Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

15 October 2014

Pusa Lang Yan?!

10/12/2014 11:16:17 AM

Kahit pito ang alaga naming aso sa bahay, hindi ko ikakaila sa sairili ko: isa akong cat lover.

At para dun isang isyu na kinasasangkutan ni Yeng Constantino at ng kanyang alagang pusa? Oo, tahsaan kong kinokondena ang mga mokong at lokang nagsasabi na “pusa lang yan.”

Photo credits: When In Manila

Mga tarantado, alam niyo ba yang mga pinagsasabi niyo?

Pero teka muna: paano nga ba naging mainit ang kuwentong ito?

Ayon sa isang artikulo ng When In Manila, nagpost ang singer na si Constantino, kasalukuyang nasa California para sa tour ng kanyang programa, sa kanyang Facebook page: “4AM palang dito sa L.A., two hours palang din ang tulog ko. Siguro kasi nasobrahan sa tulog nung nasa eroplano or dahil nasa ospital ang pusa ko. Long day pa naman mamaya. Please pray for Julia, my cat, nasa vet na sya na-confine sya eh. Bukas daw baka okay na siya.” At siyempre, may kasamang selfie pa yan.

Sa post na ‘yan pinutakte ng karamihan sa mga netizen ang sinabi ng naturang mang-aawit.
“Huwag kang mag-alala. Pusa lang yan.”

Kung hindi tumaas ang kilay mo, wala akong pakialam; dahil ako, OO. Pusa lang yan? Pucha, alam mo ba’ng pinagsasabi mo?

Ipapadoktor mo ang pusa? Sabagay, hindi mo nga alam ang madarama ng isang pet lover na tulad niya kung hindi mo mismo maranasan ito? Sabagay, ano nga bang pakialam natin kung makita naitng iika-ika ang aso o pusang naglalakad sa paligid niyo, maliban sa sabihin “awww, kawawa naman siya.” (O baka mas malala nga: wala ka pang kyeme na sasabihin.”)

Hindi kasi uso sa ating kamalayan ang salitang “beterinaryo,” na isang termino nun apra sa mga alagang aso. Mas lalo naging absent sa sibilisasyong ito nung tuluyang nawala sa himpapawid nun ang palabas na Oki Doki Doc. Kaya ayan, nabobobo na ang karamihan. Epekto ba ng teleserye ito? Ewan (tanginang dahilan yan).

Alam ko: mararami talagang pusang-gala, pero para ilahat ang pusa dahil lang sa katarantaduhan ng isa ay pawing kagaguhan lamang. Mabuti sana kung isinumpa na ng mundo ang pusa at hinanay sa mga ranggo ng mga gaya ng ahas bilang isang delikadong hayop. At maliban dyan, isang simpleng ilohikal na argument ang idamay ang anggulong ito.

Ano, pusa lang yan?!

So ano ibig sabihin nito? Senyales ba ito na sensationalized na rin ang ating utak? Hindi ito national item ha, dahil isang community website ang naglimbag ng naturang artikulo. At kung may magsasabing balita ito, malamang, dahil sa social media.

Pusa lang yan?!

Maangas na kung sa maangas ano? Pero hindi porket (ayon na rin sa mga “paniniwala” ng mga naktatanda na) may siyam na buhay ay pusa ay iwawaldas na nila ‘yan.

Kung totoo nga lang ito, sasabihin ko nga sanang “mabuti pa nga ang pusa eh, may nine lives; samantalang tayong mga tao, iisa nga ang buhay, pero nagiging cheap pa ang price.” Oo, cheap nga: tignan mo na nga lang paano lapastanganin ng isa ang kapwa niya, kung paano na lang pumatay ng tao ay parang nangangatay lang ng kambing o baboy.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!