Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

09 October 2014

Patatas!

10/09/2014 09:16:20 AM

Ang kultura ngayon ay parang isang patatas. At ano ang patatas na tinutukoy ko, maliban sa isang gulay na minsan ay ginagawang sahog sa ilang mga putahe't paborito nating ulam?

Hindi ko alam. Pasenysa na, nakiuso ang din ako tutal national, este, worldwide throwback day ang Thursday, ang araw kung saan sinulat ko ang post na ito.

Pero kung likas na reklamador kayo, gaya ng mga inutil na wagas makapagkumento sa Facebook kahit hindi naman binasa ang isang babasahin, itanong niyo na lang kay Princess Sarah. Baka sakaling malimutan niyo ang stress niyo sa buhay.

Teka, bakit sa kanya? Hindi ba't isang cartoon series lamang siya noong dekada '80? Oo, at aminin mo, lalo na kung isa kang batang 90s, na napapanood mo siya nun sa channel 2.

Kung maniniwala sa mga artikulo na nakikita niyo sa paggu-Google niyo, ang pinamagatang “Sarah, ang Munting Prinsesa,” ay isang serye ng cartoons (kung hindi nga ako nagkakamali, posible pang counted ito na isang Anime dahil sa Nippon Animation at Aniplex ang mga nagproduce nito noong taong 1985) na base sa nobelang “A Little Princess” ni Francis Hiodgson Bunnett na nilimbag naman noong 1905. Naging pelikula rin ito noong 1995 sa direkyon ni Alfonso Cuaron.

Kung tama ang pagkakaalala ko ay tuwing lunes hanggang Biyernes ng hapon ito pinapalabas sa ABS-CBN.

At sa sobrang patok nito ay ginawan ito ng pelikula na ginampanan ni Camille Pratts (oo, naging child actress siya para sa inyong mga inosenteng musmos dyan), at noong bandang kalagitnaan naman ng 2000s, ay ginawa naman itong teleserye na tinampukan naman ni Sharlene San Pedro. Kung hindi ako nagkakamli, ang papel ni Miss Minchi ay ginampanan nun ni Sheryl Cruz.

Samantalang sa pelikulang bersyon nito noong taong 1995 din, si Angelica Panganiban ang gumanap bilang si becky at si Jean Garcia naman ang Ms. Minchin. Dinirek ito ni Romy Suzara (oo, yung taong diretcor din ng Sunday TV Mass sa Dos).

Pero, bakit nga ba, “patatas?” Deregatory term ba ito para sa mga hindi makagets? Sa mga sobrang slow? Sa mga taong panay kababawan ng mainstream na lang ang alam sa buhay?

Actually, hindi. Kasi madalas sa kuwentong ito ay patatas ang kinakain ng mga tao. Sa mge eksena sa kusina, patatas ang laging bida. Ganun din pag namamalengke ang bida.

O ngayon? Alam mo na kung bakit patatas?

Masyado na bang baliw ang mundo? O masyado ka lang seryoso? Try mo kayang tumawa paminsan-minsan.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!