UAAP finals. Kakaiba lang dahil limang taon lamang ang nakalipas ay
nagmistulang Battle of Sampaloc (or much better term, battle in
U-Belt) ang naganap sa NCAA finals nun na kinatampukan ng eventual
runner-up na San Beda Red Lions (na nakadestino sa Mendiola) at ang
naging kampeon nun na San Sebastian Golden Stags (na located sa
kabilang intersection lang naman — sa Azcarraga; ay 'di niyo alam
yun? Eh di C. M. Recto Ave.).
Pero unlike SBC at SSC-R, ang FEU ang
mas lalamado sa kasaysayan. At sa lineup rin dahil may import sila.
Samantalang ang NU naman ang mas uhaw sa tropeo. Dahil nung 1954 pa
sila huling beses na nagkampeon. At noong 1970 naman ay na-short sila
para mapanalo muli ito.
Bago nito, sila ang isa sa mga koponan
na palagiang “whipping dog” sa UAAP until nabili ng SM ang
eskwelahan nitong nakalipas na mga taon, na nagtulak na irebuild ang
kanilang basketball program (wag ka: may escalator sa entrance nila)
at kung anu-ano pa. Kaya nga naging winner din sila sa cheerdance
competition, 'di ba?
Ang tanong nga lang: dahil game 3 na sa Miyerkules (o sa panahon na nilimbag ko ito, BUKAS), dala ng FEU win noong game 1 at ng NU naman nitong nakaraang
Game 2, sino ang mas gutom: ang mga tamaraw ba o ang mga bulldog?
Isa pang tanong: pag ang FEU ang
mag-uuwi ng UAAP championship sa men's basketball, may street party
at bonfire kaya sa Nicanor Reyes St., o magpapaliga ba na iseset sa
R. Papa Gym?
O baka mag-sale ang SM kung manalo ang
NU this time around?
Hmmm... pareho silang gutom. Pareho silang uhaw. Pero ang MAS may puso at mas matindi ang diskarte ang tuluyang magdidikta rito. Abangan!
Dahul yan ang mas exciting na laban. Pustahan, ito ang tunay na blockbuster match of the year ito para sa PH college basketball. Oo, hindi yung magkaraibal na.. teka, sinu-sino nga ba yun?
Dahul yan ang mas exciting na laban. Pustahan, ito ang tunay na blockbuster match of the year ito para sa PH college basketball. Oo, hindi yung magkaraibal na.. teka, sinu-sino nga ba yun?
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!