Reader Advisory

Some articles posted in The SlickMaster's Files may contain themes, languages, and content which may neither appropriate nor appealing to certain readers. READER DISCRETION is advised.

01 October 2014

Rampa Dito, Rampa Doon

9/28/2014 1:50:16 PM

Dalawang gabi ng rampahan, nangyari sa loob lamang ng isang linggo. Ano ang pagkakapareho nila? May mga kontrobersyal na eksena lang naman.

Simulan natin sa pagkabagsak nito ni James Reid sa Cosmo Bachelor Bash.

Nakakatawa man pansinin, pero… nah, lilipas din yan. Sabagay, kung ang mga common falw ng mga babae pagdating sa pagrarampa (ke fashion stage man ito o isang patimpalak ng kagandahan) ay ang palagiang pagkakatapilok sa stage, ang mga lalake naman ay… nahuhulog.

Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? Hilig mong magreverse, ano ka, basketball player na sumasalaksak para sa isang lay-up? O baka naman tinatry magmoonwalk kahit alam naman nating lahat na deds pa since 2009 si Michael Jackson.

Wala sa mga nabanggit eh. Pero, ugh, parang ang labo lang.

Sige, dahil la kwents naman yatang pagtuunan ng pansin yun, dito naman tayo sa isang malaking event na binalot ng parehong cheer at jeer mula sa mga nanunood na madla: ang the Naked Truth ng Bench.

Umani sila ng papuri dahil sa ilang piling modelo na matagumpay sa kanilang pagrampa sa runway.
Ito nga lang ang mga naging puna ayon sa mga hanay ng nakasaksi at sa mga MEMA (may masabi lang) o mga bandwagon rider.

Yung pagme-make out nila Richard Gutierrez at Sarah Labati. Aba, standing love scene ang peg ah. Nakarolyo ang kamera samantalang kinikilig ang ilan (oy, ngayon lang kayo nakakita ng naglalampungan?), pero makeout scene sa isang live na fashion event? Aba’y dinaig mo pa ang mga pagpopropose ng marriage kung sa pataasan ng antas ng pagpi-PDA at paggiging attention seeker ah.

Baka naman “maiba lang.” Kasi the “naked truth” nga naman, ‘di ba? Kung sa larangan ng fashion ang usapan, lalo na kung sa kategorya ng underwear hindi ito malaswa sa tingin nila.

Pero dahil mas nakakasura pang tignan ang mga magkasintahan o mag-asawang nagmemake out nang harap-harapan, baka gusto niyong kumukha ng cubicle, o itago niyo na lang yan sa compartment ng sasakya. Yun, mas mainit ang datingan.

Oo, get a room for love damn sakes!

Ito, ang human pet na tahasan nang kinontra ng marami. Bakit? May animal bang naharm sa segment na ito, na hindi alinsunod sa alinmang batas na may kinalaman sa Animal Welfare? Wala naman yata ‘di ba?

Discriminatory daw kasi. Oo nga naman: Tao, pakikilusin mo na parang hayop? Particular, na parang asong nakatali? Ditto pumapasok ang mala-censorship na pananaw ng tao. Buti naman may nagkakasundo pagdating sa ilang sobrang ‘creative’ na fashion. Yun nga lang, kapag sobrang creative ka kasi, nabe-break mo ang rules, which is normal sana. Kaso kung sobra-sobra (as in sobra pa kesa sa sobra) naman na, parang… meh. Hindi na okay sa alright yan, ‘oy.

At ang pagiging kontrobersyal, minsan ay nagiging epekto ng pagiging creative mo. Alam ko, ang puno’t dulo ng mga kapuna-punang mga kaganapan ay ang samu’t saring bagay na dala ng pagiging malikhain.

Kaya nga naman minsan, ay batas sa fashion ay, break the rules; go against the flow. Kaya nga naman  ang mga pananamit na kaweirduhan sa mata natin, ay dala ng pageeksperimento ng tao. Maaring masabing walang basagan ng trip sa puntong yun….

… as long as magmumukha ka pa ring tao, at hindi gaya ng alaga ni Coco.


Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

No comments:

Post a Comment

Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!