9/21/2014 5:20:47 PM
(Sa panahon na isinusulat ko ito ay
kasalukuyang nagaganap ang Manila International Book Fair, ang pinakamalaking
pagtitipon-tipon ng mga mahihilig sa libro sa SMX Convention Center sa Pasay
City. Kaso kahit may libre akong access pass ay hindi natuloy ang inyong
lingkod dala ng mga pangyayaring dala ng bagyong Mario)
Sa panahon ngayon, hindi na makakaila ang
mga tulad nila. Dinaig pa nga yata nilaang Precious Hearts Romances sa paggagwa
ng mga libro.
Kung gusto mo maging sikat, hindi mo
kailangang umakot na para bang tanga sa mga palabas. Ang kailangan mo lang ay
malawakang bokabularyo, malawak na imahinasyon, at kompuyter. Oo, love story
ang tinutukoy ko, at ang Wattpad ang pinakavenue ng lahat.
Oo, dapat love story dahil ito ang tipong
nakakapagpabata sa sinumang matatanda. Siyempre, mas mabenta ang usaping
pag-ibig, kaya nga palaging patok ang teleserye sa panlasa niyo ‘di ba? (oo,
wag mo nga lang akong idamay dahil graduate na ako sa mga ganyan klaseng tema).
Kaya nga naman nagkakaroon ng
milyun-milyong hits ang mga post ukol sa mga ganitong klaseng kwento, ‘di ba?
Daig pa niya ang mga nobela na naglalarawan ng temang pulitikal at kasaysayan,
mga textbook, at iba pang mga sanaysay.
Dahil nga yan ay nagagawan pa sila ng
libro. Kung mas malala pa ang usapan, nagiging teleserye at peikula pa. Bagay
na ibabalato ko na lang sa mga tao kung nagandahan ba sila sa adaption nito o
mas prefer pa nila ang orihinal.
Walang masama dun. Dahil ang pagsusulat
naman ay isa sa mga pangunahing karapatan at kalayaan ng bawat tao. Malamang,
kung marunong kang magsulat, isa kang ganap na tao. Mas lalo na kung magaling
ka mag-kwento, dahil aminin man natin o hindi, hindi lahat ng mga magagaling writer
ay ganun din ang lebel ng pagiging storyteller.
Isa itong kapangyarihan, lalo na sa panahon
ng Internet, sa pamamagitan ng social media at mga blog sites, na kayang gawin
ng sinuman. Yun nga lang, hindi lahat ay sapat ang kaalaman, imahinasyon, angas
at bayag para gawin ito.
Lalo na kung palpak sa Ingles, at maski sa Filipino na grammatika.
Sa panahon ngayon, o libre nga ang mag-rant, pero libre din ang mang-bash. The
same way lang na parang nag-upload ka ng selfie at kahit 90 porsyento dun ay
nagandahan sa OOTD mo, baka naman may katiting pa na nanglait pa sa iyo.
Pero ito ang mas nakakabahala eh. Yung
nagsusulat na may smiley. Tapos ang masaklap dun, pag nagpatulong ka sa isa
mong kaibigan na editor, tinanggal ang mga gaya “J” “L” “:-\” o ang “;-)” sa gawa mo, ay magagalit ka. Sasabihing nawawala
ang essence ng salita.
Aba’y kung hindi ka rin naman siraulo e no?
Ang sinusulat mo ay isang kwento, hindi textmessage. Kaya umayos ka.
Isa pa: ang text lingo, na minsan ay mas
malala pa sa mga jejemon. Ulit, isang
kwento ang ginagawa mo. Wag mong babuyin ang panitikan na bumubuhay sa mundo. Umayos
ka.
Ayaw ko nang punahin ang mga tema. Hayaan
ko na riyan ang mga tulad ni memealberts na maging kritiko sa ganyan, dahl
tutal ay hindi naman ako ang target audience ng mga teen pop series sa ngayon.
Besides, alam rin naman ng mga masugid na mambabasa ko na surang-sura na rin
ako sa mga love story eh. Oo, kahit yung mga blogoserye sa Definitely Filipino
(pasensya sa mga follower ko dun) pa ang usapan.
Hindi makakaila ang pag-usbong nila. Walang
masama dun, lalo na kung para naman sa ikaaangat ng book industry ang ginagawa
nila.
Yun nga lang, kung gusto mong gumawa ng
kwento, ayos lang siguro kung natatypo ka lalo na kung par aka na ring ginagago
ng Autocorrect options ng word processing program mo (pero siyempre, mas okay
kung mamiminimize mo yun at wag naman yung obvious na napakadami), basta ayusin
mo ang paggawa. Yun na lang.
Author: slickmaster | ©2014 september
twenty-eight productions
No comments:
Post a Comment
Feel free to make a comment as long as it is within the bounds of the issue, and as long as you do it with decency. Thanks!