Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

13 October 2014

Mapagsamantala

10/12/2014 10:44:11 PM

Masyado na yatang baliw ang mundo, ano? Basta kahit saan, naglipana ang mga mapagsamantala. Akala mo sa mga pampubliko lang mambibiktima, yun pala nasa sarili mong bakuran mismo ay harap-harapan kang titirahin. Pag hindi nga makluha ang gusto nila mas dadaanin pa sa dahas eh.

Parang itong nangyari sa Caloocan: isang batang nagbebenta lamang ng pandesal, aba’y hinoldap pa!


Mukhang nakakamangha ba?

Alam ko, nakakangitngit nga naman ng galit, gaya ng ibang nagreact sa isyung ito, base na rin sa artikulong nilabas ng The DailyPedia noong nakaraang linggo.

Sa kabutihang palad, maraming naantig at tumulong sa kanya. Aba'y dapat lang rin naman, ano.

Oo nga naman kasi: itong bata ito, na nagtitinda ng tinapay, na naghahanapbuhay para sa sarili niya’t sa pamilya niya, tapos nanakawan mo lang?

Oo, kahit sabihin pa antin na ibinigay niya yun, pero sapilitan eh. Parang ninakaw mo pa rin yun. Ninakaw mo ang pinahirapan niyang kita para sa araw na yun. Ninakaw mo rin sa kanya ang pinakamasayang panahon sa kanyang buong pagkatao: ang pagiging bata.

Sa isang nakaw na sandali, isang matinding hinagpis ang kanyang kapalit.

Ano ‘to? Ganito na ba kabaliw ang iilan? Ganito na ba sila kadesperado? Na para bang kahit sino na lang, walang pakialam ke anumang kasarian, katayuan sa buhay at edad, ay lalamangan na lamang nang ganun-ganun lang?

Ika nga ng kasabihan, “desperate times calls for desperate measures,” at kung sa utak ng isang mapagsamantala ang usapin, ganyan nga ang mangyayari. Lalo na’t kung gutom, walang trabaho at kung anu-ano pang suliranin ang dinaranas pa niya sa buhay. Dahil kailangan mong mabuhay, kahit kumapit sa patalim na lang ang natitira mong option para makasurvive. At d’yan rin tatatak ang anggulonmg “lahat tayo ay biktima ng pagkakataon, at ng bulok na sistema ng buhay.”

Pero still, hindi ito sapat na dahilan para manlamang ka. Dahil mahabang panahon (oo, para sa edad niya) rin ang binuwis niya para kumita ng pera, para makatulong sa pamilya.

Isipin mo rin na pare-pareho lang kayong nagkukumahog maghanap buhay, kahit child labor pa ang datingan (kung tutuusin nga, buti nga yung batang yun eh. Natutong maghanap-buhay sa ganung kamurang edad kesa sa ‘yo na matanda na nga, nganga ang alam na gawin, tapos reklamador pa), para makaraos sa pang araw-araw na buhay.

Siguro, patunay lamang ito na isang malaking gubat ang sibilisasyong ginagalawan natin. “Survival of the fittest, “ika nga. Kung hindi ka lalaban, hindi ka mabubuhay. At kung lalaban ka man, by all means na. Hindi uso ang fair and square, kahit actually patapon na ang buhay ng mga mokong na ‘yun.

At isa pang masalimuot na katotohanan: pag may gusto siyang makuhang isang bagay, pangsarili man o para sa kanyang pamilya, panandaliang ligaya man o permanente, hahanap aty hanbap siya ng paraan, kahit minsan, mali na at maling-mali na talaga.

At dahul mali, well, sana lang magbayad ang mga tusong yun. Pucha, kawawa naman tong bata. SInira mo na ang araw niya, sinira mo na ang hanapbuhay, sinira mo pa lalo ang kinabukasan niya—at lalo na ang isang pinakamahalagang parte ng kanyang buhay: ang kanyang perspektibo. Malamang , trauma eh. Ang kanyang masayang pagkabata bunalot mo ng takot, at kahti sabihin natin na makakamove on ito, still may mapait pa ring alaala sa kanya. Alam ko: normal man yun, pero ito ang ganung kagrabeng o alinmang akto pananamantala.

Tsk, masyado na nga yatang baliw ang mundo.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!