Matapos ang samu't saring serye ng mga
pangyayari sa ating bayan, mula sa pagkalugmok natin sa basketball at
baha, hanggang sa paghahahanap ng gintong medalya sa Asian games,
hanggang sa audio (ops, hindi) sex scandal ni Daniel Padilla,
hanggang sa kuwestiyunableng gusali sa Makati ni dating mayor at
ngayon'y bise-presidente Jejomar Binay, may libreng internet na raw
sa Pilipinas.
Ows, di nga?
Aba, daig pa yata nito ang panawagang
“ipa-Wi Fi ang buong Pilipinas,” ah.
Ayon kasi ito sa isang “malaking
anunsiyo” ng isang telecomuuniactions company noong nakaraang
Biyernes. Aniya ni Smart chairman Manuel V. Pangilinan, libre na
maavail ng mga subscriber ng network nila sa loob ng dalawang buwan
ang free internet service.
Ang naturang free plan ay mula noong
a-26 ng Setyembre hanggang ika-30 ng Nobyember, taong kasalukuyan. At
hanggang 30 MB lamang ang maari mong ma-avail.
Dahil sa “big announement” na ito
ay sumagot naman ang karibal na Globe. Aniya, wine-welcome nila ang
naturang ideya gaya ng pagaalok ng naturang telco ng libreng Facebook
sa kanilang mga tagatangkilik.
At... inextend pala nila ang libreng FB, by the way.
At... inextend pala nila ang libreng FB, by the way.
Ah, ganun? So, limited lamang pala
siya. 30MB lang eh.
Aba, demanding ka pa? Pasalamat ka pa
nga at kahit papaano ay makakagamit ka ng libreng serbisyo ng
internet ng alinman sa mga network na pinapatronize mo.Dahil kahit
makipagargumento pa tayo na “bakit ngayon lang?” ay ito lamang
ang problema: alam ko, napapag-iwanan na tayo pagdating sa bilis ng
internet. Ayon na rin yan sa mga ulat at sa kabila pa ng katotohanan
na 20 taon nang may internet sa Pilipinas. (Ironically nga lang, ay
sa Cebu ito unang nagamit at hindi sa Maynila.)
Teka, libre nga ba o baka naman kainin
nito ang load ko? Ito nga lang ang pambasang dillema ng tao pagdating
sa mobile internet. Dahil as much as may mga plan o promo man tayo na
tinatangkilik ay mayroon pa ring mga hindi kanais-nais na mga
pangyayari na nababawasan ang load mo. At ano ang pangunahing
rebuttal nila pagdating dito? Hindi yung pagtatanong ng impormasyon
ukol sa iyo ang tinutukoy ko ha?
“Ay, sir. Sumobra na kasi kayo sa
limitasyon ng internet service na inavail niyo.” O maari ring “Sir,
may nabrowse kasi akyong mga site na hindi na sakop ng inyong plan.”
Pambihira. Ganun? Eh paano kung sa Facebook pa rin naman ang brinowse
mo samantalang Surf all day sa Facebook ang peg ng plan mo nun?
Anak ng pating naman oh. Alam ko na
ganyan dahil minsan rin ako gumamit ng mga internet plan nila,
partikular, noong estudyante pa ako niyan noong 2010.
Ito nga lang siguro ang magiging numero
unong pasakit ng mga subscriber nila. Kung hindi mabagal, makakain
ang load nila.
Pero tama na siguro ang reklamo kung
bakit may libreng internet ang Smart, at patuloy pa rin ang Free FB
ang Globe. Ano mas gusto mo? Meron sila parehong inaalok na serbisyo
o wala? Mahirap na, kung mareklamo ka, baka pagkamalan ka pang black
op, bagay na hinding-hindi magugustuhan ng sinuman sa totoo lang.
Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!