Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

21 October 2014

Chivalry Your Face

10/20/2014 9:58:02 PM

Sa panahon ngayon, na nag-iiba ang orientasyon at ang pangkalahatang pangtingin sa sekswaliad ng tao, ito ang nakapagtataka: akala ko ba gusto ng mga tao ng gender equality, gaya ng mga lalakeng sumasabit sa pambasaherong jeep.

Ano ang ibig kong sabihin? Ang litratong ito, na pinaskil ng Top Gear Philippines, at orihinal na kuha ni Marvin Sy (ayon sa naturang photo credits galing sa naturang magasin). Makikita na dalawang estudyanteng babae ang sumabay sa jeep pero hindi nakaupo. Kundi nakasabit sila, gaya ng tipikal na set-up sa atin na karaniwang ginagawa ng mga lalake.

Photo credits: Marvin Sy, TOP GEAR PHILIPPINES Facebook Page

Oh, gender equality ba kamo? Eh bakit kayo umaangal ng pagiging gentleman? Bakit kayo umaangal ng “is chivalry dead?”

Ang labo yata ng pinaglalaban ninyo ha?
Gender equality. Since time immemorial na nagiging usapin ito. Dala ng pagbabago ng panahon at winawaksi ang tinatawag na diskriminasyon ukol sa sekswalidad, partikular sa mga babae.

Ito ang problema: gender equality nga ang gusto, pero bakit may mga batas na tumatalakay lamang sa mga inaabusong babae? Paano ang mga naabusong lalake? Porket umiiral ba ang machismo? Porket likas na malaki ang katawan ng mga kalalakihan? Hoy, excuse me, hindi kaya lahat.

Pero may mali nga ba sa litratong ito? O hindi lang talaga tayo sanay sa mga nakikita natin? Na para bang kapag dalawang babae ang naghalikan nang lips-to-lips ay tinatawag na itong “g-to-g” at bagkus ay tanggap naman ng lipunan, samantalanag pag lalake ang gumawa—as in Mala-Brokeback Mountain ang peg, ayan ang mapagputakteng puna ng pagiging homosexual o bakla.

Ganun din sa isyu ng pangangaliwa. Kapag lalake ay okay lang. Pero kapag babae ang gumawa, kung anu-anong immoral na wika ang lumalabas as mga bunganga natin.

May mali ba sa litratong ito? Kung ako ang tatanungin, wala. At okay lang kung hindi ka sang-ayon. Una sa lahat, maari mang sabihin na ang litrato ay naglalarawan ng mala-nobelang kwento (a picture paints a thousand words daw eh), ay hindi garantiya na sasapat bilang husgahan ang naturang pangyayari. Hindi sasapat bilang ebidensya.

Oo, lalo na kung isang panig lang ng kuwento ang alam mo. Minsan, parang mga sira na lang din ang mga nakuha at kinakalat ng mga netizen dahil basta mabenta kahit bias ang kwento, sige patol lang.

Madaling husgahan na "walang kuwenta" ang mga lalakeng pasahero ng naturang jeepney dahil sa hindi nila pinagbigyan na makaupo ang mga babae.

E kaso, paano kung nag-insist ang mga lola mo na sumabit at tinanggihan ang alok ng ilang lalake na kunin ang upuan nila, may magagawa ba ang pagtatatalak mong “wala namang gentleman sa jeep na ‘yan!”?

"Porket babae ba, bawal na sumabit?"

Saka hindi sa lahat ng oras ay maginoo ang isang lalake. Natural, tao pa rin yan. Hindi yan superhero, o mga gaya nila LeBron James, Manny Pacquiao, Brock Lesnar, Anderson Silva (bakit ito ang nasabi kong halimbawa? Eh sino ba ang mga pinakadominanterng nilalang pagdating sa lakas?) o kung anu-ano pang naiimagine mo na kakayanin nilang magtiis para sa babae.

Eh paano pala kung puyat siya, tapos sobrang pagod sa trabaho, inaatok tapos pasasabitin mo sa jeep? Putangina, nag-iisip ka ba? Eh kung hindi nakayanan ng mokong, bumigay ang katawan, nabitawan ang kinakapitan sabay nahulog sa kalsada at kung mamalas-malasin pa ay baka masagasaan pa?

Alin ang mahalaga? Ang pagiging “kabalyero” niya o ang kanyang kalusugan? Isip-isip din pag may time.

Ay, oo nga pala, sorry. Wala pala kayong time kaya hindi nakapagtataka na nagkukumento kayo kahit pamagat lang pala ang nababasa niyo, ano?

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

2 comments:

  1. may point ka and I respect that. =)

    ReplyDelete
  2. Kung ayaw nilang sumabit, wag silang sumakay kung alam nilang puno ang jeep. Puwede naman silang maglakad o mag-taxi. May utak din naman sila, diba.

    ReplyDelete

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!