Isang malaking piyesa sa kasaysayan ng
college basketball ang pagsunkit muli ng kameponato ng National
University Bulldogs sa UAAP noong nakaraang Miyerkules. Isang
historic na underdog victory, ika nga (kahit ang bulldog ay
pang-siga) dahil matapos maolats sa Game 1, ay binawian nila ang
kalabang Far Easter University Tamaraws sa Games 2 at 3.
Isang rally sa third quarter ang
nagkita ng panalo para sa mga taga-Jhocson, 75-59, para kunin ang
kanilang ikalawang titulo sa UAAP sa kasaysayan ng pagsali nito.
Pareho silang mga orihinal na miyembro ng naturang liga mula noong
naitatag ito noong 1930s.
Bakit nga historic ba ito para sa mata
ng parehong koponan, at pati na rin sa mga nagmamasid sa sports tulad
ng inyong lingkod? Tignan nga natin ang pagkakaiba.
Aninnapung taon at dalawamput anim na
araw ang nakalipas, o simplehan na lang natin: noong Seytember 19,
1954, ay nasungkit ng National U ang kanilang kauna-unanhang titulo
sa tanyag na college basketball. Ito ay ginanap sa Rizal Memorial
Coliseum.
Interestingly, FEU din ang kalaban
nila, at ang finals score nun: 41 para sa NU, 36 para sa FEU. Ayon
ito sa mga mga talaan ng Manila Bulletin, GMA News, Yahoo, Philippine
Star at Rappler.
Ayon naman sa isa sa mga manlalaro ng
NU na si Nestor Salpida, iba ang lebel ng suporta at training na
binibigay ng mga pamunuan ng eskwelahan nun sa kanilang atleta. Sa
kaso ng NU nun, sa Ilolilo at Manila Hotel ang nagiging lugar ng
kanilang training at pahingaan, kung ikukumpara mo naman yan sa
ngayon na minsan ay nagtatravel pa sa ibang bansa para lang
makapagtraining. Minsan nga, wala pang isang daang piso ang
allowance, tapos kulang pa sa inuming softdrinks.
As in malaking investement talaga. Pero
kunsabagay, malaking investment rin naman maituturing ang panahon
noon considering na iba ang lifestyle at ang economical value ng piso
noon.
Ano pa nga ba ang pagkakaiba? Iba ang
pamantayan sa paglalaro ng basketball noon. Noong early 1950s nga
lang naimbento ang shotclock eh. Baka dito, ewan ko lang kung
nagagamit na yun. At kung nagagamit man, malalamng iba pa ang timer.
Wala ring three-point shot. Dahil ang
American Basjetball Association lamang noong 1970s ang nagpauso nito.
So isipin mo, lahat ng tira mo, kahit half-court heave pa ay two
points lang ang dadgdag bilang. (Example: Jerry West noong 1972 NBA
Finals.)
Ang venue: dahil wala pang big dome,
ang tanging puntahan lamang ng basketball nun ay ang mga gaya ng
Rizal Memorial Coliseum, sa may tabi ito ng Rizzal Memorial Stadium
mismo (yung tracka nd field), ang pangunahing sports facility sa
Pilipinas na naitatag noon pang 1934. At kelan lang umusbong ang
Araneta Coliseum? 1960.
Kahit siyam na libong katao man yang
nanood nun sa RMC, kung ikukumpara mo sa tipikal na UAAP game na
umaabot ng 15-20 mil katao, ay isa nang sold-out crowd maituturing.
Dahil ba ito sa laki ng venue? Maaari. Dahil ba ito sa populasyon ng
Pilipinas noon? Maaari din.
Pero anu-ano pa nga ba pagkakaiba nila?
Torunament format. Ang set-up ng UAAP basketball wars dati ay may
round-rpbin din; pero kung sino ang manalo sa unang round, haharapin
nito ang koponang nanalo sa ikalawang round para sa kampeonato. Pero
kung iisang team lang ang nnanatiling nasa itaas ng standing sa
parehong first at second elimination round ay automatic na panalo ng
UAAP championship, regardless kung nasweep ba ito o hindi. Pero sa
palipas ng panahin, at may mga sumaling eswelahan, nagbago ang
kani-kanilang mga standard sa laro.
Ngayon, o simula noong na-adopt ang
Final Four format noong 1994, tiyak na panigiuradong may championship
round.
Pero napag-iwanan ba talaga ang NU
noon? Matapos ang serye ng pagkatalo sa Finals noong 1948, 1952, at
1953, maaring sabihin. Lalo na nung 1970 kung saan natalo sila sa
then-6-peat champs na UE (sila ang may hawak ng pinakamahabang
championship streak sa UAAP).
Simula noong nagibserba ako ng mga laro
sa ligang ito noong 2005, isa lang masasabi ko sa UE nun, whipping
boys. In fact, pag dumaan ka sa eskwelahan nila sa Sampaloc Manila,
mahahalata mong luma at hindi kilala.
Pero nagbago yan mula noong nabili ng
SM group ang pamantasan. Napansin ko ang pag-evolve ng kanilang
gusali. Wag ka, may escalator sila sa main entrance. (Paano ko
nalaman ito? Dahul nung nagti-thesis kami ay isa ang mga estudyante
ng NU sa aming mga respondents). Naging maganda. Isang malaking
turnaround.
Sa totoo lang, hindi ko na regular na
nasusubaybayan ang UAAP games mula noong nagkolehiyo ako. Pero kahit
papaano ay nakikibalita lamang. Mula noon, napansin na muli ang NU,
lalo na noong kinuha nila si Bobby Ray Parks, Jr. anak ng dating PBA
Best Import awardee. Bagamt hindi nagtagumpay ang experimento nun kay
Park, hindi makakaila na naitaas nito ang antas sa pagtingin sa UAAP.
Hindi na sila whipping boys. At manakin
mo, kahit literal na underdog sila, kaya nilang manalo. Oo, fourth
seeded sila, remember?
Author:
slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!